Chapter 26

406 14 0
                                    

I woke up feeling dizzy. Sinubukan kong ipikit muna saglit ang mata ko para mawala ang hilong nararamdaman ko. Nang masigurado kong okay na ako ay tumayo na ako at nagtungo sa pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa bulaklak na bumungad sa harapan ko.

"Goodmorning babe!" Nakangiting bati ni Wadensel at tsaka niya ibinaba yung hinarang niyang bulaklak sa mukha niya. Napangiti ako.

"Morning. Aga mong mambulabog ah?" Natawa siya at tsaka siya umayos ng tayo habang binibigay sa akin yung flowers. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at sabay kaming bumaba.

"Bulabog agad? Hindi ba pwedeng miss kita?" Parang hindi naman kami nagkita kahapon ah?

"Hoy manahimik ka nga diyan! Halos hating gabi mo nang ihatid pauwi 'yang kapatid ko! Kakornihan mo Wade!" Naiiling na sigaw ni kuya Zeijan sa kusina na nagpatawa sa amin. Napabusangot naman siya at tsaka siya bumaling sa akin.

"By the way babe, didn't you miss me?" Kulit niya sa akin ng makababa na kami ng tuluyan. Magsasalita pa sana ako pero napatili nalang ako ng may bumato sa amin ng ampalaya. Dali-dali naman akong tinago ni Wadensel sa likod niya.

"What the hell?" Inis na bulyaw niya. Narinig ko naman yung boses nila daddy sa may garden na tinatanong kung anong nangyari.

"Oops! Dinadagsa kayo ng ampalaya ah? Ikain niyo nalang 'yan." Patay malisyang sabi ni kuya Jayden sa amin dahil siya naman talaga yung nagbato sa amin. Inirapan lang siya ni Wadensel.

Iniharap naman ako ni Wadensel habang tinatanggal yung ampalayang dumikit sa buhok ko. Akmang babatuhin pa niya kami ng pigilan siya ni kuya Clyde.

Hay! Save by the bell!

"That's enough. Bitter niyong dalawa." Bumaling naman sa amin si kuya.

"How's your sleep?" Tanong niya.

"Goo..." Hindi ko na natuloy ng tinaasan niya ako ng kilay.

"I'm not pertaining to you!" I pouted. Why so mean to me kuya Clyde. Pero maya-maya lang ay natatawang inakbayan ako ni Wadensel.

"Wag niyo nga siyang pagtulungan!" Sita niya sa mga kapatid ko.

Pinaharap niya ako sa kanilang tatlo at tsaka niya ipinalibot yung dalawang kamay niya sa may leeg ko at doon ako niyakap habang naka-rest yung baba niya sa ulo ko. Napangiti nalang silang tatlo habang naiiling.

"Sorry, baby. Love ka namin kaya ka namin binabasag. Gustong-gusto kasi naming nakikitang nakabusangot ka. Mas lalo kang gumaganda eh." Biro sa akin ni kuya Zeijan kaya mas lalo akong napanguso.

"Aww." Reak ni kuya Jayden ng nakita akong ngumuso.

"We love you, Sam!" Lambing sa akin ni kuya Clyde kaya napahagikhik ako.

"I love Wadensel too." Napabusangot naman silang tatlo at tsaka nila tinignan ng masama si Wadensel na feeling ko ay mapupunit na yung labi niya kakangiti.

"What? Mas mahal niya ako." Pagmamalaki niya.

Lumapit naman silang tatlo at tsaka nila ako nilayo sa kanya. Napaangal nalang siya tsaka binatukan siya ng tatlo kong kuya. Natatawa nalang akong pinagmasdan sila habang tinatawanan si Wadensel na tumatakbo para iwasan yung batok ng mga kuya ko.

Feeling ko tuloy sila yung magkakapatid. I find it sweet sa pagtrato nila sa kanya. Kahit ganyan sila.

"What's with the mess boys?" Napatingin agad kami kay mommy na nakapamewang na tinitignan ng masama yung mga kapatid ko pati si Wadensel sa tuwang-tuwang nagkukulitan. Nailing tuloy ako bigla.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon