Chapter 9: Daughter

328 11 0
                                    

QUEEN'S POV:

Naglalakad kami ng mga kaibigan papunta sa parking lot. Kakatapos lang ng klase namin ngayong araw. Its past 6pm na rin kaya siguradong nandoon na ang driver namin.

Pasakay na ko sa kotse nang mahagip sya ng mata ko. Its Dylan! Nakatitig lang sya sa kung saan. I wonder kung bakit hindi pa sya umaalis gayong nasa tabi lang sya ng kotse nya. (Kahit hindi ako sure kung kanya yun.)

"Queen, tara na!" Sabi sakin ni Dhepriz maya maya. Siguradong inaantok na tong maknae namin.

Napalingon naman sa gawi namin si Dylan. Nginitian ko lang sya saka ako sumakay sa kotse para makauwi na kami sa mansyon.

Habang bumabyahe ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kanina sa cafeteria. Ibang-iba na talaga sya sa taong nakilala ko noon. Inggitera sya, oo pero hindi sya mapagmalaki at mayabang.

"Ano bang nangyari sayo, Steffi?" Tanong ko sa sarili ko bago kami bumaba sa kotse. Dahil sa inisip ko, hindi ko na namalayang nakauwi na kami sa mansyon.

Agad namang pumasok sa loob ang mga kaibigan ko lalo na si Dhepriz. Inaantok na nga sya! Ganyan sya palagi. Kapag pagod sa maghapon ay inaantok na pag-uwi. Kaya madalas ay hindi na sya nakakapag-hapunan.

Pagpasok ko sa mansyon ay sinalubong ako ni mommy at ni nanay Fe. "Kamusta anak? Mukhang pagod na pagod si Alexia ah." Sabi sakin ni mommy.

"Opo mommy. Marami po kasi kaming ginawa kanina sa school." Sabi ko naman.

"Tulad ng naging gulo nyo kanina sa cafeteria?" Tanong ni mommy. Paano nya nalaman?

"Anak, sa susunod huwag na silang pansinin. Kilala mo naman ang batang yun." Pangangaral sakin ni nanay Fe.

"Opo. Pero nanay Fe, hindi na sya tulad ng dati. Sa katunayan ay mas lumala pa sya." Sabi ko naman. Bumuntong-hininga lang sila ni mommy.

"Ahm. Akyat na po ako." Pagpapa-alam ko. Gusto ko munang magpahinga bago mag-dinner.

Pag-akyat sa kwarto ay umupo ako sa kama ko. Nahagip naman ng mata ko ang isang kahon sa drawer ko. Kinuha ko ito at nakita ko ang luma naming litrato. Napangiti ako nang maalala ko kung bakit ito kinunan noon.

=====Flashback=====

"Macey sige na picture na tayong dalawa!" Sabi nya sakin. Umiling naman ako bilang pagtanggi.

"Hindi pwede Steffi eh. Marami pa kong gagawin sa kusina. Baka pagalitan ako ng mommy mo." Sagot ko sa kanya.

"Macey naman eh! Sige na! Isang shot lang. Remembrance!" Pangungumbinsi nya pa. Konting-konti na lang ay iiyak na sya kaya naman pinagbigyan ko. Tutal sabi nya ay isang shot lang.

"Yan! Ang cute natin dito Macey!" Sabi nya habang nakatingin sa litrato naming dalawa. Napangiti naman ako. Sa litrato pa lang ay kitang-kita na kung anong estado namin sa buhay. Nakasuot sya ng floral na bestida samantalang ako ay lumang t-shirt at shorts lang ang suot. Malalaman ng kung sinong makakakita sa litrato kung sino ang amo at kung sino ang katulong.

"Macey.. Promise me kahit anong mangyari. We will always be friends!" Sabi nya sakin maya maya.

Ngumiti ako sa kanya bago tumango. "Pangako, kahit anong mangyari.. Magiging magkaibigan tayong dalawa." Sagot ko.

