Chapter 20

536 14 0
                                    

Bigla niya akong niyakap ng makita ang luha sa mata ko.

"Did I scare you?" Maalumanay na tanong niya. Umiling naman ako.

"I just didn't expect this." Humikbi ako sa mga bisig niya. Naramdaman ko naman yung paghalik siya sa tuktok ng ulo ko.

"Expect the unexpected, babe." Mahinang kinurot ko naman siya na ikinatawa niya.

"Siyempre bago kita ligawan, kakapalan ko ang mukha kong hihingin ang approval ng pamilya ng taong matagal ko ng gusto." He chuckled that makes my heart warm. Nagulat kaming pareho ng biglang bumukas ang katabing kong pinto. Pareho kaming kumalas sa isat-isa.

"D-Dad/Tito." Sabay na sabi namin. Tinignan kami ng seryoso ni daddy. Ganun din sina mommy at mga kuya ko.

"Baba!" Utos nila sa akin. Dali-dali naman akong bumaba. Akmang bababa rin si Wadensel ng magsalita si daddy.

"Umuwi ka na, Wadensel. We heard everything. I want to talk to you tomorrow." Seryosong sabi ni daddy. Magpapaalam pa sana ako sa kanya ng bigla akong hinila ni dad papasok ng bahay.

"Dad?" Nagugulat na sabi ko. Lahat sila ay seryoso amg mukha.

"Umakyat ka na sa kwarto mo. Sleep." Tumalikod na silang lahat sa akin. Napabuntong hininga naman ako at tsaka ako pumunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko ay hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ako kasaya. Naging bigo man ako sa pangarap ko ay natupad naman ang kakambal ng pangarap ko. Wadensel.

Pumunta ako sa may bintana ng kwarto ko at gulat ako ng makitang nandun pa 'yong kotse niya. Nakita kong nakasandal siya sa kotse niya at nung makita niya ako ay napangiti siya. Sinuklian ko naman siya ng ngiti. Kumaway siya sa akin at ganun din ang ginawa ko. Pinanuod ko siya na sumakay sa kotse niya hanggang sa umalis na nga ito.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko at pakiramdam ko ay ayoko ng mawala pa 'yon.

Kinaumagahan. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko at nagpasya na akong bumaba pero napatigil ako dito sa hagdan ng marinig ang boses ni daddy at mommy.

"Kung sasaktan mo lang ang anak ko ay 'wag ka ng manligaw." Bigla akong nanlamig sa boses ni daddy. Napasilip naman ako doon at nakita kong kompleto sila doon sa baba.

"Hindi ko maipapangakong hindi siya masasaktan pero gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan, tito." Magalang na sabi sa kanya ni Wadensel.

"Siguraduhin mo lang. Kapag 'yan umiyak ng dahil sa'yo. Ihanda mo 'yang sarili mo." Pagbabanta ni kuya Clyde sa kanya.

"Iho. Alam mo namang nag-iisang babae lang si Sam na anak namin. Ayaw namin siyang nakikitang nasasaktan. Gusto namin siya na sumaya. Kaya kahit na boto ako sayo dahil nakikita kong masaya sa'yo ang anak ko at masaya din siya sa'yo, kailangan mong humarap sa pagsubok galing sa amin. Hindi ito para kay Sam. Para ito sa inyong dalawa." Seryosong sabi ni mommy.

"Ngayon namin susubukan kung gaano mo kamahal ang kapatid ko. If you succeeded our expectations. Then welcome to our family." Ngising baling sa kanya ni kuya Jaden.

Hindi ko na natiis ang pakikinig kaya bumaba na ako. Napatingin naman silang lahat sa akin. Nagkunwaring wala naman akong narinig. Gusto ko din namang malaman kung gaano kaseryoso sa akin si Wadensel kaya hindi ko na sila pinakialaman. May tiwala ako sa kanyang mapapapayag niya silang lahat.

"Goodmorning!" Masiglang sabi ko. Hinihintay naman ako nila daddy na lumapit sa kanila pero kay Wadensel ako lumapit. Ngumiti siya sa akin. Akmang yayakapin ko at yayakapin niya ako ay biglang hinila ni kuya Clyde yung damit ko sa likod para pigilan. Matalimbagad ang tingin ng tatlong kuya ko sa akin.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon