Chapter 39

418 13 0
                                    

Napatitig lang ako sa galit na mata niya. He thought that I'm flirting with Lance. He thought that we're having fun a while ago and fucking enjoying. That we're flirting.

Kung ang pagseselos niya ang dahilan ay matatanggap ko pa pero ang pagdudahan at pagbibigay niya ng maling konkulsyon na siya lang ang bumuo ay napakasakit.

Ito ang pinakamalalang pagaaway namin dahil kapag nagaaway kaming dalawa ay nagtatampuhan lang kami pero ito ang kauna unahang malalang away namin. At ang pinaka-ayaw kong makita sa lahat ay ang manakit siya ng iba.

"Ano bang problema mo doon pare? Tinulungan ko lang si Sam dahil muntik na siyang matumba! 'Wag naman sana makitid ang utak mo!" Galit na sigaw niya kay Wadensel habang kinwelyuhan. Sa ginawang yun ni Lance ay hindi ko na napigilan si Wadensel sa pagsuntok sa kanya.

Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

I hate seeing this.

I badly want to run away from this.

"He's telling the truth! And we're not flirting." Hindi ko alam kung bakit ganyan ang tingin niya sa ginawa namin.

Humarap siya sa akin na nanatiling galit.

"Do you think I'll believe that? Isang linggo lang ako nawala! Why Sam? I fucking badly want to go home to see you pero ito pa ang madadatnan ko! Are you flirting behind my back,huh? I'm dying for a week just to be with you but you're doing this shit behind my back! I can't believe this! You're a flirt! Do you like this man over here?! Am I not enough for you at naghanap ka ng ibang makakalandian habang wala ako dito?!" Nanghihinang napahikbi ako matapos siyang magsalita. Hindi ko na muling napigilan ng dambahan siya ni Lance.

"Gago ka! You're a useless jerk that I've encounter!" Sinuntok ni Lance si Wadensel pero hindi ko padin magawang makagalaw.

Nagsimula na din silang magbulungan sa narinig kaya mas lalo akong nasaktan dahil sa hindi katotohanang kumakalat ngayon na sinabi niya. Nang lalaking mahal ko.

"Psh! I'm really disappointed! Hindi ako makapaniwalang humanga ako kay ate Sam at ganun pala siya. Nasa loob talaga ang kulo ng mga mukhang anghel." Narinig kong bulong ng nasa may likod ko.

I cried when I heard that. Puros mga masasakit na salita ang mga naririnig ko at masakit para sa akin ang nangyayaring ito.

I'm disappointed. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon kay Wadensel at masakit isipin na ganun din ang tingin ng lahat sa akin.

Tumingin ako sa gawi nila Wadensel na patuloy parin sa pagsusuntukan. Agad akong lumapit para umawat at wala akong pakialam kung sumabatan ako ni Wadensel dahil mas gusto kong matigil ang suntukang ito.

"Please stop it!" Awat ko kay Wadensel bigla niya akong tinabig at humarap sa akin.

"Shut up! I'm gonna kill this man! And please, i don't want to see your face!" Galit na galit na sigaw niya. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko at wala din siyang pakialam kung umiiyak ako ngayon dahil galit na galit siya.

"I-If that's what you want pero stop punching each other. D-Dumudugo na 'yang kamay mo!" Naiiyak na sabi ko sa kanya. He laughed sarcastically at ipinakita yung kamay niya.

"I don't give a damn. Mas lamang ang sakit ng puso ko na nararamdaman ko kaya manahimik ka." Mariing pasakil niya sa akin. Tumalikod siya at bago pa niya masuntok si Lance ay sumigaw na ako.

"I love you!" Humihikbing sigaw ko sa kanya na nagpatigil sa bulungan at pati na rin sa kanya.

Pero ang akala kong titigil siya ay nagpatuloy siya. Kahit hilong-hilo ako at hirap na hirap ay nagawa ko pa ding lumapit sa kanila.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon