12- The Visitors

7.7K 477 20
                                    

Gaius couldn't believe he let Rifka blackmail him. Hindi naman talaga siya pumayag na isama ito sa trabaho niya pero nabigla na lang siya nang nakitang naghihintay na ito sa kanya sa kabilang bahagi ng pader kung saan siya madalas tumatalon para makatakas. And now, she had been working with him for four nights already. For the first time in his life, he was thankful that he was his mother's son. He used his connection to her to convince his boss to let Rifka work in the bar despite her age.

"Yang alaga mo ha, pang-ilang baso na ba 'yang nabasag n'ya?" naiiling na lumapit sa kanya si Sierra habang pareho silang nakatingin kay Rifka na ngayon ay nagpupulot ng basag na baso. She was wearing the black waitress uniform, a button-front top, tight short skirt and flat shoes. She looked kind of cute actually, Gaius thought.

Malalim na napabuntung-hininga si Gaius. Sa tingin niya ay walang matitira sa sweldo nito ngayong linggo dahil sa damages nito. Mukhang madadamay pa nga ang sweldo n'ya.

"So, convince me, bro, that she's not your girl," isa pa itong si Forrest na nagpapainit ng ulo n'ya. He would come to the bar often before but now, he would come every night and had little talks with Rifka. Nananadya yata.

"Shut up!" paangil niyang sagot sa kapatid. Pabagsak niyang inilapag sa counter ang hawak na rag saka lumapit sa dalaga. "Move," sabi niya sabay yuko at siya na ang pumulot sa mga piraso ng nabasag na baso.

"K-Kaya ko na," mahinang sabi ni Rifka.

"D'on ka kay Sierra. Magpaturo ka uli kung paano magbalanse ng tray," malamig niyang sagot kaya nakayukong tumayo si Rifka at lumapit kay Sierra na ngayon ay mas nakasimangot na. Ilang beses na kasi nitong tinuruan ang dalaga ngunit lage pa ring nahuhulog ang hawak nitong tray.

"You shouldn't be so hard on her, bro," ani Forrest na as usual ay nasa harap nanaman niya nakapuwesto. Itinapon niya sa trash bin ang mga piraso ng baso saka muling pinulot ang rag na nasa counter.

"It's none of your business," malamig niyang sagot.

"So, she's not your girlfriend huh?"

"No."

"Good. Type ko yata s'ya eh," nakangising sabi nito kaya sinamaan n'ya ito ng tingin.

"Why don't you call Saide? You like her, right?"

Nakita niya na natigilan ito saka mabilis na uminom ng beer. "You know I can't pursue her."

"And why is that? She's single. You're single. She's old. You're old."

Napasimangot si Forrest dahil sa sinabi n'ya. Fifty years old na kasi ito kahit na mukha pa itong nasa early twenties.

"Alam mo kung bakit," muli itong lumagok ng beer at naging sunud-sunod na 'yun.

"Yeah, right. Because your monster of a mother doesn't want you to marry a girl who has non-Pureblood relatives."

"Right," tumatango nitong agree sa sinabi niya. "It shouldn't matter, right?"

"Alam mo naman pala eh. That's your fault. You blindly follow whatever she says," aniya saka iniwan na ito. Lumapit siya sa dalawang babae na nasa malapit lang sa counter. Sierra was explaining to Rifka how to balance a tray using just three fingers. Tumatango naman ang huli na aakalain ng sinuman na naiintindihan nga nito ang lahat.

"Gets mo na?" medyo mataray na tanong ni Sierra.

Mabilis na magkakasunod na tango ang naging sagot ni Rifka kaya tumalikod na si Sierra.

"Ayusin mo ang trabaho mo. 'Wag mo akong idamay," mahinang sabi ni Gaius upang si Rifka lang ang makarinig sa usapan nila. 

"O-Oo," natataranta nitong sagot.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon