Chapter 28

397 14 0
                                    

Max

"Ang ganda ni Sam noh?" Bulong sa akin ni Zander. Bwisit 'tong gagong 'to? Ako kasi yung katabi kaya ako yung kinukulit.

"Tumahimik ka nga. Marinig ka ni Wadensel, kawawa ka na naman sa sapak." Bwisit na sabi ko sa kanya. Inosente niya naman akong tinignan.

"What? Totoo naman ah. Maganda naman siya oh." Sabay turo niya sa stage kaya nabalik ang tingin ko doon.

"Oh? Matunaw 'yan. Naku. Maghanap ka ng ibang babae Max. Kalimutan mo na si Sam. Alam ko namang gusto mo siya eh." Nabatukan ko naman siya.

"Tumahimik ka nga." Inis na sabi ko. Umarte naman siyang izini-zipper yung bibig niya kaya napatingin ulit ako sa stage.

Nagkaroon ng fashion show at tsaka sila sasayaw. Isa siya sa napili kaya nandito kami ngayon para panoorin sila. Kasama 'to sa foundation day namin kaya marami kaming nanunuod dito sa open-field.

Pinanuod naming sumayaw si Samantha. Ang galing niyang sumayaw. Mas lalo lang akong humanga sa kanya. She dance with grace at feel na feel niya yung song na 'This is what you came for' ni Rihanna.

Dumagundong ang sigaw ng pangalan niya. Sa sikat ba namang babae ni Sam ay marahil yun ang unang maririnig. Tsaka madaming may gusto sa kanya. Mapababae man o lalake.

Natawa nalang kami ng tinuro niya si Wadensel nung sinabi ng kanta na..'But she's loolking at you... ooh... you... ohh'

Kaya ayan. Pulang-pula ang mukha ng gago. Sobra niya talagang mahal si Sam. Halos ayaw nga niyang pumayag noon dahil yung sasayawin nila Sam ay may pagka-flirty ang steps.

Hindi nga sila nagbibiro. Flirty nga yung sayaw nila pero hindi masagwa. Ang galing nga nilang sumayaw eh. Enjoy na enjoy yung mga mata namin sa panunuod namin sa kanila.

"Ang hot mo Sam!" Sigaw ng isang lalaki. Shit.

Napatingin kami kay Wadensel. Hindi nga ako nagkakamali. Halos manlisik na ang mata nito at bago pa man siya makasuntok ay pinigilan na namin siya.

"Hayaan mo na. Magagalit si Sam." Pagpapakalma ko sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama.

"Are you fucking kidding me? Binastos niya yung girlfriend ko tapos sasabihin mong hahayaan ko?" Galit na turan nito sa akin. Napabuntong hininga ako. Kahit kailan mainitin parin ang ulo.

"Relax. I mean, tandaan naman 'yang pagmumukha ng lalaking 'yan. Mamaya nalang natin turuan ng leksyon. Wag dito, makikita ni Sam. Ayaw mo naman sigurong mag-away na naman kayo diba?" Nung isang araw kasi ay nag-away sila ng dahil na naman sa pagseselos ni Wadensel.

Inis na tinabig niya naman yung kamay ko at sakto namang natapos sila Sam na sumayaw. Nakita ko si Wadensel na pumunta sa backstage. Kukunin siguro si Sam. Baka may bumastos na naman.

"Galit na galit na naman si Wadensel. Seloso talaga." Iiling-iling na sabi ni Vic sa amin. Hinihintay namin sila dito sa gilid. May mga nagpapapansin namang mga babae kay tinignan ko sila ng masama. Tsk.

"Hay naku! Ang hot pala ni Sam pag sumasayaw! Kasing hot ko." Mayabang na sabi ni Seb. Binatukan siya ni Pat at ni Cath.

"Bakla! Mandiri ka sa sobrang laki ng katawan mo! Nagmumukha ka lang na kargador!" Humagalpak kami ng tawa sa sinabi ni Pat.

"Assuming as always. Kalma ka lang." Sabi naman ni Cath. Napailing nalang ako sa kanila. Ang saya nilang kasama. Magkakaibigan pero nagbabasagam pero nagmamahalan.

Napatingin naman kami sa magka-holding hands na papunta dito sa pwesto namin. Ngumiti naman ako.

"Hi Sam! Galing natin ah?" Pumula naman yung pisngi niya sa sinabi ko. Kukurutin ko na sana ng maramdaman kong may nakatingin sa akin ng masama kaya nag-peace sign nalang ako kay Wadensel.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now