Chapter 18

491 16 0
                                    

Nakapwesto na ang lahat ng players habang hinihintay bumilang hanggang tatlo at cue na yun para sa simula ng swimming competition. Habang lahat ay nakapwesto si Sam ay pilit na iwinawaksi ang sakit na nararamdaman niya sa kaliwang braso.

Nang hindi niya makaya ang sakit ay bigla siyang bumigay at napaupo habang minamasahe niya ang kaliwang braso. Halos mapatayo naman ang mga kaibigan at magulang niya ng makita nila 'yon. Napalingon naman sa kanya yung mga players.

"Hoy, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Luke at lumapit siya dito para tignan ang mukha. Napa-igting naman ang panga ni Wadensel sa nakita. Bigla siyang nainis sa nakita niya.

"Ayos lang ako. Medyo sumakit lang yung balikat ko." Pumwesto siya ulit kaya kakamot-kamot na bumalik si Luke sa pwesto niya.

"Ano 'yan? Bakit siya nakahawak sa kaliwang braso niya, hon?" Nag-aalalang kalabit ng kanyang mommy sa asawa niya.

"I don't know either. Let's just trust her, okay?" Napabuntong hininga naman siya. Napatingin sila kay Sam at biglang nawala ang kaba sa dibdib nilang lahat ng makitang ngumiti siya. Nakita nila ang paglapit sa kanya ng coach niya na may sinasabi. Tatango-tango naman siyang nakinig.

Hindi rin nagtagal ay nagbilang na ang announcer.

"Okay, ready, get set, GO!"

Agad na lumangoy sila ng pabilisan. Halos mapuno ang swimming area ng sigaw ng mga pangalang pambato nila. Pigil hininga sila ng sabay si Luke at Sam sa ikot ng pang-anim.

Silang dalawa ang pinakamabilis na naglaro at puro pangalan nilang dalawa ang naririnig. Parehas ang bilis ng dalawa at nagkatinginan sila sa tubig at tsaka mas lalong binilisan.

Parehong walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa. Bilib ang mga taong nanunuod sa kanila dahil sa parehas na bilis. Hanggang sa pang-pito na nilang ikot ay sabay parin sila ng bilis. Malaki ang posibilidad na mag-tie ang dalawa.



Pang-pitong ikot na pabalik bago magwalo ay biglang may nag-echo ang narinig kanina ni Sam. Lahat ng sinabi sa kanya ni Wadensel hanggang sa naging boses na ni Luke na aksidenteng narinig niya. Dahil doon ay bumagal ang langoy niya at napahawak sa braso niya. Lahat ay nagulat ng bigla siyang tumigil sa gitna at biglang lumubog.

She's unconsciously thinking of something kaya nawala ang balanse niya sa tubig. Gulat na napasigaw naman ang mga kaibigan at pamilya niya.

"Sam!" Napatayo at nagaalalang napatingin sila dito ng bigla siyang lumubog pero maya-maya ay umahon din. Nakangiwi at pilit na nilalangoy ni Sam ang panghuling bilang. Sobrang sakit na ng kaliwang braso niya pero pinipilit niya paring lumalangoy.

Sa kabilang dako naman ay tuwang-tuwang umahon si Luke at bigla siyang nagtaka nang wala sa Sam. Muli ay iisa lang ang nasa utak niya.

He won!

Ilang ulit siyang nagpasalamat sa panginoon. Tuwang-tuwa naman siyang napayakap sa coach niya at tsaka nila pinanuod ang mga lumalangoy. Biglang napatingin siya kay Sam na mabagal na lumalangoy. Napakunot ang noo niya. At alam niyang may mali.

"Wadensel! San ka pupunta?" Malakas na tanong ni Pat ng makita niyang umalis si Wadensel ss kinauupuan niya. Hindi niya ito pinansin at tsaka siya pumasok kung saan naroon ang mga coach niya. Napatingin naman sa kanya ang coach ni Sam. Bigla niya itong kwinelyuhan.

"Why did you allow her?! I already told you to stop her!" Puno ng galit na kwinelyuhan niya ito. Nanginginig na tinignan niya naman ito.

"H-Ha? H-Hindi ko naman alam! Tsaka sinabi niyang kaya niya!" Depensa agad ng coach niya dahil sa takot siya kay Wadensel ng makita ang mata nitong galit na galit.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon