Chapter 31

433 12 0
                                    

"Sam! Bilisan mong magbihis, naghihintay na si Wadensel sa baba." Tawag sa akin ni mommy sa labas. Dali-dali ko naman inayos yung dress ko at tsaka yung buhok ko at tsaka ako lumabas. Napangiti naman si mommy nung nakita niya ako.

"You're so beautiful, Sam." Hinalikan niya ako sa pisngi at tsaka niya ako hinatid sa baba. Napatingin naman sa akin si Wadensel habang kausap si kuya Clyde.

"Kung Ice cream lang yang kapatid ko, kanina pa yan tunaw!" Pinitik sa ere ni kuya Jayden yung kamay niya. Dali-dali namang tumayo si Wadensel at tsaka niya ako sinalubong.

"Hi babe." Yumakap siya sa akin at tsaka niya tinignan ang pamilya ko.

"Alis na po kami. Kung pwede lang sanang 'wag nang ibalik si Sam sa inyo." Pagbibiro niya sa kanila. Tinignan nila siya ng masama.

"Subukan mo, Wade. I'll kill you!" Banta ni kuya Clyde. Natawa naman si Wadensel at tsaka siya bumulong sa akin.

"They love you." Ngiti niya sa akin. Napataas bahagya yung kilay ko.

"Of course they do! 'Wag mo lang silang galitin dahil nagiging tigre 'yang mga yan." Naghagikhikan kaming dalawa at hindi na napansin yung masamang tingin nila sa amin.

"A-Ah! Una na kami, bye!" Bago pa sila makapagsalita ay natatawang tumakbo na kami palabas ni Wadensel. Dali-dali niyang pinaharurot yung kotse niya at tsaka kami parehong nagtawanan sa loob ng kotse.

"Sayang. Pinicture ko sana yung mga mukha nila." Natatawang sabi ko.

"I find it sweet thou. That's why I love your family." He said while smiling.

"That's why you love me." Nakangiting sabi ko habang tinititigan siyang mag-drive. Nakahawak parin siya sa kamay ko gamit ang free hand niya. Hinalikan niya yun at tsaka siya tumingin sa akin.

"Exactly, my lady." He huskily said tsaka pa siya kumindat. Natatawang inabot ko yung pisngi niya at tsaka ko yun kinurot.

"Hey babe! Mamaya mo na ako panggigilan. I'm driving. Don't worry, sayong-sayo ako mamaya." He seductively said. Namula naman ako at tsaka ko siya pinalo sa braso.

"Wadensel!" Tumawa lang siya at tsaka niya hinalikan ulit yung kamay ko.

Pagkarating namin sa mansyon nila ay agad kaming sinalubong ng mga katulong. Hinapit niya naman ako sa bewang at iginaya sa loob. Narito lahat ng mga kamag-anak niya.

Kaya dinala niya ako diyo to formally meet them. Tsaka nandito din daw yung lolo niya. Bigla tuloy akong kinabahan. Baka masungit yung lolo niya.

Bigla akong napalunok at mas lalong humigpit yung hawak ko sa braso ni Wadensel ng mamataan ko ang matandang maputing singkit na papunta dito sa kinaroroonan namin. Nahalata ata ni Wadensel na natatakot ako kaya hinalikan niya yung ulo ko at tsaka siya bumulong.

"Relax babe." Natatawang sabi niya. Pasimpleng kinurot ko naman 'to pero kinindatan lang ako ng badboy na 'to. Parang tuwang-tuwa pang natatakot ako.

Nang nasa harap na kami ng matanda ay gustong-gusto ko ng tumakbo sa nerbyos. Baka sigawan ako kagaya ng step-mother niya eh.

"Finally. Wow. Magaling kang pumili apo. Napaka-ganda mo iha. Pwede nang ikasal ang apo ko sa'yo." Yung singkit niyang mata biglang nawala. Hahanapin ko na sana ng biglang binulungan ako ni Wadensel.

"You're thinking a weird things again, babe." Bulong niya sa akin. Nakangusong tiningala ko siya. Pinitik niya lang yung noo ko at mas lalo niya akong hinapit sa bewang.

"Stop pouting. I'll kiss you here, if you don't stop that." Naging straight line naman yung bibig ko at tsaka lumingon sa lolo niya. Tuwang-tuwang pinanuod niya kaming dalawa ng apo niya.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now