Chapter 30: Hospital

225 5 1
                                    

Nagulat ako nang makita ang mga magulang ko. Nang makalapit sila ay hinanap ng mga mata nila si Steffi na hanggang ngayon ay tulala at hawak-hawak pa rin ang kutsilyo.

"Mom, dad. What are you doing here?" Tanong ko sa kanila.

"We heard what happened. Nag-alala kami kay Steffi kaya agad kaming pumunta dito." Sagot ni dad.

"Kay Steffi na syang may kasalana dito, sa kanya kayo nag-alala. Pero sa taong sinaksak nya, hindi? How could you dad? Your daughter is in danger!" Sabi ko sa kanya.

"Yes, Steffi is in danger that's why we're here. Steffi is our only concern here, Nicolli." Sagot nya. Hindi ako makapaniwala. Mas may pakialam sya sa ampon nya kaysa sa--

"Why are you here?" Tanong ng isang tinig mula sa likuran nila dad. Unti-unti syang naglakad palapit sa pwesto ng mga kaibigan ni Macey.

Sumama ang mukha ni mommy nang makilala ang taong nagsalita. Samantala, ganon pa rin ang reaksyon ni dad, walang pakialam.

"Come on Steffi, Nicolli. Let's go home." Pag-aaya ni mommy at hinila ang braso ni Steffi dahilan ng pagkabitaw nya ng kutsilyong ginamit nyang panaksak kay Macey.

Agad na pinulot ni Dylan ang kutsilyo at binigay kay Mrs. Aragon. "Thank you mister." Pagpapasalamat nya kay Dylan saka nya inilagay ang kutsilyo sa hawak nya plastic.

"Mommy.." Sabi ni Steffi sa mommy ko. Halatang natatakot sya base na rin sa aura ni Mrs. Aragon.

"Don't worry, we will hire the best lawyer if worse comes to worst." Sagot sa kanya ni mommy at tuluyan nang hinila si Steffi.

"Go on. Try me." Sabi ni Mrs. Aragon.

Sasagot pa sana si mommy ngunit pinigilan na sya si dad. Wala syang nagawa kundi ang manahimik.

"Why are you still here? Aren't you going to leave?" Tanong ni Mrs. Aragon.

"Michelle go home. Isama mo si Steffi at Nicolli. We'll talk when I got home." Sabi ni dad sa mommy ko. Kita sa mukha nya na ayaw nyang sundin si dad pero wala naman syang nagawa kundi ang hilahin paalis si Steffi.

"Leave. My daughter doesn't need you here." Sabi ni Mrs. Aragon kay daddy bago sya humarap sa amin ng mga kaibigan ko.

"Thank you for saving my daughter." Pagpapasalamat nya sa amin bago sya umupo sa couch kung saan nakaupo ang mga kaibigan ni Macey.

"Angela please." Sabi ni dad.

"I already told you to leave Miguel. Katulad ng sinabi mo kanina, Steffi, your daughter is your only concern here. She's not here so why don't you leave?" Sagot ni Mrs. Aragon.

Bumuntong-hininga si dad bago tumingin sa akin. "Let's go Nicolli." Sabi nya bago naglakad paalis, tumigil sya sa harap ni Mrs. Aragon. "I'll come back tomorrow." Sabi nya rito.

"No need. I can take care of my daughter." Sagot ni Mrs. Aragon nang hindi tumitingin kay dad.

Walang nagawa si dad kundi ang umalis. Sumunod naman kami sa kanya pagkatapos naming magpaalam kala Mrs. Aragon.

Habang naglalakad palabas ng ospital may nakasalubong kaming ginang. Nang makita nya si dad ay tinignan nya ito nang masama bago tuluyang naglakad papasok sa ospital.

Sumakay ako sa kotse ni dad. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa kani-kanilang kotse. Babalikan ko na lang ang kotse ko sa school bukas dahil naiwan ko ito kanina.