"Kahit anong mangyari, kapatid pa rin ang turing ko sayo. Pangako ipagtatanggol kita sa kahit na sino. Pinky promise?" Sabi nya bago namin pinag-ugnay ang mga daliri namin.

==========

Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa mukha ko. "Asan na ang pangako mo? Bakit mo ko trinaydor? Sabi mo ipagtatanggol mo ko pero sa oras na kailangan kita, hindi mo ginawa. Anong nangyari sayo, Steffi?" Bigkas ko bago itinagong muli ang litrato sa kahon at ilagay sa ilalim ng kama ko.

Narinig ko namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at niliwa nun si nanay Fe.

"Anak, kakain na!" Rining kong pag-aaya ni nanay Fe.

"Saglit lang po. Magbibihis lang po ako." Sagot ko sa kanya saka ako tumayo mula sa kama.

"Sumunod ka din, hija ah." Sabi nya bago sya lumabas ng kwarto ko.

Papasok na ko sa banyo nang mag-ring ang phone ko. Kahit na unregistered number ay sinagot ko pa rin ang tawag ngunit hindi ako nagsalita.

"Sino ba ito?" Tanong ng isang tinig sa isip ko na nasagot dahil sa narinig kong boses.

"Macey anak." Pagkarinig ko sa boses nya ay agad kong pinatay ang tawag. Ayoko nang marinig pa ang boses ng taong tumawag.

Bigla namang nag-beep ang phone ko at nakita ko ang text message nya. Binaliwala ko lang ito at in-off na ang phone ko.

-----------------

HER POV:

Nakakainis! Sino sya para kalabanin ako? Isa lang naman syang walang kwentang nilalang sa ibabaw ng mundo! Sino sya para pahiyain ako sa lahat ng tao? Sino sya para sabihing kanya ang pagmamay-ari ko?

"Tama na yan. Umuwi na tayo, anong oras na kaya!" Reklamo ng kasama ko.

"Kung gusto mong umuwi, umuwi ka mag-isa! Iwan mo ko dito!" Sigaw ko sa kanya. Wala naman syang nagawa kundi manahimik. Ano bang laban nya sakin?

"Ano ba kasing problema? Alam mo, kausapin mo na lang daddy mo para maliwanagan ka. Hindi yung nagpapaniwala ka sa kanya!" Sabi nya sakin.

Tumingin naman ako sa kanya. "Sa tingin nyo ba sasagutin ako nang matino nun? Tsaka sa tingin nyo ba nasa mansion yun ngayon?" Tanong ko.

Akala ng mga to may alam sila sa buhay ko sa mansion. Palaging wala si daddy sa mansion, si mommy lang nalalapitan ko. Himala na nga kapag nakikita ko yun si daddy eh.

"Suggestion lang naman." Sagot nya. Inirapan ko lang sya. Sumimangot naman sya.

"Kilala nyo ba yun?" Pagtukoy ko sa mga nakaaway ko kanina. Umiling naman sila, ibig sabihin wala silang alam.

"Sino ba sya? Ang lakas ng loob nyang kalabanin ako! Kahit kelan wala pang nakatalo sakin." Sigaw ko sa kanila.

"Maliban sa isa, remember?" Sagot ng isa sa mga kaibigan ko.

Hinarap ko sya at sinamaan sya ng tingin. "Ano sabi mo?" Sigaw ko sa kanya. Alam nilang ayoko nang pag-usapan ang bagay na yun. Ayoko na syang maalala pa.

"S-sorry. Nakalimutan ko." Sabi nya habang nakayuko which reminded me of her. Sa inis ko naibato ko ang hawak kong glass. Natapon tuloy ang alak na laman nun. Nagulat naman sila at natakot.

"Huwag nyo nga syang ipaalala sakin! Hindi kayo nakakatuwa! Alam nyo, mabuti pang iwanan nyo na ko dito! Alis!" Sigaw ko sa kanila. Nagmamadali naman silang umalis sa harap ko.

"Humanda ka sakin!" Wika ko saka ininom ang huling bote ng alak.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now