Chapter 14

459 18 0
                                    

Pilit kong tumakbo palayo para lumayo sa taong naghahabol sa akin. Alam kong sa ganitong oras ay naghihintay na sa akin yung driver namin kaso bigla nalang may humarang sa akin na grupo ng lalake at pilit nila akong hinihila kaya napumiglas ako hanggang sa nabitawan na nila ako at doon ako nagsimulang tumakbo palabas ng school namin.

Nakita ko din yung iba kaninang binigyan ako ng nagtatakang tingin marahil ay naguguluhan kung bakit ko tumatakbo ng mabilis. Takot akong sumigaw ng 'Tulong' dahil nakita kong may dala siyang baril. Mukha silang gangster.

My goodness! Anong kailangan nila sa akin? Bakit ako ang hinahabol nila?

Lumiko ako sa tinatakbuhan ko at agad akong nagsisi kung saan ako lumiko dahil end of the road na dito at mukhang eskinita pa at wala na akong mapuntahan. Takot na humarap ako sa kanila at tsaka unti-unti akong umatras na mas lalong ikinangisi nila.

"W-What do you want?" Nanginginig na tanong ko at tsaka ko niyakap yung bag ko paharap.

"You. Hindi mo ba ako natatandaan miss beautiful?" Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. He looked familiar! Unti-unting nanlaki ang mata ko ng may maalala ako. Sh*t!

I'm on trouble!

"Hindi ko makakalimutan ang pagsampal mo sa akin!" Galit na sabi niya at tsaka niya ako kwinelyuhan.

"N-Nasasakal ako!" Takot na sigaw ko sa harap niya. Ngumisi lang siya at tsaka niya pa ako mas lalong sinakal.

"Boss, mukhang masarap siya ah." Takot na tumitig ako sa lalaking pinapasadahan ako ng tingin. Tatlo silang lahat.

"No one dares to hurt, any of my brother! Mas mabuti ng ako ang saktan mo kaysa ang kapatid ko! I'm a nice person but...What? Nasaan ngayon ang tapang mo?" Binigkas niya yung sinabi ko noon sa bar. Nang-aasar pa talaga siya. Napalunok naman ako.

Ngumisi ulit sa akin yung lalaki. Bigla ko naman itong tinulak kaya napaupo siya. Naningkit ang mata niya sa galit dahil sa ginawa ko.

Nagtangka akong tumakbo pero nahigit niya ako at tsaka niya ako itinulak sa pader. Tumama ang kabilang braso ko at nakaramdam ako ng sobrang kirot kaya napangiwi nalang ako at napahawak doon.

"Walang hiya kang babae ka!" Galit na sigaw niya at tsaka niya ako sinampal ng malakas. Napaluha ako sa sakit.

Help. Sigaw ko sa utak ko. Mas lalo akong napangiwi ng bigla niya akong sinuntok sa sikmura.

"P-Please stop." I pleaded at tahimik na lumuha. Awang-awa ako sa sarili kong napaluhod sa sahig habang nakahawak sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng sakit sa ibat-ibang parte ng katawan ko.

Habang dinaramdam ko ang sakit ay naramdaman kong hinawakan niya ng mahigpit sa buhok ko at tsaka ako pinatingala para makita ko siya. Nakangisi man ay kita ko parin ang galit sa mga mata niya.

"Kung hindi ka lang sana nakialam nung araw na yun ay dapat wala ka dito! Pakialamera ka!" Sinampal niya ako muli kaya napayuko nalang ako. Naramdaman kong may tumulong likido galing sa gilid ng labi ko.

"Ano? Iiyak ka nalang diyan? Tang-na mo! Lumaban ka!" Pilit niya akong itinatayo at tsaka niya ako muling sinampal ng malakas.

Tinanggap ko lang yung pananakit niya, nila ng hindi nanlalaban. Wala akong laban sa kanila. Nanlalabo na din ang mga mata ko habang nanghihina. Tuluyan ng bumigay ang katawan ko kaya pagod na napaupo ako sa sahig. Tumawa sila ng tumawa at tuwang-tuwa sa pananakit sa akin.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Awang-awa na ako sa sarili ko. Gusto kong gumanti pero hindi ko kaya. I never get into fights, in any kind of trouble.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now