4- Blood Sword

9K 413 17
                                    

Naglalakad si Rifka sa hallway. Ang daming estudyante na katulad niya ay kalalabas lang din ng mga klase nila. May mga naka-uniform at meron ding mga nakasuot ng training attire at may dala pang mga swords, bow, daggers at kung anu-ano pang mga weapons.

"Hi, Rifka," nakangiting lumapit sa kanya si Malik na nasuot ng itim na tank top, jogger pants at sapatos. Ang may kahabaang buhok nito ay nasa kanang bahagi ng ulo nito. Mukhang kagagaling lang nito sa training.

"Hello, Malik," mahinang sagot ni Rifka saka sumulyap sa espadang hawak ni Malik. The single-edged sabre had tapered and moderately curved blade. The hilt could be held with both hands at sa dulo ay naroon ang letrang S encircled by two swords.

"You like this? This is one of my favorite weapons, the Zayin sabre. Pero replica lang ito. We can't use the real ones during training saka 'yung mga original sa mga deserving na Sentries lang binibigay."

"Bakit naman?" tanong ni Rifka saka sila nagsimulang humakbang palabas ng Akadēmos.

"Special kasi ang Zayin. It will never disappoint you during a fight. The replica is so great kaya hindi ko ma-imagine kung gaano kaganda ang original."

"Gan'on ba?" sagot ni Rifka. Wala siyang masabi rito kay Malik. Hindi naman kasi sila close at kahapon pa lang nagkakilala kaya medyo awkward.

"Yup. There are only ten Zayins. Two are owned by Saide Gerhardt and Yadira Kirkpatrick, the others are owned by other Sentries, one is here in the academy and one is missing."

Kunut-noong sinulyapan ni Rifka si Malik. Mukhang seryoso nga ito sa sinabi.

"Kirkpatrick?"

"Ah yes. It is the most popular, well respected and the best Sentry family."

Hindi nakasagot si Rifka. Isa ba sa best na 'yun ang Uncle Antoninus niya? Nakaramdam siya ng pride para sa taong nagpalaki sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin ng missing? Ninakaw ang isa?" naisipan niyang itanong nang maalala ang huling sinabi nito.

"Hindi naman. Sadyang may nagmamay-ari na n'on. Wala lang nakakaalam kung sino."

Tumangu-tango si Rifka at hindi na muling nagkomento. Muli niyang sinulyapan ang Zayin. Isang mapait na ngiti ang lumabas sa mga labi n'ya habang nakatitig sa espada.

---

Hindi magkandaugaga si Tiana sa pag-istima sa presidente ng ISOP. Dumating ito sa academy dahil sa isang mahalagang event ng mga seniors kinabukasan, ang Seniors Biannual Assessment Examination o SeBiAE.

"Nasaan ang mga kapatid mo?" nakangiting tanong ni Lorcan Gerhardt sa apong babae na halatang kinakabahan at nininerbyos.

"Si Deus ay nasa training, President. Si Cole naman ay nasa dorm lang," sagot ni Tiana saka naglagay ng tasa ng tsaa sa mesita.

"Bakit wala ka sa training kasama ang kakambal mo?"

Natigilan si Tiana at medyo takot na tumitig sa kanyang lolo. "P-Pupunta na po ako ngayon din, President."

Mabilis na yumuko ang dalaga saka tumalikod kaya napakunut-noo si Lorcan. Hindi nito naituloy ang pagkuha sana sa tasa ng tsaa at hinabol ng tingin ang apo.

"Tatiana, sweetheart. Wait."

Mabilis namang tumigil ang dalaga at humarap sa abuelo. Bakas sa mukha nito ang takot at pagkataranta kaya napabuntung-hininga si Lorcan.

"Come here, hija," malumanay na utos ng lalaki at agad namang sumunod si Tiana. "Sit down. I did not tell you to go train. I was just asking."

Hindi sumagot si Tiana pero umupo naman sa mamahaling velvet couch na nasa tapat lang ng kanyang lolo. Her office suddenly turned so cramped that breathing became difficult for her.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon