Chapter 13

492 14 0
                                    

"Anak, mukhang pursigido kang makuha yung Goldentroph ah? Magpahinga ka naman." Narinig kong sabi ni daddy. Tumingala ako at nakita kong nakapamewang siya. Dito na kasi ako sa bahay nagpractice since meron din naman kaming pool dito.

"Later dad. I want to get it." Ngumiti ako sa kanya at tsaka ako lumangoy ulit. Wala naman siyang nagawa kaya pumasok ulit siya sa loob ng bahay.

Gabi na at nageensayo parin ako sa gaganaping competition. Alam kong madumi maglaro ang mga makakalaban ko pero hindi ko hahayaang makuha ng iba ang Goldentroph. I can't wait to hug that trophy.

Nang mapagod ako ay pinunasan ko yung sarili ko at tsaka ko isinuot yung robe ko. Napatingin ako sa repleksyon ko sa pool at napahawak sa kaliwang braso ko. Bigla kasi itong kumirot. Nung isang araw ko pa 'to napapansin. Sigurado akong ngawit 'to ng pagpapraktis ko pero hindi ko hahayaang maging hadlang lahat ng sakit ko sa pangarap ko.

"Sam." Napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Si kuya Zeijan na may dalang pagkain.

"Kanina ka pa lumalangoy. I know na matagal mo ng pangarap makuha ang Goldentroph pero magpahinga ka naman kahit konti. Kanina pa kita nakikitang ngumingiwi diyan." Inilapag niya sa mesa yung pagkain ko. Tumayo naman ako at tsaka lumapit sa pwesto niya at tsaka ako umupo.

"Eat." Kumain naman ako tsaka siya umupo sa harap ko.

"No signs?" Umiling lang ako. Hindi ko na nararamdaman ang symptom ng sakit ko simula nung umalis ako ng hospital. Siguro nga ay nakakatulong sa akin ang pakikisama ko sa pamilya ko.

"Good. About your private nurse. Next week pa natin siya mamimeet." Paalala niya sa akin.

"Ha? Hindi ba pwedeng walang nurse?" Nakangusong reklamo ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Pumayag kaming umuwi ka dito at yun ang kapalit nun. Bawal kang magreklamo, Sam. This is for your own good tsaka magiging busy kami kasi magoopen ng bagong branch yung restaurant ni Jaden kaya mas mabuting may tumingin-tingin muna sayo when we're not here." Psh. Napabuntong hininga nalang ako.

Bumalik tuloy sa utak ko na may sakit pala ako pero masaya ako kahit na konting panahon lang ay naranasan kong maging normal na walang inaalalang sakit. Na wala akong sakit.

"Nga pala. About earlier." Tumingin ako sa kanya habang nginunguya ko yung pagkain ko.

"Do you like Wadensel?" Parang sumabit yung kinakain ko kaya bigla akong napaubo at uminom ng tubig. What kind of question is that?

"N-No. Wag mo nga akong kausapin kuya." Medyo inis nasabi ko sa kanya. Ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko. Gosh. Am i that readable?

"You're not good on lying, Sam. I can read your eyes. Everytime you stare at him is different. Lalaki ako at alam ko yun Sam." Seryosong tinignan niya ako. Hindi naman ko nagsalita dahil sa gulat. Ganun ba ako kadaling mabasa? Para malaman niyang may gusto ako kay Wadensel.

"Kuya, wag mong sasabihin sa iba." Namumulang sabi ko sa kanya sa kabila ng hiya. Natawa naman siya.

"Dalaga na ang bunso namin." Panunukso niya sa akin kaya mas lalo akong namula.

"Kuya!" Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"At alam mo ba? Di ko na talaga sasabihin sa iba dahil alam na nilang lahat. Our family knows it. Ikaw ba naman yung nananaginip sabay sabing 'I really like him. Wadensel, why can't you notice me?'" Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong nataranta. Did I sleeptalk?!

"Oh my God! Kuya... Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ko habag sobrang lakas yung tibok ng puso ko. Nakakahiya!

"Uh-huh. I'm not bluffing. Hindi lang nila sinasabi dahil like lang naman yun." Nakangiting sabi niya pero hiyang-hiya parin ag nararamdaman ko. Ugh!

"Pero, Sam." Biglang seryoso niya kaya nabalik ang tingin ko sa kanya.

"Habang maaga pa, pigilan mo yang nararamdaman mo. I don't like him for you. He's a bad-ass and given na masasaktan ka niya which is ginagawa niya na ng hindi pa alam ang nararamdaman mo. Look, I'm concern about you. I don't want you to fall for him more. You're the most beautiful girl I see and you deserve a good guy. Not Wadensel. Not him, Sam. Wadensel don't deserve a woman like you, you deserve a great man." Mariin na sabi niya sa akin.

Nasaktan ako kasi ayaw niya kay Wadensel. Pero he's right. Wadensel can hurt me without knowing my feelings, he's a bad guy. Should I give up my feelings?

"I'm sorry, Sam. But I don't really like Wadensel for you. Siguro pabor ang iba pero hindi ako. Mag-isip kang mabuti para sa sarili mo. You've been hurt a lot. Physically and emotionally. You need to be selfish for your own good." Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa pagkain ko.

I hate the fact that kuya is right. But how can I forget about my feelings.

Napabuntong hininga ako.

"Fine. I'll try to forget my feelings. Pero paano kapag hindi ko nagawa?" Diretsong tanong ko sa kanya. Imposibleng mawala ang feelings ko sakanya dahil kahit malayo si Wadensel sa akin ay nagwawala ang buong sistema ko. Ganyan kalakas ang impact niya sa akin. Very dangerous.

"Then, maybe I'll accept your decision. Because even when I don't like him for you, pero kung masaya ka talaga pagdating sa kanya. Sige. Papayag akong mahalin mo siya." Buntong hininga niya na ikinahinga ko ng maluwag.

Sa kabila ng kaayawan niya kay Wadensel para sa akin, hindi parin mawawala ang pagiintindi niya sa ikasasaya ko, sa ikaliligaya ko.

"Thank you, kuya." He just smiled at tsaka niya ginulo ang buhok ko.

"Anything for your happiness, bunso." Nakangiting sabi niya. Itinuloy naman namin ang pagkwekwentuhan hanggang sa napunta nga sa topic about sa nangyari sa panaginip ko kanina.

I don't know but I felt weird on that dream. I never dream about my illness pero nanindig ang mga balahibo ko ng makita ko ang sarili ko na nasa puting lugar at pilit tumatakbo pero kahit ni isang bagay ay wala akong nakita.

Puro puti ang nakikita ko at pilit tumatakbo kahit na pagod na pagod na ako sa pagtakbo. Pero nakarinig ako ng boses pero hindi ko kilala. Pilit niya akong tinatawag at pilit kong hinahanap kung saan nanggaling ang boses na yun pero nabigo ako.

Kaya napaupo ako at nakita kong may tao sa harap ko kaya napaangat ako noon ng tingin. Only to find out na nakangiti ang panginoon sa harap ko. Doon ako nagmulat at halos kapusin ako ng hininga ng magising ako sa panaginip kong 'yon.

...at ko sa panaginip na 'yon ay patay na ako.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now