Prologue

1.2K 25 2
                                    

Author's note: PLEASE DON'T PLAGIARIZE! MAKE YOUR OWN STORY. THANK YOU!

============

"Mommy I wanna see daddy! I wanna be with him! Please mommy!"

"Daddy where are we going? Bakit po tinapon mo yung mga damit ko? Is there something wrong?"

"Sya ba Miguel? Sya ba ang bagong kasambahay?"

"Yes. Sya ang bagong kasambahay!"

"Anak kumain ka na. Tignan mo nga pumapayat na ang reyna ko."

"Nanay Fe, yan ang itawag mo sakin. Habang nandito ka, ako muna ang magiging mama mo."

"Macey the Freak! Gawin mo nga thesis ko! Matalino ka naman eh! Hindi ka nga lang maganda!"

"FREAK! HALIKA NGA DITO! AKALA KO BA MATALINO KA?! BAKIT BAGSAK AKO?! YANG UTAK MO NA NGA LANG ANG MAGANDA SAYO, WALA RIN PALA! WALA KANG SILBI!"

"Macey.. Promise me kahit anong mangyari. We will always be friends!"

"Pangako, kahit anong mangyari.. Magiging magkaibigan tayong dalawa."

"Kahit anong mangyari, kapatid pa rin ang turing ko sayo. Pangako ipagtatanggol kita sa kahit na sino. Pinky promise?"

"Natuwa ka ba sa napanood mo?"

"Yun naman pala eh! Edi tapos na kayo hon! Pwede na tayong maging legal sa mga magulang natin.. Opps. Nakalimutan ko. LEGAL na pala TAYO sa mom mo."

"So this is really the end? Thank you, Im now free from you freak!"

"So freak. Pwede ka na bang lumabas? Marami pa kaming GAGAWIN ng GIRLFRIEND KO."

FIVE YEARS. Five years had passed since it happened. Limang taon na pero sariwa pa rin ang mga alaala sa utak ko at may kirot pa rin sa puso ko.

Lumipas ang limang taon at marami nang nangyari sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanila since wala akong balita sa kanila.

Sa limang taon na lumipas, marami nang nagbago sa akin at sa buong buhay ko. At isa dun ay ang pagbangon ko. Pagbangon mula sa pagkadarapa.

Pagkalimas ng limang taon, handa na ko. Handa na kong bumalik at makita silang muli. Handa na ko sa pwedeng mangyari at handa na ko sa kung anuman ang mararamdaman ko.

Ang tanong, handa na ba sila sa pagbabalik ko?

Ano nang nangyari sa kanila pagkatapos ng nangyari?

Naka-move na rin kaya sila tulad ko?

--Queen Angel--

He, who broke ME (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें