Chapter 13: Registration

252 7 0
                                    

QUEEN'S POV:

Kinabukasan ay maaga kaming nagising upang makapasok sa university ng maaga. Ngayon ang araw ng registration para sa buwan ng wika.

Excited naman kaming lima lalo na si Dhepriz. Pers taym nya rin kasing kakanta ng opm songs.

"Ano ba Dhepriz! Ang likot-likot mo naman! Umayos ka nga ng upp mo!" Pagrereklamo ni Kirsten habang nasa sasakyan na kami.

"Sorry okay? Excited lang ako!" Sagot sa kanya ni Dhepriz.

"Mukha nga. Ang likot-likot mo eh!" Sabi naman ni Louiz at nag-peace sign lang ang aming baby.

"Sino-sino kaya makakalaban natin?" Maya maya ay tanong ni Venice.

"Alam ko per department daw ang laban eh. Tig-tatatlo ang representative." Sagot ni Louiz.

Ang singing contest kasi na gaganapin ay may categories. May lalaban na soloist, duo at grupo. Kaya sa awarding ceremony, tatlong awards ang meron para sa singing contest. Ganon din naman ang sistema pagdating sa dance contest.

"OH. MY. GOSH." Bigkas ni Sigaw Princess nang makita kami sa entrance ng gym. Dito kasi gaganapin ang registration at kasalukuyang nandito rin ang grupo ni Steffi.

"OH MY GOSH TALAGA!" Panggagaya ni Dhepriz.

"Ang lakas naman ng loob nyong sumali sa contest. Hindi naman kayo magaling!" Sigaw nya na narinig ng mga taong nandito rin.

"Ang isang BEST GIRL GROUP, hindi magaling?" Mapang-asar na wika ko sa kanya. Nagtawanan naman ang mga nakarinig.

"Grr!" Inis na inis sya nang umalis sa harap namin. Sumunod naman sa kanya ang apat nyang mga kaibigan. Napatingin naman ako kay Kirsten na masama ang tingin sakin. I just pouted my lips. She sighed.

"Wow! Ang ganda mo talaga, Queen!" Rinig kong sabi ng isang tao mula sa gilid ko.

Its Dylan! I just smiled at him. Sumimangot naman ang boss nya. "Kapag kay Dylan mabait, sakin masungit." Bulong nya na rinig ko naman. Hindi ko na lang sya pinansin.

"Magreregister na kayo?" Tanong ni Dylan. Tumango naman ako bilang pagsagot.

"Talaga? Kami kasi kakatapos lang eh." Bigkas nyang muli.

"Tss. Tara na mommy, magpa-register na rin tayo." Rinig kong sinabi sakin ni Dhepriz at nauna na syang maglakad papunta sa harap kung saan magpapa-register. Mukhang nagseselos ang baby ko ah. Hahaha..

Muli akong ngumiti kay Dylan at naglakad na ako papalayo sa kanya. Sumunod na ko kala Dhepriz sa harap.

---------------

"Sorry Fallen Angels pero may nagpa-register na as a group sa department nyo. Kailangan kasi isang representative per category lang ang kukunin." Sabi ng facilitator na naka-assign sa registration for singing contest.

"Sa solo po tsaka duo, meron na po ba?" Tanong ni Kirsten sa ginang.

"Meron na kayong representative for duo, soloist na lang ang hinahanap natin." Sagot naman ng ginang.

"Ganon po ba?" Wika ko naman sa kanya at tumango lamang sya sakin.

"Ayaw nyo bang sumali sa dance contest? Wala pa kasing nagpa-register na grupo para doon." Tanong nya naman.

"Dance contest?" Tanong ng isang tinig sa utak ko.

Tumingin naman sa akin ang Angels na tila tinatanong nila kung pwede kaming sumali sa dance contest. "Sure, why not?" Sabi ko sa kanila. Tuwang-tuwa naman sila sa pagpayag ko.

"So sa dance contest na lang kayo, Fallen Angels?" Tanong sa amin ng ginang.

"Opo, maam." Sabay-sabay naming sagot. Ngumiti naman say bago nya inilista ang pangalan ng grupo namin sa listahan ng mga representatives.

Maya maya ay nagtanong si Louiz. "Maam pwede pong magtanong?"

"Nagtatanong ka na nga eh! Magtatanong pa." Kinontra naman sya ni Venice.

"Paki mo?" Sabi naman sa kanya ni Louiz. Haay.. Walang pinagbago tong dalawang pasaway na to.

Ngumiti naman ang ginang bago nagtanong, "Sige hija. What is it?"

"Hehe.. Ahm, sa tingin nyo po sino-sino ang makakalaban namin mula sa ibang department?" Halos pabulong na tanong ni Louiz. Halatang ayaw nyang may makarinig na iba.

"Well, hindi ko pa masasabi yan pero alam ko kasali ang grupo ni Ms. Fernandez. Taon-taon naman palagi silang kasali kahit na hindi nila nasusungkit ang titolo." Sagot ng ginang.

"Hmm. Okay maam. Thank you!" Pagpapasalamat ni Louiz with matching saludo pa. Napailing na lang ako sa kakulitan nya.

Ngiting-ngiti naman sya nang humarap samin. Mukhang alam ko na iniisip nito.

"Mukhang mas gaganahan tayong lumaban Angels." Sabi na nga ba! Sinadya nya talagang magtanong para malaman nya kung kasali sa dance contest ang grupo ni Steffi.

"Mikee Louiz Fajardo. Kung anuman ang nasa isip mo, itigil mo na. Ayoko na nang gulo." Sabi ko sa kanya ngunit ngumiti lang sya.

"Wala akong plano, Queen. I think mas exciting lang dahil makakalaban natin ulit sila. Hindi sa volleyball game kundi sa dance contest naman." Sagot nya pero hindi ako kumbinsido. Tiyak na mang-aasar lang yan. Knowing her? Palaasar yan eh.

"Hindi ako mang-aasar Queen. Promise!" Sagot nya na tila alam nya kung anong nasa isip ko kanina. Itinaas naman nya ang kanang kamay nya tanda ng pangako nya. "Mang-iinis lang!" Sabi nya sabay takbo palabas.

"Wala talagang pinagbago!" Komento ni Kirsten.

Noon kasi sa tuwing lalaban kami, palagi nya iniinis ang mga nagiging kalaban namin lalo na kapag ayaw nya sa mga ito. Mang-aasar sya at mang-iinis kapag ayaw nya sa ugali ng mga kalaban namin. Katulad ngayon, aandar na naman ang kapilyuhan nya lalo na't ayaw nya rin sa grupo ni Steffi.

"ANO BA?! HINDI TUMITINGIN SA DINADAAN! TATANGA-TANGA KASI!" Naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa lalaking sumigaw. Pagtingin ko ay si Skyleigh pala, isa sa Five Seasons.

"HOY MISTER! PARA SABIHIN KO SAYO, IKAW YUNG HINDI TUMITINGIN SA DINADAAN EH! ANG LAKI-LAKI NG DAANAN SA HARAP KO TALAGA IKAW DADAAN! TSAKA AKO? TATANGA-TANGA? BAKA IKAW! IKAW YUN!" Agaw pansin din naman ang babaeng kasagutan nya na napag-alaman naming si Louiz!

Agad kaming tumakbo papunta sa pwesto nila pero napatigil kami nang makita namin ang pagsampal sa kaibigan namin.

Tila lumabas ang tigre sa loob ko at sinugod ang babaeng sumampal kay Louiz. "HOW DARE YOU!" Sigaw ko sa kanya.

Mukha naman syang nagulat nang makita ako. "Q-queen.." Bigkas nya sa pangalan ko.

Tinignan ko ang buo nyong mukha at inisip ko kung sino ang babaeng nasa harap ko ngayon ngunit hindi ko maalala ang pangalan nya. Pero nasisiguro kong isa sya sa fans ng Five Seasons.

"Tama na yan. Umalis na nga lang kayo sa harap ko! Mga istorbo!" Napatingin naman akp sa taong dahilan nito. Its Skyleigh Trosh Mendez.

"What?!" Tanong nya sakin. Inirapan ko lang sya at tinuon ang atensyon ko kay Louiz. She's not crying nor showing her pain. Nakatingin lamang sya nang masama sa babaeng nanampal sa kanya.

"S-sorry." Sabi ng babae kay Louiz sabay takbo nang mabilis. Mukhang natakot kay Louiz, sama makatingin eh.

Humarap sya sakin at kita ko ang pamumula ng kanang pisngi nya. Hinaplos ko ito at napangiwi sya. Huminga ako nang malalim bago humarap kay Sky.

"What?" He mouthed as if he doesn't know what happened. Tinignan ko lang sya at inirapan bago kami umalis sa harap nya tulad ng gusto nya.

"Sama ng ugali!" Nais ko sanang sabihin ngunit hindi ko na itinuloy pa. Lumabas na lang kami sa gym at dumiretso sa comfort room para malagyan ni Kirsten ng ointment ang pisngi ni Louiz.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now