Chapter 38

380 13 0
                                    

Isang linggo na at alam kong ngayon ang balik ni Wadensel. I missed him.

Pumasok ako ng school pero hindi ko magawang magfocus sa buong subjects. Bumabagabag parin sa akin yung pinag-usapan namin ni Luke. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang sabihin sa mga kaibigan ko dahil sa sayang nakikita ko sa mukha nila ngayon.

I know they have the right to know dahil kaibigan ko sila. Pero natatakot hindi para sa akin kundi para sa kanila.

"Gosh! I can't wait! Matutupad na ang pangarap nating sabay-sabay na magmamartsa!" Masayang sabi ni Seb habang nag-iimagine.

Biglang nangilid ang luha ko sa sinabi niya kaya tumungo nalang ako sa upuan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ako ata ang sisira ng pangarap namin.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang magawa 'yon dahil aaminin kong sa bawat pagdaan ng araw ay nararamdaman kong nanghihina ako.

Madalas na ang pagdugo ng ilong ko at mga pasang hindi ko alam kung bakit laging nagkakaroon sa katawan ko.

Madalas din akong mahilo at nagsusuka. Pero sa kabila ng nararanasan kong paghihirap sa sakit ko ay never kong ipinakita sa kanilang hindi ako okay.

Nagpapanggap akong okay lang ako sa kagustuhan kong ayaw makitang nasasaktan at naaawa sila para sa akin. Pero ang akala kong hindi nila mahahalata ay nagkamali ako.

"Sam? Saan mo nakuha 'yang pasa mo sa braso?" Nag-aalalang tanog ni Pat at hinawakan ang braso ko.

Gusto kong mag-angat ng tingin pero nakaramdam ako ng panghihina. Gusto kong hawiin ang kamay niya pero wala akong lakas para gawim 'yon.

Bakit ganito? Bakit feeling ko ay nawalan ako ng lakas? Damn. What's happening now Sam? Please not now...Ayokong magpahalata pero bakit ayaw akong sundin ng katawan ko.

"Sam? Sam?" Narinig kong nag-aalalang tawag ni Cath sa akin at niyuyugyog 'yong balikat ko.

Bigla akong kinabahan dahil alam kong nakakahalata na siya. Bestfriend ko siya at alam kong inoobserbahan niya ang kilos ko.

"Look at me Sam!" Naiinis na sabi niya habang patuloy akong niyuyugyog. Nagbulungan naman sila Seb kung anong nangyayari sa akin at kung bakit ganun maka-reak si Cath.

"Sam! I said look at me!" Biglang sigaw niya.

Unti-unti naman kong iniangat yung ulo ko at nagpanggap na okay lang ako.

Nagulat siya ng makita 'yong mukha ko. Hindi siya makapaniwalang tinignan niya ako at nakikita kong nangingilid na yung luha niya.

"Gosh. You're so pale! Nung isang araw pa kitang napapansin na ganyan. May lagnat ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Pat at tsaka niya kinapa yung noo ko pero wala akong lagnat.

"W-What's the meaning of this?" Naluluhang agaw ng atensyon ni Cath sa akin. Napaiwas ako ng tingin ng makita kong nagbabadyang kumawala ang mga luha sa mga mata niya.

"Teka? Ang oa mong magreak Cath! Ano bang nangyayari Sam? Okay ka lang ba?" Naguguluhang tanong ni Pat.

Wala akong makapang isasagot ko. Hindi ko kayang sabihin. Nahihirapan akong sabihin ang totoo.

"Did you..." Kunot noong tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala.

"D-Did you lie?" Nakaigting ang panga niyang mariin ang titig ngayon sa akin.

"Tell me, totoo bang pinagamot ka sa US?" Lumuluhang tanong niya. Bigla akong napaiwas sa kanya.

Gusto kong magsinungaling ulit pero wala na akong lusot dahil kitang-kita niya mismo yung pinagdaanan ko noon at unti-unting pinagdadaanan ko na naman ngayon.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat