Chapter 43

401 14 0
                                    

Ilang araw na akong nandito sa hospital dahil inoobserve pa ang kalagayan ko at para mabantayan din daw. Kasalukuyan akong nagaayos ng mga gamit dito sa kwarto ko at kaming dalawa lang ni kuya Zeijan ang nandito dahil may kinuha ang dalawa kong kuya sa bahay at si mommy at daddy naman ay pumunta muna sa company pero saglit lang daw sila doon at babalik din agad dito.

"Bunso, lalabas lang ako pipirmahan ko lang yung mga papers na pinapapirma ni Luke sa'kin." Paalam ni kuya sa akin.

Tumango naman ako at tsaka siya lumabas. Pumunta muna ako sa may mesa at tsaka inayos yung mga nagulong gamit doon. Habang nagaayos ako ay narinig kong may pumasok.

"Kuya, nasan pala si... oh, hi!" Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil akala ko ay si kuya Zeijan yung pumasok.

Nurse pala at tsaka may mask siya at may dala siyang bulaklak. Yung bulaklak naman ay inilagay niya sa table. Napatingin ako sa mata niya pero naka-sunglasses at cap siya.

Weird.

"Ahm, kuya nurse? Ano pong trip mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya pero natatawa.

Ngayon lang ako nakakita ng ganyang style ah? Tsk. Bigla akong napaatras ng bigla siyang lumapit at take note nasa likod niya yung dalawang kamay niya!

Nanlaki ang mga mata ko at bigla nalang akong kinabahan. I-Is he going to kill me? Gaya nung mga napapanood ko sa movies?

"W-Wag po! W-Wag mo po akong patayin!" Takot na sabi ko sa kanya at akmang aatras ulit pero nahuli niya na ang kamay ko at tsaka niya ako niyakap.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang yakap-yakap niya ako. Pero napatigil ako sa pagpiglas sa pamilyar na pabangong naaamoy ko galing sa kanya.

N-no. Imposibleng siya ito. Nangilid ang luha kong napa-angat ng tingin sa kanya.

"W-Who..."

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla nalang akong mahilo at everything went black.

"Galing siya dito kanina."

"Sasabihin ba natin sa kanya?"

"Wag."

"Grabe. He's a mess. He looked wreck."

"Naaawa na ako sa kapatid ko pero wala eh. Kahit na nahihirapan siya, tinitiis niya.

"Bumalik siya sa dati."

Rinig kong bulung-bulungan dito sa room ko. Hindi ko idinilat ang mata ko at tsaka ako nakinig sa kanila. Nakaramdam ako ng pangingirot ng kanang kamay ko.

"Mas malala siya ngayon, muntik na siyang mamatay dahil sa sangkot niya sa mga away."

Biglang kumirot ang dibdib ko sa narinig ko. Hindi ako tanga para hindi malaman na tungkol kay Wadensel ang pinaguusapan nila. Idinilat ko ang mga mata ko at tsaka ko napansing may dextrose ako.

Itinaas ko bahagya ang kamay ko at tama nga ang hinala ko. Napatingin sila akin.

"Gising ka n.."

"Iwan niyo muna ako." Malungkot na sabi ko sa kanila.

Nakita kong pgatutol sa kanilang mata pero sumunod din sila sa gusto ko at magpaalam na sila. Agad kong tinanggal yung dextrose ko at tsaka ako nagtungo sa pinto at tsaka yun inilock.

Kinuha ko na agad yung makukuha kong damit at nakita kong jumpshort yun. Agad-agad akong nagbihis at tsaka ko isinuot yung doll shoes ko.

Kinuha ko yung wallet ko at tsaka yung cap at dali-daling lumabas ng kwarto ko. Bago ako lumabas sa hospital ay may nakabangga ako at natapon yung dala niyang libro na familiar sa akin.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant