Chapter 3: Royalty University

419 11 0
                                    

"Ang ganda nila!"
"Parang mga artista!"
"Hindi mo ba sila kilala?"
"Waahhhh! Fallen Angels!"

Yan ang mga naririnig ko habang naglalakad kami sa hallway. Paborito talaga nilang mag chismisan sa hallway no? Hahaha.

"Excuse me miss." pagtawag ni Fire Angel sa isang estudyante dito. "Do you know where we could find the Dean's office?" pagtanong nya.

"Ahm.. Miss Fire Angel dirediretso lang po kayo tapos kaliwa. Sa pinakadulo ng corridor na yun, nandun na po yung Dean's office." sagot naman nung babaeng estudyante.

"Thanks!" yun lang at naglakad na kami papunta doon.

"Good morning Fallen Angels! I am Mrs. Natalie Jung and Im the Dean of the colleges." pagbati samin ng Dean nang makita kaming pumasok. Kasama nya naman ang kanyang assistant.

"Good morning din po Dean!" pagbati rin namin sa kanya.

Niyaya nya naman kaming umupo kaya umupo kami sa couch habang may kinukuha syang folders.

Nang makuha nya ito ay naglakad sya patungo samin at umupo sa isa pang couch na katapat lang ng inuupuan namin.

"These are your id's and schedules, ladies." sabi nya saka binigay ang mga folders samin.

"In behalf of the school owners, we would like to thank you for choosing Royalty University. We ensure your safety while you are here Fallen Angels." pangako naman ng Dean.

Mabuti kung ganoon, baka mamaya ay pagkaguluhan kami ng mga estudyante.

"You are welcome Dean!" sabi ni Baby Angel. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Loka talaga!

"So it settled then? Your classes will start in 5 minutes." sabi nya sa amin kaya dali dali na kaming nagpa-alam sa kanya at pumunta na kami sa room namin. Ayaw namin ma-late!

"Gosh! Malalate na tayo! Hindi pa naman tayo nakapasok kahapon.." sabi ni Water Angel. Studious talaga sya!

---------------

"So class when baking--" naputol ang pagdidiscuss ng prof nang marinig nya ang pagkatok ni Fire Angel sa pinto.

Agad nyang binuksan ang pinto at tinaasan kami ng kilay. "Are you my students?" tanong nya.

"Yes we are Mr. Cortesano. We are sorry we're late." paghingi ng paumanhin ni Water Angel.

"Get in and discuss anything about baking!" sigaw nya samin bago kami pinapasok.

Nagtawanan naman ang mga estudyante. Hindi siguro nila kami kilala.

"What are you waiting for?" sigaw nya.

'Kalahi nya ba si Sigaw Princess?'

"Why would we discuss your subject matter? That is your job as a professor! Unless you are not a professional one." sabi ko sa kanya since ako ang nasa pinakaharap.

"Excuse me?!" sigaw nya ulit.

"Dadaan ka?!" tanong ni Baby Angel. Pasaway talaga!

"Who are you to interrupt my class?! At sino kayo para sabihin sakin yan?!" sigaw nya ulit. Mahilig din talaga sya sumigaw!

"I am Venice Chen but call me Fire Angel if you want."

"I am Louiz Fajardo aka Water Angel."

"Kirsten Lee and Im also Princess Angel."

"I am Baby Angel but my real name is Dhepriz Flores!"

Pagpapakilala ng mga kaibigan ko. Napanganga naman ang mga estudyante na tila ngayon lang nila nalaman na kaklase nila ang isang sikat na girl group.

"Fallen Angels? Tss! So totoo ngang dito nyo napiling mag aral. Bakit naman? Anong rason nyo? You are already 4th year college yet lumipat pa rin kayo." sabi ni prof.

'Buti naman hindi sya sumigaw. Sakit sa tainga eh!'

"Because we want to. May problema ba dun?!" pagtataray ko.

"At sino ka naman bungangera?" tanong nya sakin.

Ngumiti naman ako bago nagpakilala. Nagsigawan naman ang mga lalaking estudyante.

"Queen!"
"Yes nandito na din si Queen!"
"Go Queen!"

"I guess narinig mo na ang pangalan ko, Mr. Cortesano?" sabi ko sa kanya.

"Queen?! Nagpapatawa ka ba? Kailan ka pa naging reyna, Freak!" sigaw nya na naman.

Nagbulong bulungan naman ang mga estudyante dahil sa sinigaw nya. Kaya pala malakas ang loob na sigaw sigawan kami dahil kilala nya ko!

'Freak? Ngayon ko lang ulit narinig yan.'

"Ngayon hindi ka makapagsalita? Hahaha.. Ginamit mo pa talaga ang pangalan ng leader ng Fallen Angels! Magkano ang binayad mo sa kanila, Macey the Freak?!" pang aasar nya pa.

'Matagal nang patay si Macey the Freak!'

"Ikaw! Magkano ang binabayad sayo ng eskwelahan para manglait ng eatudyante?" tanong ko sa kanya.

Mukhang nagulat naman sya sa sinabi ko pero nagsalita pa rin sya. "More than you imagine, Freak!"

'Hindi na ko maapektuhan ng salitang yan!'

"Talaga? Gusto mo bang mawalan ka ng sweldo, ipis na feeling butterfly?" pang aasar ko sa kanya.

'Ipis na feeling butterfly? I miss calling you that!'

Nagtawanan naman ang lahat kasama na ang mga kagrupo ko. Alam kasi nila kung anong ibig sabihin nun.

"Freak!" sigaw nya bago sya lumabas ng room. Hindi pa nga ako nagpapakilala sa harap! Ang daya naman!

"Huwag ka nang ngumuso dyan Queen. Kilala ka naman nila eh kaya hindi na kailangan ng intro!" pang aasar sakin ni Fire Angel or should I call her Venice?

"Ang cute mo talaga Queen!"
"Welcome dito sa Royalty University my Queen!"
"Okay lang kahit walang intro, kilala ka naman namin eh!"

Sigawan ng mga kalalakihan sa loob ng room.

"Oh diba?" sabi sakin ni Water Angel or Louiz.

"Panalo na naman sya!"
"Hakot boys din eh!"
"Dyosa kasi! Pero mas dyosa ako!"
"Matapang talaga sya!"

Bulungan naman ng mga girls. Tss! Inggit lang sila sa beauty ko!

"Ay! Ang daming insecure!" komento ni Kirsten (Princess Angel)

"Ang dami talaga nilang say sayo, Queen!" pag iinarte ni Dhepriz (Baby Angel)

"Huwag ka ng maiinggit Dhepriz, maganda ka naman eh." sabi ko na lang sa kanya.

"Atleast love din nila ako! At love din kita, mommy!" sabi nya sakin.

"Ikaw na ang anak anakan ni Queen! Tara na nga sa canteen, mukhang wala ng klase." pagyaya ni Louiz.

Lumabas naman agad kami ng room at dumiretso sa canteen. Nakakagutom!

###

CHARACTERS:

*FALLEN ANGELS:
- Queen/ Queen Angel
- Krislhei Venice Chen/ Fire Angel
- Mikee Louiz Fajardo/ Water Angel
- Mary Kirsten Lee/ Princess Angel
- Alexia Dhepriz Flores/ Baby Angel

------------------

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now