28- Second Chance

6.6K 316 16
                                    

Magaan ang pakiramdam ni Rifka nang magising siya ng umagang 'yun. Masaya siya kahit papaano dahil ngayon ay magkaibigan na sila ni Tiana.

And she found out her roommate didn't really loathe her. She was just protecting her heart from further damage.

Kaya naman, masaya siyang pumasok sa kanyang mga klase nang araw na 'yun. Kahit papaano ay may nalulutas na siyang problema.

Naglalakad na siya sa pasilyo ng Akadēmos papunta sa kanyang next subject nang mamataan niya sa isang sulok sina Auberon at Sophia. Hindi masyadong kita ang dalawa dahil may kadiliman ang bahaging iyun pero nakita n'ya ang isang plastic box na may lamang maliliit na bote na ibinigay ni Auberon sa kasama.

"Ang bilis maubos ng supply mo. Ano ba'ng ginagawa mo sa mga ito?" narinig niyang mataray na tanong ni Auberon sa babae at agad na nagtago si Rifka. Hindi naman siya tsismosa pero parang may nagtulak sa kanyang makinig sa usapan ng dalawa.

"Iniinom. Ano pa nga ba?" may katigasan din ang boses na sagot ni Sophia.

"Addict ka na talaga ano? I am really loving this," ani Auberon saka humalakhak.

"Kung kaya ko lang bumili ng sarili kong Cratus, hindi talaga ako magpapailalim sa'yo. I am the student council president," narinig ni Rifka ang diin sa boses ni Sophia.

"But that's it, right? You can't buy your own Cratus because you are as broke as a rat. Hindi man lang alam ng mga taga-academy kung gaano kayo kahirap. At kung makaakto ka ay parang pag-aari mo ang buong mundo. Tsk, tsk, tsk. Ang dami mong sekreto na alam ko, Sophia. Don't even try to cross me."

Napakunut-noo si Rifka dahil sa naririnig na usapan.

Mahirap si Sophia?

Hindi naman sana problema iyung pagiging mahirap. Walang dapat ikahiya doon.

Pero inilihim nito ang bagay na 'yun. Bakit?

And what the hell is Cratus? tanong niya sa sarili.

Bago pa man siya mahuli ay lumayo na si Rifka sa lugar na 'yun. Kung may problema ang dalawa ay wala na siyang pakialam doon.

Pero na-curious talaga siya kung ano ang Cratus na nagpa-addict kay Sophia kaya iyun lang ang laman ng kanyang isip hanggang sa natapos ang kanyang mga subjects nang araw na 'yun.

Nadatnan niya sa salas ng kanilang dorm room ang mga Bloodworth kasama si Gaius at mukhang nagkakatuwaan ang mga ito habang nagkukwentuhan.

"Rifka, nandito na si Gaius. Di ba na-miss mo s'ya?" biglang sigaw ni Cole kaya agad siyang napatigil sa paghakbang at gulat na napatitig dito.

Ano'ng pinagsasabi mo? gusto n'ya sanang itanong kaya lang ay nakatayo na si Tiana at hinila siya saka pinaupo sa tabi ni Gaius na matamang nakatitig sa kanya kaya hindi niya tuloy mapigilang ma- conscious.

"B-Bakit ganyan ka makatingin?" mahina niyang tanong dito pero nagkibit-balikat lang ito sabay lagay ng kaliwang braso sa  sandalan ng couch kung saan sila nakaupo.

"Hiya-hiya pa kayo eh ilang beses na kayong nag-kiss," sabi nanaman ni Cole kaya mas lalong nag-init ang mukha ng dalaga.

"Hayaan mo na nga sila, Collier. Ang tsismoso mo. Dikit kasi nang dikit kay Malik," natatawang sabi ni Deus na siyang nasa kaliwa ni Rifka.

Nasa harapan naman nila sina Tiana at Cole.

"Speaking of Malik, kelan ba ang balik ng isang 'yun?" naisip na itanong ni Rifka para mabaling naman sa ibang topic ang isip ni Cole.

"Malapit na 'yung bumalik," si Tiana ang sumagot.

"Bakit s'ya umuwi sa kanila?" usisa naman ni Gaius.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon