Chapter 21

468 17 0
                                    

Laman ako ng balita sa Bulletin board about sa pagkakatalo sa competition. Napabuntong hininga ako. Marami akong nabigo pero kung meron mang nabigo dito ng husto ay ang sarili ko.

Pero kahit ganun ay napangiti akong tinignan ang masayang mukha ni Luke na naka-post dito na nakangiti habang hawak-hawak ang Goldentroph.

Masaya ako kahit papano na natupad ang pangarap nila ng papa niya at may panggagamot na siya sa mama niya. Bilib din ako sa taong 'yon. Kaya kahit nabigo ako ay napunta naman sa deserving na tao ang pangarap ko.

"Ang gwapo pala ni Luke noh?" Rinig kong sabi ng katabi ko sa kaibigan niya habang pinagmamasdan nila ang mukha ni Luke.

Napatingin din naman ako. Gwapo siya at tsaka masarap kausap kaya siguro kami biglang nagkasundo kahapon dahil doon. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya sa picture na 'yon kaya masaya ako para sa kanya.

Pagkatapos kong dumaan sa bulletin board ay bumalik na ako sa room. Sumali naman ako sa kwentuhanbng mga kaibigan ko. Seat-in muna sina Den, Max, Zander at Vic dito dahil wala daw silang teacher.

Sabi nila gusto daw nilang makinig at mag-aral ng mabuti para hindi raw masayang yung tuition nila. Pero ang totoo ay mangtritrip lang sila dito at tsaka para daw bantayan ako dahil 'yun yung utos daw ng boss nilang si Wadensel.

Ilalayo daw nila ako sa mga taong umaaligid sa akin. Napapailing nalang ako ng dahil doon. Thou natutuwa ako sa pagka-secure niya. Hindi niya hahayaang maagaw ako ng iba sa kanya.

"Oy, oy, oy! Tama na 'yang kulitan. Andiyan na si Ma'am El." Sita sa amin ni Seb. Bigla namang nsgtransform lahat na parang nagbabasa.

Napatingin naman ako sa gawi nila Max at mahinang nagtatawanan sa likod. Tumingin naman siya sa akin at tsaka ako kinindatan. Naiiling na ibinalik ko yung tingin ko sa harapan.

"Goodmorning ma'am!" Bati naming lahat. Nag-check muna siya ng attendance hanggang sa nakakunot ang noo niyang napatingin sa likod. Inayos-ayos niya naman yung salamim niya para makita ng maayos ang mga kunyaring nagbabasa sa likod namin.

"Mr. Go, Moon, Vallente and Mercado. What are you doing here?" Humalukipkip si mam sa harap habang naniningkit ang matang nakatingin sa apat na lalaking naki-seat in.

"Makiki-seat in ma'am. As you can see. We want to learn more. Instead of going somewhere else, we just wanna study. We don't want to missed the opportunity while learning." Napanganga si mam sa sinabi ni Den.

Gusto ko sanang pumalakpak at humanga pero alam ko naman yung totoong dahilan kung bakit sila nandito. Napapailing nalang ako. Ang galing talagang mang-uto ng mga lalaking 'to.

Badboy's trick: ACTIVATED

Napapalakpak naman si mam sa kanila habang namamanghang tumingin sa kanila.

"They're right! You're a good model of this school, eventhough you're all a badboy. I'm so proud of you! Kaya kayo!" Turo niya sa aming klase niya.

"Gayahin niyo 'tong mga studyanteng 'to, okay?" Singhal niya sa amin. Um-oo nalang kami. Labas ilong yun ah.

"So since, you want to study. Then solve this 4 problem. Each of you will answer it. Come here, boys!" Tawag sa kanila ni mam. Sila naman ay parang napako sa kinauupuan nila at nalaglag yung librong hawak nila.

Nagkatinginam kaming magkakaibigan at sabay na napangisi. Okay.

"Oo nga pala. May ise-search pa pala ako sa library. Bye mam!" Paalam agad ni Zander at dali-daling lumabas. Pinagpapawisan naman yung tatlo pang natira at halatang nag-iisip ng ipapalusot.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now