Chapter 25

472 15 0
                                    

Nakarating kami ni Wadendel sa isang garden which is full of flowers kahit saan ako tumingin. My eyes suddenly spotted a very romatic candle light dinner at the center.

Naramdaman ko ang paghapit ni Wadensel sa bewang ko. Gusto kong matawa dahil kanina pa hindi nabubura yung mga ngiti niya sa labi.

"Finally, you're mine." Masayang sabi niya at tsaka niya ako niyakap.

"I'm happy." Yun lang ang nasabi ko. Hindi ko mailaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Para akong lumulutang sa saya. Akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganito. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Thank you for loving me. I've been a jerk, nasaktan kita ng paulit-ulit. Kaya ngayon, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Pinaghirapan kitang kunin kina tito. Hinding-hindi ako makakapayag na makuha ka ng iba, cause what's mine is mine. No one can steal you from me." I cupped his face at nakita ko na namang amg ningning sa mga mata niya.

Sobrang sayang pagmasdan siya kapag ganito. Hindi ko inaasahan na magkakagusto siya sa akin. Sa hirap niyang maabot noon. Pero kung kailan ako sumuko, tiyaka naman siya natauhan.

"I will never love someone if it's not you. My heart belongs to the person who I want to take care of. And I trust you for that, Wadensel." Ngumiti siya sa akin at tsaka niya hinalikan ang noo ko.

"I love you." Napangiti ako.

"I love you too."

Unti-unting lumapit ang mukha niya at tsaka niya ako marahang hinalikan. Pagkatapos ay hinila niya ako at pinaupo sa harap ng mesa. Inalalayan niya akong umupo pagkatapos ay umupo din siya sa katapat ko. May lumabas namang waiter na may dalang pagkain tsaka niya nilapag yung pagkain.

"Fuck! Don't stare him like that." Bigla akong nagulantang sigaw sa harap ko. Nakatingin sa akin si Wadensel ng masama tapos yung waiter namam ay dali-daling inilapag yung mga pagkain at tsaka siya dali-daling umalis.

"I'm not staring at him." Depensa ko. Napatingin lang naman ako dahil sa dami ng inilalapag niya sa mesa, eh dalawa lang kami ninWadenesel dito.

"You're staring at him. I saw it with my two eyes. Wala pa tayong 24 hours na mag-on, pinagtataksilan mo na 'ko." Nahimigan ko ng pagtatampo ang boses niya. I leaned forward at tsaka ko siya kinurot sa pisngi.

"And cute mong magselos!" Gigil na sabi ko sa kanya.

"Psh!" Inirapan niya ako pero maya-maya lang ay hinuli niya yung kamay ko at tsaka niya yun hinalikan.

"Don't do that again." Banta niya sa akin na tinawanan ko nalang.

Inilipat niya yung upuan niya sa tabi ko at tsaka niya ako pinakain.

Oo, the whole time sinusubuan niya ako.

Sinubuan ko rin siya dahil mapilit siya.

Kwento siya ng kwento about sa kalokohan niya noong hindi pa naging kami. Naiiling na pinalo ko siya ng pabiro dahil sa daming gulong pinasok nila. Sabi niya hindi daw nabubuo yung araw nila ng walang pinagtritripan o di kaya ang maaway.

That's why they are called badboy. Maraming may hindi gusto sa kanila kahit na gwapo silang lahat ay hindi pa rin daw maiwasan ng iba ang mainis sa kanila dahil feeling raw ng iba ay control daw nila ang buhay ng iba.

Pagkatapos naming kumain ni Wadensel ay pumunta kami sa may duyan. Hindi ko alam na may ilog dito at kitang-kita ang maraming bituin sa langit. Inunan ko yung ulo ko sa dibdib niya habang pinaglalaruan niya yung buhok ko.

"Ang ganda dito. Pa'no mo 'to nalaman?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hindi ko alam pero ang sarap-sarap nilang titigan. Stargazing yung ginagawa namin.

"Dad suggested here. Tsaka I know you really love flowers kaya pumayag na akong dito ka dalhin." Sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok ko.

"You really know my favorite. I like it here. Nakaka-relax." Buntong hininga ko at tsaka ko ipinikit ang mata ko habang pinapakinggan ang mabilis na heartbeat ni Wadensel.

"I agree, babe." Napangiti nalang ako. Should I also call him babe? I'm not used into endearment pero bakit parang mahihiligan ko na ngayon?

"Do you want me to sing?" Napa-angat ako ng tingin sa kanya with my shocked reaction.

"Diba shy type ka 'pag kumakanta? Naalala ko noong pinapakanta ka ni tito noon eh bigla ka nalang umalis habang namumula 'yang tenga mo." Pang-aasar ko sa kanya. He chuckled.

"Because you're staring at me intently back then! Hindi ako makakanta dahil nahihiya ako noon sa'yo. Crush kita noon eh. Pero ngayon mahal na kita. Oh diba? Sweet ko?" Bigla akong natawa sa sinabi niya.

"I can't believe ang aga mong lumandi!" Natatawang asar ko. Sinimangutan naman niya ako at tsaka niya pinitik yung noo ko.

"Kita mo 'to! Imbes na kiligin. Psh! Bakit ikaw din naman ah? Diba sabi mo matagal mo na 'kong mahal?" Biglang tukso niya na halos ikapula ng mukha ko.

"Sus! Kinikilig si babe!" Bigla akong napasigaw ng bigla nalang niya akong kilitihin. Uh!

"Tama na! Bumalik ka na nga sa monster mood mo." Natatawang tinabig ko yung kamay niya.

Hindi niya ako tinigilan kaya mas lalo akong napatawa. Nang mapagod siya ay ibinalik niya yung ulo ko sa dibdib niya. Pagod ko namang isinandal yun. Ginawaran niya ng halik ang gilid ng ulo ko at tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Damn! I'm so inlove with you. You're making me insane, babe." Bulong niya sa tenga ko kaya biglang tumaas yung balahibo ko. May kiliti ako doon eh! Magsasalita na sana ako ng makita kong may dali-daling tumakbo dito sa kinaroroonan namin.

"Sir! Ano pong nangyayari? Bakit po sumisigaw si mam?" Hinihingal na tanong ng manager. Tinampal ko yung kamay niya para pakawalan ako sa pagkakayakap pero mas lalo lang niya yun hinigpitan at parang ayaw na akong pakawalan.

"Go back there. We need privacy!" Sigaw sa kanya ni Wadensel kaya sinita ko naman.

"S-S-Sorry po sir!" Natatarantang umalis naman yung manager sa pagsusungit si Wadensel. Ngumisi siya sa akin at tsaka siya bumulong.

"Ingay mo kasi." Piningot ko naman yung tenga niya kaya napadaing siya.

"Babe naman! Nananakit ka na ah? Pero mas lalo yata akong naiilove sayo." Muntik na akong mapairap sa sinabi niya. Pero tumatawa at pabiro kong sinuntok yung dibdib niya. Pero nilagyan niya lang ng malisya.

"Op! Op! Op! Tsansing ka babe ah? Pero don't worry. My body is yours." He naughtily said and just like a tomato, I blushed.

"Wadensel!" Namumulang sigaw ko. And he just chuckled at tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now