17- The Past Is Back

7.6K 330 19
                                    

Patamad na itinapon ni Gaius ang kanyang nasirang garb sa hamper na nasa gilid ng kanyang kwarto. Kailangan n'ya pa tuloy bumili ng bago. Mahal pa naman ang garb kaya mababawasan nanaman ang kanyang ipon.

Nagtungo siya sa banyo at agad na nag-shower upang pakalmahin ang kanyang nagwawalang hormones. Itinukod n'ya ang dalawang kamay sa wall habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa kanyang likod.

Bumalik sa isip niya ang ginawa nila ni Rifka sa Infirmary. Aaminin niyang nagustuhan niya iyun. There was no use in denying it to himself. Nadala siya sa init ng kanilang mga katawan. That was why sharing blood between Purebloods was intimate. It would awaken bodily pleasures they never expected were there.

And her blood. He had shared blood with other Purebloods before and they tasted the same. Except Rifka's. Her blood had a unique taste and it was extremely delicious. Even more delicious than a fresh bag of human blood.

He blankly stared at the wet tiled wall of the bathroom in front of him. Still reminiscing what he and Rifka shared. So instead of cooling off, he felt hotter.

He groaned in annoyance.

Looked like he would be having a bad night.

Nagising siya kinabukasan dahil sa ingay ng kung ano mula sa labas ng kanyang silid. He slept late last night dahil kay Rifka. Lately, ito lage ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog ng maayos.

"Gaius."

Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang kanyang pangalan. The noise that woke him up turned out to be a knock on his door.

"Who the hell?" inis niyang reklamo habang bumabangon. He was just wearing a white shirt and gray cotton pajama pants.

"Gaius," and again with the knocking. Boses babae iyun and he silently hoped it was Rifka but he knew better. She would never.

Inis niyang binuksan ang pinto at sininghalan ang sinumang isturbo. "What the hell do you want?"

"Gaius."

Natigilan siya nang makita ang babaeng nakatingin sa kanya. Her green eyes and red hair were so familiar yet he didn't want to remember them.

"What are you doing here?" malamig niyang tanong sa babaeng nakangiti sa kanya.

---

Mag-isang nanananghalian si Rifka sa cafeteria nang araw na 'yun. Sa totoo lang ay ayaw n'ya sanang bumangon dahil napuyat siya kagabi. Hindi siya agad nakatulog dahil sa rin sa pag-iisip sa mga nangyari kagabi.

And that included the passionate moment she shared with Gaius last night.

Nahihiya ang dalaga sa kanyang sarili dahil nagpadala siya sa init ng katawan. Pasalamat na rin siya na hindi natuloy ang hindi dapat matuloy. Sa tingin niya ay wala siyang sapat na lakas para pigilan ang lalaki kagabi. Pareho silang nadala.

Wala sa sariling napatitig siya sa mashed potato na nasa kanyang plato pero wala roon ang isip n'ya.

Iyun ang unang pagkakataon na nag-share siya ng dugo sa iba. Hindi niya inakala na gan'on ang magiging epekto n'on.

She kissed Atira before but it wasn't like that. It was not as sinful as the kiss she shared with Gaius.

Napahawak siya sa kanyang dibdib nang maalala si Atira. Kahit na wala silang relasyon, pakiramdam niya ay nagtaksil siya rito. She loved him.

Or did she?

Mahal nga ba niyang talaga si Atira? Bakit nagawa niya ang bagay na 'yun kasama si Gaius? At nagustuhan n'ya naman.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon