18- Party

7.7K 376 113
                                    

Ilang beses na huminga ng malalim si Rifka habang nakatayo sa harap ng opisina ni Director Brisbois. Kailangan niyang makausap ang general ni Yitzhak Achselrod upang matanong ito kung ano na ang nangyari kina Atira, Neschume, Beynish at mga pamilya ng mga ito.

"Hindi 'yan bubukas kung tatayo ka lang d'yan," isang boses ng babae ang narinig niya mula sa likuran kaya nilingon niya iyun.

Sophia Falls.

Nakasunod dito si Alexus Dawn, 'yung member din ng student council, na may hawak na lalaking may spiky na buhok. May natuyong dugo sa mukha nito pero wala nang sugat.

Si Sophia na ang kumatok saka taas-noong pumasok at agad namang sumunod ang mga kasama nito.

Nag-alangan pa si Rifka kung susunod siya at nang tingnan s'ya ni Sophia ay bigla siyang napasunod sa loob.

"Sabihin mo kung ano ang nangyari," mabagsik na utos ni Sophia sa lalaki pero umiwas lang ito ng tingin.

"Let me guess, wala kang balak mag-file ng report, Mr. Scott," ani Director Brisbois.

Nang hindi pa rin nagsalita ang lalaki ay sumabad na si Sophia. "Nakita namin siyang binubugbog ni Gaius Kühn sa likod ng Dormire, Director Brisbois."

"Hindi ako magrereklamo, Director. As far as I know, hindi ako binugbog ni Gaius," sabi ng lalaki kaya nanlaki ang mga mata ni Sophia.

"But we saw him punching you."

"You just think you saw us," walang gana na sagot ng lalaki.

Huminga ng malalim si Director Brisbois. "You can leave now, Ms. Falls. Next time, make sure na magsasampa ng reklamo ang mga mahuhuli mo bago mo dalhin dito sa opisina ko."

Padabog na lumabas si Sophia. Ang sama ng tingin nito kay Mr. Scott dahil napahiya ito.

"Kahit na anong gawin ni Gaius ay wala talagang nagrereklamo. Ewan ko ba kung anong pananakot ang gawin n'ya. Kahit na mag-agaw buhay na ang isang estudyante, ayaw pa rin nitong magreklamo," napapailing na sabi ng ginang.

Napaisip tuloy si Rifka.

"Anyway, what can I do for you, Ms. Strauss?"

"Uhm... G-Gusto ko po sanang makausap ang Faiga general, Director. May itatanong lang ako."

"I'm sorry, Ms. Strauss, hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung nasaan sila."

"Pero kailangan ko pong malaman kung kumusta na ang mga kaibigan ko at mga pamilya nila. Sila ang tumulong sa akin kaya ako nakarating dito," aniya na napahakbang pa palapit sa mesa ng ginang.

Huminga ng malalim ang director saka sumandal sa malaki at komportable nitong swivel chair.

"I will ask her then. Ipapatawag na lang kita kapag may balita na ako."

Walang nagawa ang dalaga kundi ang tumango.

"Now, let's talk about what you did last night to Mayor Kühn."

Natigilan si Rifka. Tama. May kasalanan pa pala siya. Nakalimutan n'ya ang tungkol d'on sa dami ng dapat niyang isipin.

"Mayor Kühn is a hard woman."

"Eh... kasi po...naawa ako kay G-Gaius," aniya. Mentioning his name sent unbelievable warmth all over her body. She silently hoped that she didn't turn red.

"Naiintindihan kita, Ms. Strauss. Alam kong mali ang ginawa n'ya lalo na at nasa bingit ng kamatayan ang anak n'ya. But we never ever tell her that. Nobody tried to point that out her."

"Why?"

"Because she's a powerful woman. She is not the mayor because people like her. She is the mayor because people fear her. You don't know what she will do to you kung kakalabanin mo s'ya. Kaya please, Ms. Strauss, 'wag mo nang uulitin 'yun."

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon