Chapter 45

439 10 0
                                    

"Wade.. Uso pahinga, pare!" Humahalakhak na tukso sa kanya ni Dennis.

Tinignan niya lang ito at tsaka niya ibinalik ang tingin sa mga papel na nasa harap niya.

"Haays. Ang boring ng buhay mo! Ano? Bar tayo? Mambabae tayo 'tol! Tutal matagal ka ng single at matagal ng wala si Sa..." Yaya sa kanya ni Max.

"Fine." Malamig na utas niya dito at agad na tumayo. Napangisi naman silang lahat at palihim na nagkindatan ang magbabarkada. Habang si Wadensel naman ay walang ka-emo-emosyon sa kanila.

"Woah! Hi babe!" Makanding bati ni Max sa isang babae pagkaupo nila sa kanilang table. Agad na lumantak ng alak si Wadensel na para bang tubig lang ang iniinom.

"Naks! Ayos yan pre! Have a life. Hindi yung lagi kang single diyan! Hindi matutuwa si Sam sa pinaggagagawa mo sa buhay mo! Baka mamaya biglang sumulpot dito si Sam." Biglang biro ni Den sa kanya.

Pabagsak na inilapag niya yung baso niya at tsaka niya ito kwinelyuhan.

"Hoy! Hoy! Hoy! Tumigil nga kayo diyan!" Awat sa kanila ni Vic bago pa masuntok ni Wadensel si Den.

"Ikaw naman kasi Den! Alam mo namang matagal ng wala si Sam, inuungkat mo pa siya!" Iritang sabi sa kanya ni Zander.

Napairap nalang si Den sa kanila.

"Uso kasi mag-let go sa past." Prangkang sabi niya.

"Fvck!" Malutong na mura ni Wadensel at tsaka niya inihagis yung bote pabagsak at tsaka niya tinignan ng masama si Den.

"J-Joke lang! Ito naman!" Lumalayong sabi niya.

"Do you think that was fun? Huh?" Malamig na tanong niya dito. Hindi makapagsalita si Den dahil alam niyang galit na ito.

Biglang lumapit sa kanya si Zander at hinila ito pabalik sa upuan niya kanina.

"Relax nga. Andito tayo para mag-enjoy. Hindi para sa mga past!" Napabuntong hininga nalang sila ng makita nilang uminom na parang tubig si Wadensel habang mahigpit ang hawak niyang alak.

"Damn this shit life!" Malutong na mura niya.

Tinignan lang siya ng mga kasama niya. Biglang may lumapit sa kanyang babae sabay upo sa tabi niya.

"Hi." She flirtly said. Napangisi lang siya at hindi siya nilingon. Biglang napasimangot yung babae.

"Aww. You're so bad, Wadensel! Sa akin ka nalang miss." Sabay kindat ni Max sa babae.

"What? How about me?" Reklamo ng isang akbay niya. Napangiwi nalang sila.

"Kayong dalawa nalang para enjoy!" Malanding sabi ni Max sa kanilang dalawa. Napairap naman yung katabi ni Wadensel.

"But I like this hottie. I'm available this night." Malanding pakilala niya kay Wadensel. Napatingin si Wadensel sa bagong pasok na isang grupo at napangisi.

"Hi, Miss. Available this night. I'm not interested." Sabi niya ng hindi nakatingin sa babaeng katabi dahil focus na focus ang tingin niya sa isang babae na umupo malapit sa kanila habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito.

"Eyes on me. Do you want me to kiss you?" Doon siya napalingon sa babae at tinaasan niya ito ng kilay.

Magsasalita pa sana ito ng bigla siyang hinila palapit ng babae at tsaka ito dinampihan ng halik sa labi. Biglang naghiyawan ang mga kaibigan niya kaya napatingin silang lahat sa pwesto nila.

Hindi niya ito naitulak agad dahil naka-focus ang tingin niya sa isang babae pero agad ding tumalikod nung nakita niya ito.

Bigla ay naitulak niya yung babae.

"Nice lips." Ngisi ng babae. Tinignan niya ito ng masama.

"Leave before I kill you." Malalim ang boses niya at halata mo ang galit sa tono nito. Halos ang mga kaibigan niya ay namutla.

Agad namang umalis yung babae dahil sa takot. Marahas na pinunasan niya yung labi niya.

"Teka, si baby Cath ko nandito. Pero sabi niya 'wag ko daw sundan kaya babantayan ko siya." Sabi ni Den at tsaka niya ibinaling yung tingin sa malapit sa table nila.

"Wow. That's Princess Avon Useda. Siya ba yung tinitignan mo doon?" Biglang bulong ni Vic sa kanya. Ngumisi lang siya at hindi sumagot. Kung alam lang niya na yung isang kasamahan nila ang tinitignan niya. Hindi kasi siya masyadong maaninag ng mga kasama niya dahil nasa madilim na parte siya.

Sumandal siya ng maayos at tsaka niya pinagmasdan ang itsura ng babaeng kanina niya pa tinitignan.

"Akalain mong magiging magkakaibigan sila? Eh magkakaaway lang silang lahat noon. Hays." Komento ni Den na ikinatango ng lahat.

Sa kabilang dako naman ay masayang nagkwekwentuhan ang mga magkakaibigan.

"Wow! Yan pala ang hindi umiinom, Mikmik ah? Hanep! Nakailang bote ka na ah!" Inagaw ni Nicky sa kanya ang alak na iniinom niya pero tinabig niya lang ang kamay nito.

"Pabayaan mo nga ako!" Medyo iritang sabi niya.

"Maldita." Irap sa kanya ni Marielle.

"Psh." Irap niya dito. Napailing nalang si Cath sa kanila dahil sanay na siya sa turingan nilang magkakaibigan.

"Tama na nga 'yan! You're drunk! Papagalitan ako ng daddy mo. Di nalang sana kita isinama." Naiinis na sabi sa kanya ni Cath at inagaw yung bote niya.

"Aah! Give me that!" Aagawin niya na sana yung bote niya ng pinitik niya ito sa noo kaya natigil siya at naiinis na sumandal sa couch na pinaguupuan nila.

"Arte mo talaga, Mikmik. Sarap ihampas sayo lahat ng bote dito!" Maarteng bigkas ni Princess.

Tumaas bahagya ang kilay niya.

"Gusto mong buhusan kita ng alak diyan? Don't me." Irap niya dito.

"Sungit!" Hindi niya na ito pinansin at biglang tumayo ng marinig niya ang nakakaindak na music sa bar.

New Thang Twerk Remix

"Hoy! Bruha! San ka pupunta!" Pigil sa kanya ni Marielle. Imbes na sumagot ay hinila niya ito papunta sa dance floor.

Wala na din siyang nagawa at nakihalubilo sa mga sumasayaw.

"Hooo!" Biglang naghiyawan ang lahat ng dumating na ang chorus at sabay na nagindakan.

Enjoy na enjoy sila sa pagsasayaw hanggang sa nagshowdown sila.

"Wow. Hot!" Sabay-sabay na hiyaw ng mga lalake ng tinanggal ni Mikmik ang kanyang cardigan at ibinalot 'yon sa bewang niya. At dahil na rin sa lasing siya ay hindi niya na alam ang ginagawa niya.

Kitang-kita ngayon ang magandang kurba ng katawan niya habang sumasayaw.

Bigla namang naalarma ang mga kaibigan niya sa pinaggagawa niya.

"Uh! Dapat talaga hindi ko na siya sinama pa." Inis na sabi ni Cath habang papalapit.

Hindi pa man siya nakakalapit ay nakita niyang hinatak ito ni Wadensel papalayo. Napabuntong hininga nalang siya at tsaka bumalik sa pwesto nilang magkakaibigan. Sa kabilang dako naman ay gulat na gulat ang mga kaibigan ni Wadensel sa ginawa.

"T-Totoo ba yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Max sa kanila.

"I think." Maikling saad ni Vic na nakangisi.

"Interesting." Sabay-sabay na sabi nila at tsaka nagtawanan.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon