Chapter 27

393 14 0
                                    

Luke

"Anak, anong pangalan ng kaibigan mo? Sobrang laking tulong ng ibinigay niya." Umiiyak na naman si mama.

Sobrang saya ko kasi lumipas ang ilang araw at buwan ay okay na siya. Healthy na siya hindi katulad noon na nangangayat at sobrang hina.

"Samantha po mama. Sobrang laking tulong niya sa buhay natin pero babayaran ko din lahat ng tulong ko sa kanya." Ginawa ko yung sinabi ni Sam. Yung napanalunan kong pera ay ginamit namin ni mama sa lilipatan naming bahay. Hindi ko din matiis na tumira sa isang lugar na puro nalang panlalait. Palibhasa kasi may kaya sila.

"Sobrang bait naman ng Samantha na 'yan. Hindi siya katulad ng ibang mayayaman na nilalait tayo anak." Tumango-tango ako sa sinabi ni mama. Itinigil ko ang paglalaba dahil sa naalala ko yung una naming pagkikita nk Sam.

Agree ako sa sinabi ni mama. Sa swimming competition palang ay siya na yung una kong napansin. Halos nga lahat ng taong kasali noon ay panay lingon sa kanya. Sino bang hindi mapapalingon? Maganda siya at umaalingasaw ang mayamang postura niya.

Gusto ko siyang makausap noon dahil walang gustong makiusap sa akin. May kakausap pero pupuri naman. Hindi yung pangmatagalan. Kaya hindi na ako nakipag-usap sa kanya noon dahil baka supladahan niya ako.

Pero nagulat nalang ako nung kinuha niya yung tuwalya ko. I thought lalaitin niya pero gulat talaga ako nung nagpalit kami. Hindi ko yun inaasahan. Siyempre may butas yung towel ko! Nakakahiya pero wala na akong nagawa kung hindi ang makipagpalit. Wala din kasi akong balak bumili dahil nagiipon ako sa pampa-opera ni mama.

"Nga pala anak, bakit kaya hindi ka mag-apply bilang nurse sa Hospital nila? Pasado ka naman sa board exam ah? Gamitin mo kaya 'yon?" Napa-isip ako sa sinabi ni mama.

What if i-try ko? Graduate na ako bilang nursing student. Maaga kasi nila akong pinag-aral. Sa kagustuhan kong mag-aral ulit ay nag-aral ako ng med-tech. Pero itinigil ko na dahil sa kawalan ng pera. Ipinagkakasya ko yung pera para sa pambili ng gamot sa mama ko.

"I'll try ma." Nanlaki ang mga mata ko at natawa si mama sa akin.

"Hanep! Naka-english ako ah!" Natatawang sabi ko at tsaka ipinagpatuloy kong maglaba.

Kinaumagahan ay triny kong pumunta sa Hospital ng mga Montecillo at mag-apply bilang nurse.

"You have a lot of certificates iho. You passed on the exam also. Why don't you try sa ibang bansa? Sobrang qualified ka doon base sa skills mo." Nahihiyang napakamot ako sa batok.

Dito nga ako nagaapply tapos papapuntahin pa ako sa ibang bansa! Ayos lang ba siya?

"Ayaw ko po kasing iwan ang nanay ko dito dahil walang magaalaga." Napatango naman siya at tsaka niya ibinigay yung folder na ipinakita ko sa kanya. Bigla naman akong kinabahan. Baka hindi ako pwede dito.

"You're hired, Mr. Luke Ryle Juanco. You're over-qualified for being nurse. You're one of the private nurse now." Napatigil ako.

Parang hindi mag-sink in sa akin yung sinabi niya. Bumilis din yung tibok ng puso ko pero mayamaya lang ay mag-isa ko nang sumasayaw dito sa loob ng office. Hindi ko napansing umalis na yung matandang babae.

Shet! I'm hired! I'M HIRED! Ang saya-saya! Sa sobrang saya ko ay hanggang sa pagkadating ko sa bahay ay hindi parin nabubura yung mga ngiti ko at sayang-saya ko yun ibinalita kay nanay. Niyakap niya ako at pareho kaming nagtatalon-talon sa saya! Sa wakas may trabaho na ako!

"Jusko anak! Manang-mana ka talaga sa talino ko!" Tuwang-tuwang sabi ni mama at nagtawanan kami.

God, thank you!

Tirik na tirik ang araw habang naglalakad. Inutusan kasi ako ni mama na bumili ng lulutuin niya para mag-celebrate. Habang naglalakad ako ay may biglang tumawag ng pangalan ko kaya ginala-gala ko yung tingin ko hanggang sa may nakita akong babaeng nakasuot ng simpleng damit pero madami pa ding napapalingon dahil sa ganda niya. Nanlaki naman ang mga mata kong lumapit sa kanya. Para kaming mga bata na msgkaibigan at sobrang tagal na hindi nagkita.

"Sam?" Tuwang-tuwang niyakap ko siya.

"Kamusta na? Si tita kamusta na?" Tanong niya pagkakalas ng yakap. Ang bango talaga ng babaeng 'to. Amoy mayaman.

"Ayos na si mama. Sobrang salamat sa'yo Sam. Di bale promise, babayaran kita balang araw. Nga pala, anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Pinagpapawisan na din siya dahil sa init. Natawa nalang ako ng bigla siyang mag-pout.

"Si Wadensel kasi eh. Hinihintay ko, may binili lang saglit. Ayaw niya akong palakarin sa malayo kaya siya nalang yung pumunta." She pouted again.

"Mabuti na yun! Ang init init kaya. Tsaka malapit na pala kayong grumaduate." Pabirong hinampas ko siya. Nagmumukhang bakla ata ako dun ah?

"Oo eh! Ganyan talaga. Nuod ka ah? Sama ka sa outing namin!" Pag-iinvite niya. Napasimangot naman ako.

"Sorry Sam. May trabaho kasi ako eh." Bigla naman siyang napa-sad face. Naguilty tuloy ako.

"Sorry na Sam." Panlalambing ko sa kaibigan ko. Hahawakan ko sana yung kamay niya ng may biglang tumampal ng kamay ko. Oops!

"Hands off." Tinignan ako ng masama ni Wadensel kaya napalunok ako. Bakit ang sungit sa akin ng lalaking 'to?

"Babe! Ang tagal mo!" Reklamo ni Sam sa kanya. Nakita kong hinalikan niya ito sa noo habang natatawa at tsaka niya malambing na pinunasan yung pawis ni Sam. Switch mood ganun?

"Sorry babe. Malayo nga kasi yun." Kinurot niya ito sa pisngi. Tumikhim naman ako dahil sa nakalimutan ata nila yung presensya ko. Bigla namang sumama yung tingin sa akin ni Wadensel.

"Andito po ako!" Singhal ko sa dalawa. Napahagikhik naman si Sam kaya napailing nalang ako.

"Ay sorry po! Sama ka sa amin mag-lunch Luke!" Pagiinvite sa akin ni Sam. Nahihiyang tumanggi naman ako.

"Ah wag na. Ayokong maging third wheel." Natatawang sabi ko sa kanya. Nakita kong tinaasan ako ng kilay ni Wadensel. Napailing nalang ako. Bakit ang init ng dugo neto sakin?

"Ha? Sige na! Bago ka umuwi kumain ka muna." Pamimilit niya. Baliw ka ba Sam? Kakarating ko lang papauwiin mo na ako?

"Ah wa..."

"Come with us. Don't refuse her offer." Napatingin naman ako kay Wadensel. Grabe. Nakakabakla yung gwapo niya. Gwapo naman ako pero yung kay Wadensel kasi iba eh. Ang lakas makahatak ng girls.

"Sige na nga. Tutal gwapo ka naman bro." Pabirong inakbayan ko siya. Tinanggal niya yung kamay ko pero ibinalik ko din. I'm making friends with him.

"Wag ka ng maarte! Diba Sam?" Ginamit ko na si Sam para hindi niya matanggihan.

"Psh!" Hinila niya palapit sa kanya si Sam at tsaka niya ito hinapit sa bewang.

"Relax. Di ko yan aagawin She's my friend bro!" Iiling na sabi ko sa kanya. Napangisi naman siya.

"Good to know your spot." Singhal niya sa akin. Napangiwi nalang ako.

This possessive bastard! Nailing nalang ako at tsaka natawa. Natutuwa akong subaybayan ang kwento ng dalawang 'to.

Sobrang mahal na mahal nila ang isat-isa. Kitang-kita ko yun sa mga mata at mga galaw nila. Sana nga wala ng sumubok manghimasok sa relasyon nila. Kung meron man ay ako mismo ang maglalayo.

Aba! Sila ang gustong-gusto kong magkatuluyan.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now