Chapter 17

459 15 0
                                    

"Fuck you! Don't talk to her like that!" Kwinelyuhan niya si Wadensel. Napangisi lang siya at tsaka niya ito tinulak.

"Anong pakialam mo? Don't you dare include yourself if I'm not talking to you." Maangas na sabi niya habang inaayos niya yung kwelyo niya. Bigla akong napalunok.

Akmang sasagot si Lance ng tignan ko siya kaya napatingin siya sa akin. Umiling ako sa kanya para sabihing 'wag na siyang magsalita. Binalingan ko naman si Wadensel na masama ang tingin sa akin.

"Sa lahat ng sinabi mo, mali. I'm not trying to get your attention, Wadensel. Hindi ko alam kung anong problema mo doon. There's nothing wrong with that. And it's normal. I can't believe that you're giving a meaning of what I am doing in return. I can't believe you. Don't give meaning in everything, you're being pathetic." Ibinalik ko sa kanya yung sakit na salitang binitawan niya sa akin kagabi. It's still fresh. Sa bawat pagbitaw niya ng salita hanggang sa emosyon. Lahat 'yon ay hindi ko makalimutan.

"I hope you're happy for hurting me again." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tsaka ako naglakad papasok ng swimming area. Feeling ko, nasasatisfy siya habang nakikitang nasasaktan ako. Feeling ko gustong-gusto niya 'yun. Kahit na gusto kong umiyak ay hindi ko ginawa.

Ayoko na. Ayoko ng maging mahina pagdating sa kanya. Dapat ko na nga talagang pigilan 'to. Hindi 'to makakabuti sa akin.

Nakangiting sinalubong ako ni coach pero agad na nawala yun ng makita yung sugat ko. Nagtanong naman siya kung napaano yun kaya sinabi ko ang totoo. Tinanong niya ako kung kaya ko daw bang lumangoy kaya napatawa ako ng bahagya.

"Coach naman, sugat lang 'to! Hindi ako fractured." Iiling-iling na sabi ko.

"Mabuti naman kung ganun." Nagsimula na akong kausapin ni coach about sa mechanics ng competition.

Sampo kaming maglalaban-laban at ibat-ibang school ang makakalaban ko. Sinabi niyang anim na lalaki at apat kaming babae. Kailangan naming lumangoy ng pabalik-balik hanggang maka-walong langoy kami. Sa kung sino ang pinakamabilis matapos ay siya ang mananalo.

Umupo muna ako sa may bench at tsaka ako nagdasal na maging okay lang ang laro. May mga katabi rin ako rito pero halatang hindi sila mahilig makihalubilo kaya wala akong makausap.

Napabuntong hininga ako at tsaka ako napatingin sa mga manunuod. Kumaway sina Cath sa akin kaya kumaway din ako pabalik sa kanila. Kasama nila si Wadensel kaya napaiwas nalang ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin.

Narinig ko naman yung katabi kong lalaki na may kausap sa cellphone. Biglang nag-iba ang kagustuhan kong manalo dahil sa naririnig ko.

"Thank you, ma. Oo gagalingan ko para sayo. Pangarap nating dalawa 'to diba? Wag kang mag-alala ma. Maipapagamot na kita pag ako ang manalo.... Ha? Ma! Kung matatalo man ako ay hahanap ulit ako ng panibagong raket. Kailangan mong gumaling ma.... Ma naman! Mananalo ako dito at para sayo 'tong ginagawa ko. Hindi ko minsan inisip ang mga bibilhin ko para sa sarili ko, kaya mama. Pag nanalo ako dito gagaling ka na at makakabayad na tayo ng utang natin kay aling Cecil. Lagi niya kasing inaapak-apakan yung pamumuhay natin eh..... Talaga naman ma. Tsaka galit yun sa atin dahil mas gwapo ako sa anak niya at mas maganda ka sa kanya, in short insecure siya sa atin..... Totoo naman yun ma eh. Pag nanalo ako dito lilipat tayo ng tirahan. Ayoko na doon. Pero siyempre uunahin ko muna yung pagpapagamot ko sa'yo....... Eh? Hayaan mo na ang pag-aaral ko ma. Makakaantay naman 'yan eh. Titigil ako pagkatapos ng larong 'to dahil uunahin ko ang kalagayan mo..... Ma naman. Wag ka ngang umiyak. Basta titigil ako. Aalagaan kita mama!....... Sweet talaga ako ma, tsaka gwapo pa. Kaya mag-ingat ka diyan ha? Uuwi din agad ako pagkatapos nito. Pero dadaan muna ako sa boss ko para kunin yung sahod kong 300. Oo na ma. Bye, ma! I love you!" Ibinaba niya yung cellphone niyang keypad.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon