25- Rifka on Rampage

7.1K 340 14
                                    

Hindi makapaniwalang nakatitig lang si Gaius kay Rifka. Isa itong Blood Moon child. Nabasa niya dati na ang mga bampirang katulad nito ay hindi apektado ng Moonless Week at Blood Moon. In fact, mas lumalakas ang mga ito dahil sa kapangyarihang nakukuha ng mga ito sa pulang buwan.

"You have powers. I remember that when we were attacked," komento niya.

"Power of the Moon. I can only use my power against witches. Remember, they can only access their powers on Harvest Moon during Channeling?"

Tumango siya. Nag-Channeling sina Tiana at Deus noon at saksi siya sa pangyayaring 'yun.

"It was Blood Moon power against Harvest Moon power when we were attacked."

"How does it work?" Nakaka-amaze na kanina ay sinigawan siya nito dahil sa hiya at ngayon ay kaswal na silang nag-uusap.

"I can copy a witch's power for a few minutes dahil pareho kaming nilalang na nakadepende sa buwan."

"So hindi mo pwedeng kopyahin ang mga kapangyarihan namin?"

Umiling ito.

He only had one thing going on in his mind right now. It was how amazing Rifka was.

Nang muli niyang tingnan ang dalaga ay napansin niyang nakatingin ito sa direksyon ng gate ng academy nang may kunot sa noo.

Curious, he looked at the gate too at agad siyang naalarma nang may mamataang tatlong anino roon.

"Ang Triad 'yan ah," sabi niya.

"It's okay. May ward ang academy," sagot nito kaya sinulyapan niya ito. She looked surprisingly calm and confident tonight. Gaius wondered if it was because of the Blood Moon.

"Ano sa tingin mo ang gagawin natin?"

Ngumiti ito sa kanya kaya lihim siyang napasinghap. What was that reaction for, Gaius? litong tanong niya sa sarili. Bakit naaapektuhan na siya kahit na sa isang simpleng ngiti lang nito?

"Sa tingin mo, would it be wise if we tried to use the Blood Moon power tonight?" tanong nito sa kanya at hindi niya alam ang sagot.

"I honestly don't know if we can fight them. Just the two of us?" sabi niyang umiiling. Hindi naman siya takot dahil mas mabilis at malakas silang mga bampira kumpara sa mga witches but they didn't know what were lurking around the campus, behind the shadows.

Huminga ito ng malalim. "Alam mo bang every two to three years ko lang nararanasan ang full potential ng aking pagigigng Blood Moon child?"

Yeah. He read that before. Tama ito. Hindi lumalabas ang Blood Moon every year unlike the Harvest Moon.

"Fine. If you want to use your full power tonight then I will support you," naiiling niyang pagpayag sa gusto nito.

Ngumiti si Rifka habang nakaharap sa buwan. Mukha itong na-excite bigla at sa isang iglap lang ay nasa baba na ito at naglalakad papuntang gate.

For some reason, she looked like she was gliding in the air. She really seemed different habang mas lumalalim ang gabi. Tila mas nagiging agresibo ito. O baka naman dahil sa nag-uumapaw na kapangyarihan nito ngayon.

Naiiling na tumalon na rin siya at nag-landing with both of his feet on the ground. Agad siyang sumunod sa dalaga na ngayon ay nakuha na ang atensyon ng Triad na nasa labas.

"Sinasabi ko na nga ba at tama ako. Isa kang Blood Moon child. Sila lang ang bampirang immune sa ganitong phenomenon," nakangising sambit n'ong lalaking nakasuot ng pulang suit at pulang fedora. Sa pagkakaalala niya ay Santino ang pangalan nito, ang descendant ng isang malakas na witch na si Callista.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon