7-SeBiAe (2)

8K 365 109
                                    

"Tiana, baby."

Napaatras si Rifka para bigyang daan ang babaeng nagmamadaling pumasok ng Infirmary. Hindi ito katangkaran at mukhang nasa late twenties. Ang ganda nito lalo na sa buhok nitong dirty blonde katulad ni Deus. Her eyes were aqua blue katulad ng kay Tiana.

"Mom! I thought hindi kayo nakadalo," gulat na salubong ni Cole dito.

Halos maiyak na ang babae na ina pala ng magkakapatid na Bloodworth. She was clutching her black purse too tight habang inaasikaso ni Erick si Tiana na ngayon ay nakahiga na sa hospital bed.

"We won't miss this for the world, son. Importante ang event na 'to para sa mga kapatid mo," sagot ng babae.

"Where's Dad?" ani Deus.

Hindi na nakasagot ang babae dahil naagaw na ang atensyon namin ng mga taong kakapasok lang. Papalapit sa direksyon namin ay ang ISOP President na si Lorcan Gerhardt at may kasama itong lalaki na kaedad lang yata n'ong mommy nila Tiana. The man's hair was black and his eyes were turquoise in color, just like Cole. He and Cole looked exactly the same. Tanging kulay ng mata, shape ng ilong at mga labi lang ang nakuha ni Deus dito.

This must be their father. At may hawak-hawak itong batang lalaki na siguro ay seven years old who had black hair and aqua blue eyes.

"Daddy," naiiyak na sambit ni Tiana. She didn't even acknowledge their mother's presence.

"How are you?" pormal na tanong ng lalaki sa anak na babae. Kumalas na ang batang lalaki mula sa pagkakahawak nito at umupo sa katabing hospital bed.

"O-Okay na ako, Dad," sagot ni Tiana ngunit napangiwi naman nang hawakan ni Erick sa may tiyan.

"You don't look okay, baby," nag-aalalang sabi pa ng ina ng mga ito pero hindi ito sinagot ni Tiana.

Hindi tuloy maiwasan ni Rifka ang makaramdam ng awkwardness dahil hindi naman siya kabilang sa pamilya na ito at parang may tensyon pa si Tiana sa ina nito.

"Deus, you better go back to the test. Ikaw na ang susunod," sabi ni President Lorcan kaya tumingin si Deus sa kakambal.

"Go," tumatangong sabi naman ni Tiana.

Walang nagawa si Deus kundi ang lumabas ng Infirmary. Agad namang sumunod sina Rifka at Malik. Nagpaiwan na si Cole na nangakong susunod kasama ang batang tahimik lang na nagmamasid.

Bumalik sila sa Akadēmos kung saan naroon ang Battle Zone. Maingay na doon at may ilang palabas na pero napatigil nang makitang papasok na si Deus.

"Oh, magsibalik na kayo sa mga upuan ninyo," malakas na sigaw ng facilitator kaya mabilis na tumalima ang crowd. May ilang mga patuloy na bumubulong pa.

"Let's go," ani Malik na nauna na sa bleachers.

"Deus, good luck," mahinang bulong ni Rifka kaya napabaling sa kanya si Deus na nasa gitna ng Battle Zone na sana ang tingin.

"Salamat, Rifka. You watch me, okay?" nakangiti nitong sagot kaya napangiti na rin siya.

He somehow reminded her of Atira. Mabait, soft-spoken, gwapo, matangkad.

"Sino ba ang makakalaban mo?" tanong niya.

Sabay silang napalingon sa Battle Zone nang muling nagsalita ang facilitator.

"Final match, it's between the two top ones of Sentry Academy. Nicholas Thaddeus Bloodworth and Gaius Octavius Kühn!"

Lihim na napasinghap si Rifka sa narinig sabay tingin sa paligid. She was looking for Gaius, unknowingly. Nakita niya itong nakasimangot na humahakbang papunta sa gitna ng Battle Zone. Gaius really had the aura of a top one.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon