Chapter 11

511 17 0
                                    

"Naks! Taray ang outfit teh. You never fail to impress us without you noticing it." I smiled shyly at Pat who just compliment me. Isinama kasi nila akong pumasyal pagkatapos ng klase namin. Pumunta pa talaga sila sa bahay para ipaalam ako kahit na anong tanggi ko kanina.

"Why don't you try to join beauty pageant? You have the beauty and brain, actually full package ka na nga eh!" Seb suggested.

"Ano ba kayo? Hindi niyo mapapasali si Sam ng ganyan. Swimming lang ang hilig niyan simula nung bata pa siya. Gustong-gusto niyang makuha yung Goldentroph." Sabi naman ni Cath habang kasabay kong naglalakad papuntang kotse nila. Nakita ko naman sila kuya na lumabas.

"Buong-buo niyo yang pauuwiin ha? Pag 'yan nakita kong may gasgas, humanda kayo sa akin." Pagbananta ni kuya Clyde.

"Kuya!" Sita ko naman. Tinignan nila ako ng masama.

"Shut up. I'm not talking to you." I pouted. Sabi ko nga tatahimik na ako. Sungit.

"Oo buo namin siyang iuuwi dito para dagdag points ko 'yun sayo 'tol." Nagtawanan kami sa biglang lalaking boses ni Seb at kindat niya kay kuya Clyde.

Napalip-bite pa siya na parang pinagnanasahan ang kuya ko. Nandidiring tinignan niya naman ito.

"Goodness. I think I'm gonna puke." Then he walk out. Nagtawanan kaming natira.

"Wanna join me tonight, babe?" Pigil ang tawa kong napatingin kay kuya Jaden na ngayon ay nilalandi ni Pat. Humahagikhik naman yung dalawang katabi ko.

"Oh sure, but let me choose where are we going." Kumindat siya kay Pat at tsaka tumatawang hinila si kuya Jaden papasok sa loob. Oh! I swear, this is not good! Bigla nalang tumili si Pat at halos himatayin siya sa kilig niya. Ang dami niyang crush.

Pagkarating namin sa mall ay sa starbucks kami tumambay. Siyempre bumili din kami ng frappe then matching with strawberry cheesecake. While we're doing some chitchat and jokes. Some random guys joined our table without asking if is it okay with us. Rude.

"Hey girls!" The brown haired guy greeted us all but he keep his eyes on me. Not minding his distance, I moved a little para mapalayo sa kanya. He's too close.

"Excuse me? But isn't it rude to just sit here on our table without asking us?" Nakataas na kilay na tanong ni Cath sa kanila. Ngumisi naman ang isa sa kanila.

"Oh, we don't have to ask it miss. We're already sitting, too late to asked that." Nagtawanan naman sila at kami naman ng mga kaibigan ko ay nagkatinginan. It's not safe for us to stay with these guys. Parang pagtritripan nila kami.

"So? Are you single miss?" Gulat na napalayo ang mukha ko sa katabi ko ng bigla niya itong ilapit.

"I'm sorry but we need to go." Sabi sa kanila ni Pat at agad naman kaming nagtayuan.

Nauna ng naglakad ang mga kaibigan ko kaya sumunod na rin ako. Hindi pa ako nakakalayo ng bigla akong pigilan ng lalaki at hinawakan ang pulsuhan. Nakangising binalingan niya naman yung mga kaibigan ko na bumabalik para kunin ako.

"C'mon guys! Let this girl go with us, you can do shopping without her. Right miss?" He's handsome but totally a jerk.

"Bitawan mo 'ko." Kunot noong sagot ko sa kanya. Mas lalong lumapad ang ngisi niya kaya nagpumiglas ako.

"Ano ba? I said, let me go!" Natatakot na pagpupumiglas ko sa kanya. Aliw na tinignan naman ako ng mga kasama niya.

"Let go of her! Ano bang problema niyo?" Galit na lalapit sana si Cath ng harangan siya ng isang kasamahan din ng lalaking 'to.

"Ano ba? Hindi kayo nakakatuwa. Wag niyong guluhin si Sam." Si Pat naman ang nagtangkang lumapit pero pinigilan na sila ng natitirang kasama ng lalaking 'to.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now