Chapter 30

392 14 0
                                    

"Listen class! Since wala tayong gagawin, mag-jamming nalang tayong lahat. Ayos ba 'yon sa inyo? Yung may ayaw, dalawa ang pinto natin at may apat na bintana tayo para paglabasan niyo." Natawa kami sa sibi ni ma'am at halos lahat kami ay um-agree sa sinabi niya.

"I want the main singer of this classroom, Samantha and Sebastian. Sasabay tayong lahat sa kanilang dalawa okay?" Malakas na sabi ni mam.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at napatingin kay Seb na nakabusangot. Tumabi siya sa akin habang pakendeng-kendeng yung butt niya. Tinawanan ko nalang siya.

"Okay! Since malapit-lapit na ang graduation niyong Fourth year college. Kakanta tayo ng Marvin Gaye!" Pumapalakpak na sabi niya. Kumunot naman yung noo ko tsaka tumingin sa mga kaibigan ko.

"Anong connect ng Marvin Gaye sa Graduation?" Inosenteng tanong ko sa kanila. Poker face kaming lahat sa sinabi ni mam eh. Halos matahimik na yung room namin. Siya lang naman yung sayang-saya sa pinili niyang kanta.

"Sapakin ko kaya si ma'am? Jusko! Alam mong lagi niyang kinakanta 'yan pagna-dismissed na niya tayo!" Sabi sa akin ni Cath habang nakahilig ako sa balikat niya.

Natatawa nga ako eh. Mukha kaming magjowa sa itsura namin. Nakaakbay kasi siya sa akin tas nakataas yung isa niyang paa. Boyish style daw siya ngayon eh.

"Ah. Lss pa siya." Natatawang sabi ko at tsaka ko pinakinggan yung samut-saring reaksyon ng mga kaklase ko.

"Ma'am! Bakit naman 'yan? Ang boring. Dapat kantahin natin yung mala-Beyonce." Suggest ng isa. Tinignan siya ni mam habang nakataas ang kilay.

"Oh sige. Ikaw na teacher." Pambabasag niya at nagtawanan kami.

"Eh Mam! Marvin na naman ba? Sawang-sawa na akong marinig yang pangalan na yan. Siya yung nanakit sa puso ko mam. Tama na mam." Naiiyak na sabi naman nung isang babae na kaklase namin. Mas lalong tumaas yung kilay ni mam.

"Oh tapos? Bakit? Hindi naman yang jowa mo yung kanta. Bwisit 'to. Wala akong pakialam kung nasaktan ka. Basta kakanta tayo." Tsaka siya nag-hum sa harap namin. Nakangiwing pinakinggan namin.

"Bukod sa wala sa tono. Basag yung boses ni ma'am." Mahinang bulong ni Seb sa tabi ko. Mahinang naghagikhikan kami.

"Sinabi mo pa! Baka nga mas maganda pa boses ko diyan kay mam eh." Panlalait naman ni Pat sa teacher namin habang sini-sway yung mahaba na niyang hair.

"Anong pinagbubulungan niyo diyan?" Gulat na napalingon kami sa kanya. Pinanlilisikan niya kami ng mata.

"W-Wala mam. Tinatanong lang ni Sam yung lyrics kung tama ba." Kita mo 'tong di Pat.

Dinamay pa talaga yung pangalan ko. Pasimpleng kinurot ko siya pero nag-peace sign lang siya habang nakangiti. Napailing nalang ako at tsaka ko isinubsob yung mukha ko sa leeg ni Cath. Napahagikhik naman siya.

"Beshy! Mapapasabak na naman ako." Natawa siya sa akin.

"Para kang bata Sam. Alis nga diyan. Nakikiliti ako." Hagikhik niya. Pabirong kinagat ko naman yung leeg niya kaya napasigaw siya.

Tinawanan ko nalang siya at tsaka kami tumayo ni Seb para pumunta sa harap. Nagtawanan yung kaklase namin dahil imbes na lumakad si Seb ay rumampa pa siya at nag-modeling sa harap habang pose ng pose.

"Ay, taray bakla! Nagmumukha kang kawayang gumagalaw at nililipad!" Sigaw mi Pat kaya naghagalpakan kami ng tawa. Mas lalo kaming napatawa ng madulas siya pero nilagyan niya ng pose.

"Tama na nga 'yan!" Pigil ko sa kanya ng magpopose pa sana siya sa pagkakadulas niya habang nakaupo.

"Ano ka ba bakla. Para hindi ako magmukhang nadulas dapat go with the flow." Naiiling na tinulungan ko nalang siyang tumayo.

"Taray bakla. Anak mayaman ka talaga. Ang lambot ng kamay mo." Tuwang tuwang hinaplos ni Seb yung kamay ko kaya natatawa nalang ako. Bigla naman siyang binato ni Pat ng ballpen.

"Kapag nakita ka ni Wadensel na hawak 'yan. Sinasabi ko sa'yo bakla. Dodobleng pangit ka." Bigla namang binitawan ni Seb yung kamay ko.

"Selosong pogi 'yon. Dapat akin nalang siya Sam." Napailing nalang ako sa kanya.

Sorry, but Wadensel is mine.

"Oh! Magsimula na tayo. Ihanda ang music na pang-party. Yung may mix na Marvin Gaye ha?" Sabi niya sa operator na kaklase namin. May speaker at microphone din dito kaya tig-isa kami ni Seb.

"Let's start!" Tuwang-tuwang sabi niya. Nakisabay na rin yung mga kaklase namin. Naunang kumanta si Seb.

Halos matawa ako dahil sa naghahalo-halong hindi maipaliwanag na boses dito sa room namin. Hindi na ako magtataka kung may susugod na prof dito mamaya.

Tuwang-tuwa ang mga kaklase naming sumasabay at tsaka sila sumasayaw-sayaw with their partners. Siyempre napapaindak nadin kami dito ni Seb. Parang nagcha-chacha kaming dalawa. Sinusundan naman kaming dalawa ng mga kaklase namin.

Bigla kaming humagalpak ng tawa ulit ng si mam yung kumanta sa..

"Just like they say it in a song
Until the dawn, let's Marvin Gaye and get it on
Oooh"

Kasabay kasi ng pagbirit niya yung pagbasag ng bote sa labas. Napatingin kami sa teacher na nakatakip parin sa tenga niya hanggang ngayon. Nanlilisik na tumingin siya sa amin.

"MRS. SANTOS! GO TO THE TEACHER'S OFFICE, NOW!"

Natarantang sumunod si ma'am. Nagkatinginan naman kaming lahat at tsaka kami halos mamatay na sa kakatawa. I think this is the most memorable part with my classmates. Walang malungkot. Lahat kami masaya at nag-enjoy.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now