Chapter 34

398 13 0
                                    

"Tama na 'yan babe!" Awat ko kay Wadensel na kanina pa pinapapak yung sunog na binake kong cookies. Itatapon ko sana pero agad niyang inagaw yun sa akin. Ngayon ko lang daw siya ipagb-bake kaya kakainin niya.

"Shh. I'm going to eat this. Pinaghirapan mo 'to para sa akin tapos itatapon mo?" Seryosong sabi niya. Napatigil naman ako at doon ay ipinagpatuloy niya ang pagkain. Napakamot nalang ako sa noo ko habang pinapanuod siyang kinakain yung cookies.

"Akin na kasi 'yan!" Pilit kong inaabot yung cookies na color black na yung iba. Nakita ko kasi siyang napangiwi.

"Ano ba! Masarap nga 'to eh." Sabi niya habang ngumunguya. Napanguso nalang ako at humalumbaba ss tabi niya habang pinagmamasdan siyang nginunguya yung gawa ko.

"Anong masarap? Ngumingiwi ka nga eh." Busangot na sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at tsaka niya inilapag yung cookies sa tabi niya kung saan hindi ko maabot. Pinisil niya yung ilong ko at tsaka niya hinalikan 'yon.

"Shut up and just stare at my handsome face." Sabi niya lang at tsaka kumain ulit. Napabuntong hininga nalang ako at tsaka napangiti habang pinagmamasdan siyang kumakain. Para siyang gutom na gutom habang kinakain yun.

"Oh? Ano yang kinakain mo, Wade? Mukhang pagkain ng daga!" Bungad ni kuya Jayden ng pumasok siya sa dining room.

Napawi naman yung ngiti ko at si Wadensel naman ay agad na nabilaukan kaya dali-dali ko siyang inabutan ng tubig.

"Kita mo 'to oh, sunog-sunog. Jusko! Sinong nag-bake nito? Parang uling na 'to eh. Tsaka bakit mo kinakain 'to? Ganyan ka ba kagutom na kainin pati 'yang pagkain ng da..."

"Stop it! This is fucking delicious. I-try mo kaya? And you're asking who made this? Gawa 'to ni Sam." Irap niya kay kuya at tsaka napatingin sa akin. Gulat naman siya ng makitang babagsak na ang luha ko.

"S-Sabi ko kasi sayo 'wag mo nang kainin eh!" Inis na sabi ko sa kanya at tsaka ko kinuha yung bowl.

"Babe." Pigil niya sa akin pero naiiyak na tinabig ko yung kamay niya.

Tumayo ako ako at tsaka naglakad para sana itapon yung cookies ng bigla akong harangin ni kuya Jayden. Saktong pumasok din si kuya Clyde at kuya Zeijan.

"Why are you crying? Sino nagpaiyak sayo?" Galit na tanong ni kuya Clyde at tsaka nila tinignan ng masama si Wadensel at si kuya Jayden.

"T-Teka, gawa mo talaga 'to? M-Mukhang masarap! W-Wag mo nang itapon, kakainin naming tatlo 'yan!" Namumutlang sabi ni kuya Jayden sa akin. Dali-dali ko namang pinunasan yung luha ko.

"Talaga?" Nabubuhayang tanong ko sa kanya. Tumango-tango siya at tsaka ngumiti. Napangiti naman ako.

"What the? That..." Hindi na natapos ni kuya Clyde yung sasabihin niya ng takpan ni Wadensel yung bibig niya at tsaka bumulong sa kanya pero hindi ko narinig. Lumingon naman sa akin si kuya Clyde at tsaka siya bumuntong hininga.

Nakangiting inagaw sa akin ni kuya yung cookies at tsaka nila nilantakan. Hinila naman ako ni Wadensel papunta sa garden. Umupo kami sa gazeboo

"Wag ka ng magtampo babe." Pagsusumamo niya. Hindi ko siya pinansin at nagbingi-bingihan ako. Pagtritripan ko nga 'to.

"Babe?" Sinundot-sundot niya ako pero no reaction parin ako.

"Babe." Ulit niya.

"Babe naman." Angal niya ng hindi ko pa din pinapansin.

"Sige ka, pag 'di mo pa 'ko pinansin. Magpapasagasa ako sa labas." Hindi ko pa din siya pinansin.

"So you want me to do it? Fine, I'll do it." Malungkot na sabi niya at nagulat nalang ako ng tumayo siya kaya hinawakan ko yung kamay niya. Napalingon naman siya sa akin at napabusangot nalang siya ng makita niyang nagpipigil ako ng tawa.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now