Habang nagda-drive si dad ay nakita kong pinunasan nya ang pisngi nya. Halatang umiiyak sya pero pinipigilan nya lang. Habang tinitignan ko sya ay nasasaktan ako. Kahit na ba may mali si dad eh.

"Come back tomorrow dad. She's still your daughter." Sabi ko sa kanya tsaka ako tumingin sa labas ng bintana.

Kahit anong isipin ko, namumuo pa rin ang munting galit sa akin. Simula nang malaman kong anak nya si Macey hanggang sa pagbabaliwala nya rito.

"Hanggang ngayon mas pinipili mo pa rin ang hindi mo tunay na anak kaysa sa tunay mong anak. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ayaw ipalapit sayo ni Mrs. Aragon si Macey. Isa sa rason kung bakit ayaw nya? Dahil yun sa sinabi mo kanina. Sino bang matutuwa doon dad? Pinatunayan mo lang na wala kang pakialam sa anak mo." Mahabang sermon ko sa kanya pero wala akong narinig na pagtutol. Hanggang sa nakarating kami sa bahay at nakababa sa kotse ay wala man lang syang sinabi.

Hindi ko na lang sya pinansin at umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Nakita ko naman na dumiretso sya sa study room.

---------------

Nang lumabas ako ng kwarto ko ay naabutan kong nag-aaway na naman ang mga magulang ko. Naririnig ko mula rito ang sigawan nila sa sala.

"Miguel! Hahayaan mo na lang na ipakulong nya ang anak natin?" Sigaw ni mommy kay dad.

"Ang anak mo ang may kasalanan, Michelle! Sya ang sumaksak kay Macey!" Sigaw naman ni dad.

"Anak mo si Steffi, Miguel! Alam mong anak natin si Steffi! Kaya dapat sya ang ipagtanggol mo hindi yang anak mo sa labas!" Sigaw ng mommy ko.

Hindi ko maintindihan ang sinabi ni mommy. Kaya naman mas nakinig pa ko sa kanila. Alam kong mali pero gusto ko pang malaman ang sasabihin nila.

"Macey is my daughter Michelle! Anak ko rin sya!" Sigaw ni dad.

"Anak? Oo, anak sa labas Miguel!" Sigaw muli ni mommy.

"Tumahimik ka Michelle! Ang pinag-uusapan natin dito, si Steffi! Bakit kasi ayaw mong kausapin ko sya?" Tanong ni dad.

"Para ano? Para sermunan? Para pagsalitaan ng masasakit?" Sagot ni mommy.

"Dapat lang iyon dahil mali ang ginawa nya, Michelle! Kailan naging tama ang manakit ng iba? Kailan naging tama ang pananaksak sa kapwa?" Sigaw ni dad.

"Paano kung self-defense lang yun Miguel? Who knows kung mapanakit talaga ang anak mo sa labas!" Sigaw ni mommy.

"Hindi ko sya anak sa labas!" Sigaw ni dad.

"At sino? Si Nicolli? Miguel baka nakakalimutan mo, hindi natin tunay na anak si Nicolli. Anak sya ng kaibigan mong namatay!" Sigaw ni mommy na para bang isang bomba sa akin.

"Hindi natin tunay na anak si Nicolli."

"Hindi natin tunay na anak si Nicolli."

"Hindi natin tunay na anak si Nicolli"

Parang sirang plaka na paulit-ulit sa akin ang sinabi ni mommy. At ano daw? Anak ako ng namatay na kaibigan ni dad? Ibig sabihin, inampon nila ako? Paano nangyari yun?

Natabig ko ang vase na nasa tabi ko kaya naman napatingin sila sa direksyon ko. Halatang nagulat sila nang makita ako.

"Nicolli!" Pagtawag ni mommy sa pangalan ko pero hindi ko sya pinansin bagkus ay tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at ni-lock ang pinto.

"Akala ko.. Akala ko.."

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon