Chapter 4

598 20 0
                                    

"Malapit ka ng grumaduate. Nagaaral ka ba ng mabuti?" Taas kilay na tanong sa akin ni kuya Zeijan habang sinusubuan niya ako.

Sinabi kong ako na yung susubo sa sarili ko pero hindi siya pumayag. Wala na akong nagawa kung hindi sundin siya. Sina kuya Clyde at Jaden ay sinundo sina mommy. I've decided na tatanggap na ako ng bisita. Tsaka miss ko na rin sila eh.

"Oo naman. Halos perfect ko nga yung exam eh!" Pagmamayabang ko sa kanya. Napangiti naman siya at marahan niyang ginulo ang buhok ko.

"Ayos yan! Mana ka talaga sa akin! Ako nga lang ang pinakamatalino." Tuwang-tuwa na sabi niya pero nginiwian ko lang siya.

"Patawa ka talaga kuya. Ako mas matalino sa atin!" Inismiran niya naman ako sabay subo ng pagkain sa akin.

"Oo nalang! Mamaya ka nalang dumaldal at kumain ka nalang." Kita mo 'to. Siya yung unang dumaldal sa akin tas ako pa sisitahin. Napapailing na nginuya ko nalang yung pagkain ko.

Dahil sa nangyari kahapon ay hindi ako pinayagang pumasok ng tatlo kong kuya. Bihis na bihis na ako kanina eh. Pero si Cath kasi nagsumbong sa kanila kaya hindi na nila ako pinayagang pumasok. Next week nalang daw ako papasok since friday naman ngayon. Hay. Pero okay lang yun. Family day ata namin ngayon dahil makukumpleto na naman kami!

"Baby!" Pagbukas palang ni mommy ng pintuan ay boses niya agad yung narinig ko. Umiiyak na niyakap niya ako. Eto na naman siya eh! Bigla tuloy akong naiinis pag may nakikita akong umiiyak ng dahil sa akin.

"Gosh! I missed you!" Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak. Napatingin naman ako kina kuya na may hawak na maleta. Nanlaki ang mga mata kong bumitaw kay mommy. Napanguso tuloy siya.

"What's that?!" Biglang sigaw ko na nakaturo sa bitbit ni kuya Clyde.

"Apple? Mango? Stating the obvious little sis." Sarcastic na sabi sa akin ni kuya Clyde.

"Seryoso? Matutulog kayong lahat dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. Ngumiti naman silang lahat except sa kuya kong mean.

"Hindi! Ipapalaba lang namin 'to sayo." Pambabasag niya ng tanong ko. This time nagtawanan na sila kaya napanguso nalang ako. Tawanan lang sila ng biglang pumasok si daddy na naka-suit pa.

"What's happening?" Kunot noong tanong niya. Di ko naman mapigilan yung ngiti ko. Daddy's girl active!

"Dad!" Patakbong niyakap ko siya ng mahigpit. Natatawang niyakap din niya ako.

"My baby!" Tuwang-tuwa ako habang niyayakap ko siya. Mas close ko si daddy kesa kay mommy. Lagi kasing umiiyak si mommy eh. Which is ayaw ko sa lahat. Nakangusong tinignan niya kami.

"Totoo ba yung sinabi ni Cath?" Tanong niya pagkaupo namin sa bed ko. Nakita kong inaayos ng tatlo kong kapatid yung pahhihigaan nila sa sahig mamaya. May kutson silang hawak. Habang si mommy naman ay sinusuklay yung buhok ko.

Naglingunan naman yung tatlo kong kapatid na binelatan pa talaga ako!

"Daddy oh!" Turo ko sa mga kuya ko at inosente lang silang bumalik sa pagaayos ng gamit. Napanguso nalang ako.

"Hayaan mo na yang mga kuya mo." Gusto kong isumbong ulit sila pero naagaw ni mommy yung atensyon kong sumisinghot sa tabi ko.

"Mommy!" Inis na sita ko sa kanya. Tumalikod naman siya.

"Sorry baby. Sinisipon lang ako." Hindi nakaligtas sa akin yung paghikbi niya. Napaiwas nalang ako ng tingin tsaka ko siya niyakap. Tumahan naman siya at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Stop crying. Pangit mo na nga mommy eh." Pagbibiro ko sa kanya. Hindi pangit mommy ko. She's gorgeous, sa kanya ko namana yung mata ko. Iyakin lang talaga siya.

"Baby!" Natawa nalang ako at tsaka ko pinunasan yung luha niya. Nakangiting pinagmamasdan na niya ako ngayon.

"You're so gorgeous anak. Mana ka talaga sa akin." Narinig ko naman yung pagtikhim ni daddy.

"Mana din sa akin! Hindi tayo magkakaroon ng gwapo at magandang anak kung hindi mo ako naging asawa." Pagmamayabang ni daddy na ikinatawa pero ikinasimangot naman ni mommy.

"Ikaw! Ang tanda-tanda mo na nga, nagagawa mo pang purihin yang sarili mo!" Pambabasag ni mommy sa kanya. Alam niyo na siguro kung saan nagmana si kuya Clyde noh?

"Mean ka ah. Pero dahil mahal kita, di na kita papatulan." At tumawa ng tumawa si daddy. Sumabat naman si kuya Clyde.

"Ang korni mo dad!" Natawa na kaming lahat sa biglang pagbusangot ni daddy. Nagkwentuhan at nagkatuwaan kaming lahat at naramdaman ko ang pagkakompleto ko kapag kasama ko sila. Hindi man nila sabihin ay nahahalata kong pinipilit nilang maging masaya para sa akin.

Alam kong hindi nila kayang nakikita akong nahihirapan simula nung bata palang ako. Pero lahat nagawa na nila pero hindi parin talaga ako nilulubayan ng sakit ko.

They've been always on my side nung nagpa-chemo ako ng sakit ko and happy to say na na-overcome ko ito pero hindi pa din ako tuluyang gumaling. Though nabawasan yung dead cells pero positive parin yung sakit ko. Little improvement.

"Anak, pinabayaan mo na sana yung libro. I can bought you a lot of books." Sabi ni daddy. In-open kasi ni mommy yung nangyari kahapon eh.

"No. Hindi ko ugaling magtapon." Nakangusong saad ko.

"Hard-headed. Ayoko ng maulit 'to ah?" Tumango nalang ako at tsaka ako nanuod ng tv.

Nagkatuwaan naman sila sa baba ng kama ko at hindi ko maiwasang mapatawa ng makita kong puno yung mukha ni kuya Jaden ng pulbo.

"Ang daya! Bakit pinagkakaisahan niyo 'ko?" Maktol niya. Walang pumansin sa kanya at ang dalawa kong kuya naman ay kinuhanan siya ng picture. Nakangiting pinagmasdan ko sila.

"Aba. Sige! Picture pa." Sarcastic na sabi niya pero nagpose naman siya ng pangbabae. Naiiling na tumatawa ako.

"Ang pangit ko diyan! Burahin mo 'yan kuya Clyde!" Hinabol niya si kuya Clyde na hawak yung cellphone niya at tumatawang nakatingin sa screen ng cellphone niya.

"Ayoko nga. We're quits. This is my revenge for taking a photo of me while I'm on a sleep." Lumapit sa akin si kuya Zeijan habang may hawak na hiniwa niya kaninang apple.

"Ubusin na natin 'to habang naghahabulan sila." Natatawang baling niya sa akin. Nagsimula naman na kaming ubusin yung apple at nung maubos na.

"Asan na yung apple?" Aligagang tanong ni kuya Jaden. Inosente akong nanuod ng tv habang si kuya Zeijan naman ay nagkunwaring tulog.

"Ah, walang magsasalita? Sige, hindi na ako manlilibre ng pizza." Agad akong napatingin kay kuya Clyde ng sabihin niya 'yon.

Napabangon naman si kuya Zeijan. Hindi na ako nagdalawang isip na ituro siya pero nagulat ako ng tinuro niya din ako.

"He/She ate it!" Sabay na sigaw namin. Parehong natawa sa amin si mommy at daddy na parang tuwang-tuwa pa sa nangyayari.

"Goodness boys. They both eat it. Walang pizza ngayon, Clyde. Bawal yan kay Sam." Paalala ni dad sa kanya.

"Ngayon lang naman eh!" Reklamo ko agad. Tinignan ako ni daddy ng seryoso.

"No, Sam." He said with full of authority. Napanguso tuloy akong napatingin kay kuya Clyde na nakangisi sabay sabi ng...

"Quits." Inirapan ko nalang siya at tsaka ako nanuod ng tv.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now