36- The Storm... Courage

6.8K 287 58
                                    

Walang pagmamadaling inayos ni Gaius ang kanyang leather jacket sa harap ng life-sized mirror dito sa kwarto ni Saide.

Nasa kwarto rin ang babae at katulad niya ay inaayos din nito ang suot na garb.

Huminga ng malalim si Gaius nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon ang naka-black suit na si Forrest

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Huminga ng malalim si Gaius nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon ang naka-black suit na si Forrest.

"Are you okay?" agad na sinalubong ni Saide ang lalaki.

"Yeah," tumango naman ang kapatid niya. "I just can't believe that this moment would come."

"She committed crimes. She has to pay," matigas ang boses na sabi ni Gaius pero ang totoo ay tila pinipiga ang kanyang puso.

Hindi niya inakala na darating ang araw na kailangan niyang mapanood ang pagpugot sa ulo ng kanilang ina.

"Hindi ka man lang ba naaawa kay Mom, Gaius?" masama na tingin ang ipinukol ni Forrest sa kanya kaya napatiim-bagang siya.

"Ano'ng tingin mo sa akin? Bato? Ina ko rin s'ya, Forrest. Of course, masakit sa akin 'to. Pero alam mo rin na isa akong Sentry-in-training. I need to implement the law no matter how hard it is."

"You escape from the academy every night. You break rules," nakaingos na sabi naman ni Forrest.

"Exactly. I break rules. Not laws," aniya saka binalingan si Saide. "Mauna na ako."

"Sige. Nasa courtyard na sina Dad kasama sina Tito Damian," sagot naman ng babae.

Hindi na siya sumagot at lumabas na lang. Inayos n'ya lang talaga ang sarili niya rito sa kwarto ni Saide. Hindi na siya nagulat nang madatnan doon ang kapatid niya. Nagkaayos na ang dalawa. Which was good, he thought.

Nakita n'ya agad ang kanyang ama katabi si Lorcan Gerhardt sa gilid ng courtyard. Seryosong nag-uusap ang dalawa.

Nakita n'ya rin sa isang kumpol ang mga anak ng ISOP President at ang mga asawa ng mga ito. Kasama roon ang mga magulang nina Deus na sina Savannah at T, si Max at Raye, at ang bunso nila na seven o eight years lang yata ang tanda sa kanilang magkakaibigan, si Rianah Gerhardt.

Sa kabila naman ay si Quinn kasama ang ina nitong si Yadira Kirkpatrick at hindi nagtagal ay sumali ang dalawa sa naunang kumpol.

Sa isa pang banda ay naroon ang mga miyembro ng Senate. Most of them were thousands of years in age. But they still looked young.

Sa gitna ng courtyard ay naroon ang isang tree stump, minus the roots. Napalunok siya habang nakatitig doon.

Her mother would be executed on it later.

"Hey," isang tapik sa balikat ang nagpalingon sa kanya sa likuran.

Si Deus.

Katulad niya ay nakasuot din ito ng garb. Lahat ng Sentries at estudyante ng academy ay kailangang isuot iyun sa tuwing may importanteng event silang dadaluhan katulad ng execution, their death or marriage, academy graduation ceremony at iba pa.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon