29- Dinner

6.2K 283 16
                                    

Panay ang ayos ni Auberon sa kanyang buhok habang nakaupo sa loob ng isang mamahaling restaurant sa Emporium.

"Stop fixing your hair. It's irritating," marahas na utos ni Juliana Kühn saka sumimsim sa kape nito.

Agad namang tumigil si Auberon at nagsimulang kumain.

Juliana reserved the whole restaurant just for them para walang ibang customers na pumasok habang nag-uusap sila.

"Kumusta na kayo ni Gaius?" tanong nito kaya napatigil siya sa pagkain.

"Kapatid pa rin ang tingin niya sa akin," sagot niya. Masakit dahil mahal n'ya talaga ito. She wanted him back all for herself.

"Did he expose your secret? Why you hurt Deus and suddenly vanished?"

"I think so. Bigla na lang kasi siyang naging kaibigan uli ng kambal."

Juliana sliced a piece of meat with elegance at pati ang pagnguya nito ay sophisticated. Isang tingin pa lang ay makikita nang kabilang ito sa alta sociedad.

"Alam mo naman na kailangan mo siyang makumbinsi na pakasalan ka 'di ba? Pareho na kayong nasa tamang edad. Do everything to get him," pormal na utos nito kaya napatitig siya sa babaeng nagpalaki sa kanya.

Malaki ang utang na loob niya rito dahil ito ang nag-alaga sa kanya pagkatapos mamatay ng mga magulang niya. She had to leave her family's ancestral mansion and lived with the Kühns.

Pero minsan napaka- bossy nito. Kaya siguro lumayo ang loob ni Gaius dito.

"Bakit kailangan kong pakasalan si Gaius? He is supposed to be my brother," aniya kaya tiningnan siya nito gamit ang blangko nitong mga mata.

"I thought you love him."

"Mahal ko s'ya, Tita Juliana. Sobrang mahal. Pero hindi ako ang gusto niya."

"Kung gan'on, sino ang gusto n'ya?"

Huminga si Auberon ng malalim dahil naninikip ang kanyang dibdib habang iniisip na mapupunta sa ibang babae ang lalaking pinakamamahal niya.

Matagal na niyang mahal si Gaius at ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Ang care nito.

Bilang isang nakakatandang kapatid.

At nasasaktan siya dahil dati, siya lang ang binibigyan nito ng atensyon.

Kabaliktaran na ang nangyayari ngayon.

"Sino, Auberon, ang gusto ni Gaius?" ulit ni Juliana.

"I think there is something going on between him and Rifka."

Inilapag ni Juliana ang tinidor at kutsilyo nito sa plato bago pinagsalikop ang mga kamay at ipinatong ang siko sa mesa.

"I knew that girl was trouble the moment I saw her. What makes you think that they have something?"

"Well, I heard that they slept in each other's room a few times."

"And who told you this? This sounds like a gossip."

Huminga ng malalim si Auberon saka ngumisi. "Hawak ko sa leeg ang bestfriend ni Rifka. I found out her secret and I use that to blackmail her. She serves as my spy."

Ngumisi na rin si Juliana. "You really make me proud, my Auberon. And Sophia Falls is still under your power, isn't she?"

"About that, ilang beses ko na siyang tinawagan ngayong araw. Hindi pa rin siya sumasagot. I sent her messages too. Walang reply."

"You still supply her with Cratus?"

"Last week pa siya last nanghingi. Usually, every five days siya tumatawag sa akin pero isang linggo na hindi pa rin siya humihingi ng panibagong batch ng supply."

SentryWhere stories live. Discover now