Chapter 33.2: The past

272 5 1
                                    

Napatingin naman ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

"Hello?" pagsagot ko sa tawag nang hindi man lang tinitignan kung sino.

"Macey.." sagot ng nasa kabilang linya. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman. Galit? Pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.

"Nicolli.."

"Let's talk. In my condo. 7pm." yun lang ang sinabi nya at pinatay na nya ang tawag.

----------------------

Hindi ko alam kung bobo ako o tanga dahil pumunta pa rin ako sa condo nya kahit na sinaktan nya ko.

Paglabas ko ng elavator ay dumiretso ako sa condo unit nya. Dahil alam ko ang password nito ay naging madali lang ang pagpasok ko.

Patay ang ilaw kaya alam kong wala sya dito ngayon. Baka lumabas saglit kako.

Pumunta ako sa kwarto nya kahit madilim ay alam na alam ko kung saan banda. Ilang beses na ba akong pumunta dito?

Narinig kong bumukas ang pinto kaya dali dali akong nagtago sa cabinet nya. Hinintay kong makapasok sya dito sa kwarto. Nang marinig ko ang mga yabag nya ay akma kong bubuksan ang pintuan nitong cabinet pero hindi ko naituloy.

Hindi ko lubusang maisip kung paano nila nagawa sakin to! Akala ko ay mag uusap kami pero iba ang nakikita ko. Hindi ko na napigilang umiyak sa loob ng cabinet habang pinapanood ko syang niroromansa ang kaibigan ko!

------------------

Hindi ko alam kung ilang oras ako umiyak habang kitang kita ko ang pagtataksil nila sakin. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa cabinet.

Handa na kong lumabas sa kwarto nya nang makita nila ako. Wala akong nakitang guilt sa mga mata nila!

"Natuwa ka ba sa napanood mo kagabi?" tanong nya.

'Ibig sabihin ay alam nilang nandoon ako?'

"Oo alam namin. Ano pang silbi ng cctv camera dito?"

"Steffi!" pagsuway nya naman sa kabit nya!

Yes, si Steffi. Isa sa mga kaibigan ko. Ang syang totoong tumulak kay Nicole sa hagdan!

"Kaya pala!" napangiti ako nang mapait. "Kaya pala paniwalang paniwala ka sa babaeng yan! Yun pala may relasyon kayong dalawa!" hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo.

"Aww.. Crying baby as always! Hahahaha!" pang iinis nya pa sakin.

"Enough! Macey pwede bang lumabas ka muna? Magbibihis muna ako bago tayo mag usap." sabi nya sakin pero tumutol yung kabit nya.

"Dito na kayo mag usap kasama ako! Wala namang magbabago kung dito eh! Diba hon?" tanong nya kay Nicolli saka sya mapang asar na ngumiti sakin.

Alam ko na kung anong sasabihin nya kaya inunahan ko na sya para hindi masyadong masakit sa pride ko. "We're over!"

Tila nagulat naman sya sa sinabi ko. Anong nakakagulat doon? Yun din naman ang sasabihin nya diba?

"Yun naman pala eh! Edi tapos na kayo hon! Pwede na tayong maging legal sa mga magulang natin.. Opps. Nakalimutan ko. LEGAL na pala TAYO sa mom mo." pinagdiinan nya pa talaga. Pinamukha talaga nya na talagang ayaw sakin ng mom ni Nicolli samantalang botong boto ito sa kanya.

'Sabagay, parehas mang aagaw!'

"So this is really the end? Thank you, Im now free from you freak!" halos madurog ang puso ko sa sinabi nya.

He, who broke ME (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