22- The Third Party

7.3K 345 26
                                    

Nakangiting nakatitig si Rifka kay Neschume habang magkaharap sila sa upuan sa salas ng kanilang dorm room. Kahit na namayat ito at mukhang kulang sa nutrisyon ay masaya pa rin siya na ligtas ito.

"Nasaan sina Atira at Beynish?" tanong niya. Kasama rin niya roon ang tatlong Bloodworth.

"H-Hindi ko alam, Rifka. Nagkahiwalay kami n'ong tumatakas kami mula sa mga tauhan ni Yitzhak," sagot nito at nagsimula nang tumulo ang mga luha nito habang nanginginig ang mga kamay.

"Sshh. Calm down, okay?" aniya saka niyakap ito. "Sa tingin mo magkasama silang dalawa?"

"Hindi ko alam. Hindi ko alam," anito saka humagulhol habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

"I think she needs to rest," sabi ni Deus na nakatayo sa likuran ng couch kung saan sila nakaupo.

"Rifka, bigyan mo muna siya nito," may iniabot si Cole na baso na may lamang dugo. "Deer blood."

Agad naman iyung kinuha ni Neschume at tila uhaw na uhaw na sinaid ang laman ng baso.

Inalalayan n'ya ang kaibigan papunta sa kanyang silid at agad naman itong humiga na tila pagod na pagod.

"Magpahinga ka na muna," nakangiti niyang sabi rito kaya tumango ito saka pumikit. Kailangan lang nitong maka-recover at paniguradong babalik na ang pagiging baliw. Ang nakasanayan niyang Neschume.

Lumabas na siya ng kanyang silid nang masigurong tulog na ang kanyang kaibigan.

Nadatnan naman niya sa salas si Cole na nanonood ng TV samantalang si Deus ay nasa kusina at nira- ransack ang refrigerator ngunit agad itong tumingin sa kanya nang maramdaman siya.

"Kumusta na si Neschume?" agad na tanong nito pagkasara ng pinto ng fridge.

"Tulog na s'ya," sagot niya.

"Sana naman maging okay na s'ya," anito.

"She should be," biglang sabad ni Tiana na lumabas mula sa kwarto nito. Ang dami nanaman nitong dalang mga libro. "Kailangan siyang makausap ni Director Brisbois. Nasabi ko na rin ito sa presidente ng ISOP. He's gonna be here sometime today."

"That's good then. Maybe ISOP can do something about the vampires of Faiga," komento ni Cole.

"ISOP did something before pero walang silbi," ani Tiana at nagmartsa na palabas ng dorm room.

"Don't mind her," naiiling na baling ni Deus kay Rifka.

"Sanay na ako," nakangiti niyang sabi. At least ngayon ay nabawasan na ang bigat ng kanyang dibdib. Dalawa na lang ang hahanapin n'ya.

---

Pabagsak na inilapag ni Tiana ang mga libro sa mesa. Nasa library siya at sa sulok niya naisipang pumuwesto. Wala siyang pasok buong umaga kaya naisipan niyang mag-research na lang.

Nasa gitna siya ng pag-aaral nang maramdaman niyang tila may nakatingin sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin at agad na kumulo ang kanyang dugo nang makitang si Auberon pala iyun na nakaupo sa mesang nasa harapan niya at nakangisi pa.

Inis niyang isinara ang mga libro na ginamit at padabog na lumabas ng library.

How she hated that woman. She was a witness on how Deus suffered after that bitch left him for his bestfriend. He almost lost his spot as the top of the class. He developed a drinking habit for a few months and their parents were devastated seeing their perfect son turned into someone opposite.

Buti na lang at nagawa nitong makabangon pagkatapos ng anim na buwan. At nagtulung-tulong sila upang maka-recover ito. And he did. Bumalik ang napakabait at responsable niyang kakambal.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon