Chapter 23

477 16 0
                                    

"Sana nga pahirapan nila si Wadensel, Sam. Aba! Ngayon ko lang 'yum makikitang maghirap." Sabi ni Pat at tsaka siya napahawak sa tiyan niya habang tumatawa.

Naiiling na pinagmamasdan ko nalang silang lahat na parang tuwang-tuwa pang nahihirapan si Wadensel.

"I agree with Pat. Ngayon ko lang nakitang mag-effort 'yung gagong 'yon kaya dapat talaga pahirapan pa ng mga magulang mo si Wadensel para hindi masayang yung pagsusubaybay namin kung paano siya sunud-sunuran sa mga magulang mo." Pagkatapos sabihin 'yon ni Vic ay tumawa sila ng malakas. Napanguso nalang ako. Bakit gustong-gusto ata nilang mahirapan si Wadensel?

"Sigurado ka bang mahal mo na si Wadensel? Baka ako naman yan?" Mayabang na tanong sa akin ni Max. Napatawa nalang ako. Ganyang talaga si Max sa akin. Sabay-sabay naman nilang binatukan siya.

"Gag* ka! 'Pag narinig 'yan ni Wade, bugbug sarado na naman 'yang katawan mo! Tsaka, wala ka pa sa kalahati ni Wade! Kapal ng mukha mo!" Singhal sa kanya ni Den. Napabusangot naman siya.

"Ano? Mas gwapo kaya ako kay Wadensel." Napairap nalang yung iba sa sinabi niya habang yung iba naman ay hindi siya pinansin at kumain nalang.

"Grabe 'tong mga 'to! Ang gaganda at ang gugwapo niyo! Hiyang hiya ako sa inyo!" Bulyaw niya habang napapatayo.

"Buti alam mo!" Sabay-sabay na sabi nila sa kanya kaya napahagikghik nalang ako. Kawawa talaga 'tong si Max.

"Hmp! I hate you all!" Bulyaw na naman niya.

"We hate you too!" Sabi naman namin na halos ikanguso na niya.

Nagkulitan pa kami habang nagkukulitan kami dito sa canteen. Yung iba ay halos dito na nakatingin dahil sa ingay namin. Pagkatapos naming magkulitan ay pumunta na kami sa room namin. Nakita ko naman si Lance sa labas ng room namin. Nang makita niya kami ay tumayo siya ng maayos.

"Ah, Sam. Can I talk to you?" Sasagot pa sana ako ng maunahan ako ng mga kaibigan ni Wadensel.

"At bakit?" Vic.

"Anong sasabihin mo?" Den.

"Sabihin mo na." Zander.

"Hindi pwede!" Max.

"Teka nga! Kayo ba si Sam?" Naiinis na tanong niya sa kanila. Bahagyang napataas naman yung kilay nila. Habang narinig kong paimpit na tili ni Seb at Pat, pati na rin si Cath. Tinignan naman ni Den si Cath ng masama kaya nanahimik na siya.

"Eh bakit ba? Pwede mo namang sabihin habang nandito kami ah?" Maangas na sabi ni Zander. Nailing nalang si Lance habang nawi-weirduhan sa inaasal nung apat.

"Si Sam ang gusto kong kausap. Ano bang problema niyo?" Seryosong sabi niya. Napangisi naman yung apat at tsaka haharang na sana sa harap ko ng pigilan ko sila.

"Teka, wag nga kayong mag-away. Ano bang sasabihin mo Lance?" Napabuntong hininga naman siya at tsaka niya tinignan yung mga apat pero at bumaling sa akin.

"About sa competition." Seryosong sabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na yung sasabihin niya. Masakit man ay kailangan kong tanggapin.

"Back to zero, Sam. I'm sorry pero hindi ka pwedeng sumali sa ibang swimming events for 5 months. You know the rule here, and as the officer of our department. I'm really sorry for that." Napabuntong hininga ako at tsaka ako napangiti ng mapakla.

Nag-aalalang nilingon naman ako nila Sam. Alam nilang gustong-gusto kong sumali sa mga swimming events. Pero bakit pinagkakaitan ako?

Pagdating ng hapon ay sinundo ako ng driver. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa sinabi ni Lance pero kailangan kong tanggapin. Buong puso kong tatanggapin ang kauna-unahang kabiguang nagawa ko.

Napatunayan kong, hindi lahat ng pangarap ay naabot. Let's just be happy instead of feeling sad because even if we fail, there is someone who deserves it.

Pagkarating ko sa bahay ay wala akong naabutang tao sa dito. Lagi silang wala, ano kaya ang pinapagawa nila kay Wadensel?

Almost three months na niyang kinukuha ang loob ng pamilya ko pero araw-araw niya akong nililigawan at alam kong alam nila yun. Umiba kasi yung naging gusto nila dad. Instead na ako yung sasagot kay Wadendel ay sila ang sasagot para sa akin. Kaya sila ang laging niyang kasama kesa sa akin.

Pumayag na din silang ligawan ako ni Wadensel kasabay ng panliligaw niya sa pamilya ko. Pero ang alam ko ay may ipinapaasikaso si dad sa kanya sa company.

Lagi naman kaming magkasama ni Wadensel sa school pero minsan ay wala siya kagaya nalang kanina. Napabuntong hininga nalang ako at tsaka ako dumiretso sa kusina. Pero laking gulat ko sa naabutan ko.

"Wadensel!" Tuwang-tuwang sabi ko ng maabutan ko siyang nagluluto ng something. Nilingon naman niya ako ng nakangiti. Pero napabusangot siya ng bigla ko siyang yakapin.

"Sam. I'm sweating." Pinitik niya yung noo ko at tsaka niya pinatay yung stove.

"I miss you." Napangiti siya at tsaka niya ako niyakap pabalik. Pagkatapos ay inayos niya yung buhok ko. Kinuha ko naman yung panyo ko at tsaka ko pinunasan yung pawis niya sa mukha.

"Pinagod ka na naman nila daddy. By the way, nasan sila?" Takang tanong ko sa kanya.

"I will not get tired when it comes to you. Tsaka male-late daw silang uuwi. That's why I'm here to serve my future wife." Bigla akong namula sa sinabi niya kaya napapatawa siyang kiniliti ako.

"Teka! Tama na nga!" Pigil ko sa kamay niya. Natatawang hinila niya naman ako paupo sa may harap ng lamesa.

"Wait me here. I'll prepare your food." Hinalikan niya pa yung noo ko pagkatapos ay seryoso na siyang naglagay ng pagkain sa isang plato. Nakangiting pinagmamasdan ko siya.

Ang sarap niya lang panoorin habang naka-business suit siyang may apron na color skyblue. Konting push nalang pala at gagraduate na kaming lahat. Napangiti ako dahil sa sabay-sabay kaming gagraduate lahat.

"Here's your food, babe." Nailing nalang ako. Kung ano-anong endearment ang tinatawag niya sa akin but I find it cute and it's like a music into my ears kapag sa kanya nanggaling.

Tumabi siya sa akin at tsaka niya hinipan yung niluto niya dahil mainit pa. Pagkatapos ay sinubuan niya ako.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya ng mapansin kong ako lang yung kumakain. Umiling lang siya habang seryosong pinupunasan yung gilid ng labi ko.

"Akin na nga." Agaw ko ng spoon sa kanya. Aangal pa sana siya ng subuan ko siya ng pagkain. Napangiti nalang ako ng bigla siyang namula. Ayun, nagsubuan lang kami habang kumakain at siya na din ang naghugas ng pinagkainan ko.

Nasa gilid niya lang ako habang pinapanuod siyang maghugas. I can't believe that he can wash plates, you know. He's a badboy from a rich family. He really surprised me by that.

"Pwede ka ng mag-asawa niyan!" Tukso ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin habang nakangisi. Bahagya siyang yumuko para pantayan ang mukha ko. Bigla naman akong namula.

"Then, marry me." Mas lalo akong namula sa sinabi niya. Hindi na ako nakaiwas ng bigla niya akong halikan sa pisngi.

"Sa pisngi nalang muna. Baka mapatay ako ni tito. Mahirap na." Humahalakhak na sabi niya kaya napatawa narin ako. Nagkulitan lang kami habang naghuhugas siya. Habang nagkukulitan ay hindi ko maiwasang mag-isip.

He's not a badboy afterall.

Nakikita ko na ang tunay niyang ugali. And I'm so happy for that.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang