30- Two Poisons

6.4K 370 41
                                    

Nakailang labas-pasok na si Gaius sa kanyang dorm room. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib sa isiping makikita niya si Rifka kapag nagtuloy siya sa dorm room nito.

"Damn it!" ginulo niya ang kanyang buhok nang maisara niya ang pinto ng kanyang kwarto. "Ano ba'ng nangyayari sa akin?"

Napahawak siya sa kanyang dibdib.

Bakit tila may isandaang kabayong naghahabulan sa loob niyun na mas lumalala pa sa tuwing naaalala niya ang magandang buhok ni Rifka, ang katawan nitong perfect fit sa kanyang mga kamay, ang mapupungay nitong mga mata at ang malalambot nitong mga labi.

Napamura siya sa kanyang isip dahil sa matinding nerbyos na nararamdaman.

"Gaius!"

"Anak ng!" literal na napatalon siya nang biglang may kumatok sa pinto kung saan siya nakasandal.

"Bakit ang tagal mo?" saka niya lang na-realize na boses pala iyun ni Deus.

Ito ang dahilan kung bakit siya pupunta sa kwarto nina Rifka. Doon daw siya magdi-dinner kasama ng mga ito.

Huminga muna siya ng malalim, mga limang beses, bago niya binuksan ang pinto. Nabungaran niya ang kaibigan na may kunot sa noo at mukhang inip na inip na.

"Natulog ka ba?" nagtataka nitong tanong.

"Hindi," sagot niya, trying to sound casual. Ini-lock niya ang pinto saka humakbang na kasabay ni Deus. "Si Cole?"

"Nagpunta sa train station. Nagpapasundo si Malik dahil hindi raw nagdala ng sasakyan," sagot naman nito saka umakyat na sa hagdanan.

Habang papalapit sila sa dorm room nina Rifka ay mas lumalakas ang kabog ng kanyang nagwawalang dibdib.

Iba na talaga 'to. Hindi na normal ang tibok ng kanyang puso.

"Are you okay?" concerned na tanong ni Deus na tiningnan siya mula ulo hanggang paa, pabalik sa kanyang mukha.

"Ah y-yeah. Why?" kibit-balikat niyang sagot.

"I don't know. You look bothered."

"Wala 'to," sagot na lamang niya at hindi na muling nagsalita. Kailangan niyang i-conserve ang kanyang energy dahil tiyak na kakailangan niya iyun mamaya kapag nakaharap na niya si Rifka. Kahit kasi wala itong ginagawa ay tila inuubos nito ang lahat ng kanyang lakas.

Hindi na kumatok si Deus nang buksan nito ang pinto ng dorm room nina Rifka at Tiana kaya gan'on na lang ang gulat niya nang muntik na niyang mabangga ang babaeng lageng nang-iisturbo sa isip niya. Palabas ito ng silid. At ang ganda nito sa suot na puting knee-length sleeveless dress. Pamilyar sa kanya ang damit na 'yun. Kay Tiana yata iyun.

"Saan ka pupunta?" bulalas niya bago pa man niya mapigilan ang sariling bibig. Ang lakas pa ng boses niya na para bang tarantang-taranta siya.

Mahinang natawa sina Deus at Tiana sa loob at nagtataka namang napatingala sa kanya si Rifka.

"Ah... I mean..." huli na ang lahat. He couldn't save himself from embarrassment. Naramdaman na lang niya ang pag-iinit ng kanyang leeg na umakyat sa kanyang mukha.

"May date siya ngayon, Gaius," ani Tiana kaya mas nanlaki ang kanyang mga mata.

"Date!?" mas malakas na niyang bulalas ngayon and this time ay wala na siyang pakialam kung nagmumukha na siyang tanga.

Date? Seriously? sigaw ng kanyang isip.

"Ah...may ka-dinner lang ako sa Emporium ngayong gabi. H-Hindi ako makakasabay sa inyong kumain," ani Rifka. Titig na titig pa sa kanya ang silver eyes nito.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon