27- Change of Heart

6.6K 301 20
                                    

Dahan-dahan na sumimsim si Gaius ng kape mula sa kanyang mug. Nandito siya sa isang coffeeshop sa downtown ng Morland habang may hinihintay. Sa mesa sa harapan niya ay ang ilang dokumento na ilang araw niyang pinaghirapang makuha. Sa pamamagitan ng mga papeles na ito ay ilang buhay ang maitatama niya.

Isa na roon ang buhay ni Auberon.

Gaano man siya kagalit sa kapatid niyang iyun ay hindi n'ya pa rin ito pwedeng pabayaan. Kailangan niyang ayusin ang buhay nito bago pa man mahuli ang lahat.

"Hey, little bro," biglang naupo sa tapat niya si Forrest. Nakasuot pa ito ng business suit dahil tinawagan niya ito mula sa opisina nito. Forrest was the one in-charge in managing their huge business empire na bigla na lamang lumago sa loob lang ng maikling panahon.

Nakita niya ang saya sa mukha ng kanyang nakakatandang kapatid nang makita siya. Hindi n'ya kasi ugali ang tumawag at makipagkita rito.

Um-order muna si Forrest bago siya hinarap nang may malaking ngiti sa mga labi.

Naaawa rin siya sa kapatid niyang ito. Wala itong kontrol sa sarili nitong buhay dahil lage itong sumusunod sa anumang iutos ng kanilang ina.

And Forrest was not forced to do that. He just adored their mother that much.

"So, what is it? Did you miss me?" nakangiti nitong tanong.

"Dream on, Forrest," sagot naman niya saka muling uminom ng kanyang kape.

Tumawa lang ito. "I know, I know. Hindi ka makikipagkita sa akin kung hindi naman importante. But if this is about Father again and his new family, my answer is no. Hindi ko siya tatawagan. Hindi ako makikipag-ayos sa kanya. He left our mother without giving a fight. He left his three children."

Napahinga ng malalim si Gaius bago itinulak ang brown envelope palapit dito.

"This is not about Father. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong makipag-ayos sa kanya. He left but he had a reason. But this is a different thing. Wala itong kinalaman sa ama natin."

Pinulot nito ang envelope nang may kunot sa noo. "What is this?"

"Read it at pag-isipan mo itong mabuti," aniya saka tumayo na. "And by the way, in case na mas gusto mo itong ignorahin, remember that I have more copies," aniya saka tumayo na. "Pay for my coffee. Wala akong pera."

Napataas ang kilay ni Forrest. "Wala kang sweldo?"

"I have to save my salary. May pinapakain ako," aniyang napangisi.

"Woah! Sino? Si Rifka?" ngumisi na rin si Forrest.

"Wala. Just think about all this," aniya sabay tapik sa envelope na hawak nito at iniwan na ang kapatid na nagtataka pa.

---

Nakaupo si Tiana sa isang mesa sa sulok sa loob ng library. Hindi iyun ang paborito niyang lugar pero wala siyang choice. Kailangan niyang mag-aral at mag- excel.

Nakita niyang pumasok si Rifka kasama si Cole. Mukhang galing pa sa greenhouse ni Gaius ang dalawa.

Tiningnan niya ang kanyang roommate. Aaminin niyang mabigat ang dugo niya rito kahit na wala naman talaga itong ginawang masama sa kanya. Maybe she was just cautious.

Siya lang ang babae sa kanilang grupo mula pagkabata at siya ang prinsesa ng lahat. Hanggang sa pumasok sa eksena si Auberon. Kapatid ito ni Gaius at minahal ito ng kakambal niya.

She didn't mind it. Tinanggap niya si Auberon and she didn't consider her a rival for attention.

Pero sinaktan sila nito after trusting her.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon