38- Out for Blood

6.9K 293 84
                                    

Ito yata ang pinakamatagal kong update sa story na 'to kaya hinabaan ko na. Enjoy reading, vampires and witches.

---

Napaungol si Rifka dahil sa hapding sumusuot sa bawat palapulsuhan at bukung-bukong niya na para bang may nakabaon sa mga parteng iyun ng katawan niya. Nakahiga siya sa isang malamig na kung anong bagay. Sa tingin niya ay mga bato iyun na pinagtabi-tabi.

At nanghihina siya.

May naririnig siyang mahinang pag-uusap sa background at hindi siya sigurado kung sinu-sino ang mga iyun.

Sinubukan niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit sobra siyang nanghihina na kahit iyun ay hindi niya magawa.

"Sigurado ka bang mamamatay siya pagkatapos ng lahat ng ito?" dinig niyang tanong ng isang boses lalaki. Pamilyar ang boses na 'yun ngunit hindi niya maalala kung sino. Masyadong malabo ang takbo ng kanyang utak.

"Sisiguraduhin namin 'yun," sagot naman ng isa pa.

"Bakit hindi n'yo pa siya patayin ngayon, Santino? Sapat na ang dugong nakuha ninyo sa kanya ngayon."

"Patience. Kapag namatay si Rifka, mawawalan ng bisa ang kanyang dugo. Parte ng buhay niya ang kapangyarihan ng kanyang dugo, Yitzhak."

Sina Santino at Yitzhak, naisip ng dalaga.

Rifka tried to move her body but she couldn't. Hindi niya maintindihan kung bakit gan'on na lang ang panghihina niya na para bang tinakasan siya ng lahat ng kanyang lakas.

"Siguraduhin mo lang na hindi ako magkakaproblema dahil dito, Santino. Kailangang mawala sa landas ko ang mga Spivak."

"Wag kang mag-alala. Kapag na- resurrect na namin si Callista, kikitilin na namin ang buhay ni Rifka Spivak agad-agad."

Narinig pa ni Rifka ang papalayong tawanan ng dalawang lalaki.

Sinubukan niya uling buksan ang kanyang mga mata, this time, with all her might. And she somehow succeeded when her eyelids flickered.

Dahan-dahan, gamit ang lahat ng kanyang lakas, ay iminulat ni Rifka ang kanyang mga mata. Una niyang nakita ang mga nagtatayugang mga puno at may sumisilip na sinag ng araw sa makakapal na mga dahon.

Inilibot niya ang paningin sa paligid at nalaman niya kung nasaan siya.

Faiga Forest!

At hindi lang 'yun. Nasa mismong spot siya kung saan siya isinilang. Kung saan siya inere ng kanyang ina noon.

Kaya pala nanghihina siya. Hindi niya alam na itong lugar na ito pala ang lugar kung saan siya pinakamahina. May ginawang spell lang ang Triad at nalaman ng mga ito ang tungkol sa bagay na 'yun.

She did not have any idea.

Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay ngunit hindi niya magawa kaya napatingin siya roon. She realized, she was lying down flat on her back on an altar na gawa sa mga pinagdikit-dikit na flat na mga bato. Nakatali ang kanyang mga kamay at binti at sa bawat palapulsuhan at bukong-bukong niya ay may nakabaon na pako.

Kaya pala kumikirot ang mga bahaging iyun ng katawan niya.

"Oh, gising na pala ang mahal na prinsesa," Sloan was giving her a lopsided smile and bowed to her mockingly.

Sinubukang sumagot ni Rifka pero tanging ungol lang ang nagawa niyang ingay.

She started to feel frustrated for being so helpless.

"Zab, Sloan, maghanda na kayo," narinig ni Rifka ang papalapit na boses ni Santino. "Isasagawa na natin ang seremonya."

"Hmm..." Rifka tried to move, kicking and scratching the air. Pero mas bumabaon pa ang mga pako na sa tingin niya ay may spell to hold her still.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon