Chapter 34: Pagwawala

288 3 0
                                    

HIS POV:

Ilang araw na ang lumipas ngunit ngayon lang kami makakadalaw ng pamilya ko kay Macey sa ospital. Hindi ko alam kung ano nang nangyari kay Macey at hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon nya kapag nakita kami.

Papalapit pa lang kami sa kwarto ni Macey ay masama na ang tingin na binibigay sa amin ng mga kaibigan nya. Maging si Nanay Fe ay ganon din.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Nanay Fe na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa amin.

"Ahh.. Nandito kami para kamustahin si Macey, Nanay Fe." Sagot ni daddy.

"Himala at may pakialam ka pala kay Macey, Miguel! Nakakagulat iyon!" Sabi ni Nanay Fe.

"Nanay Fe naiintindihan ko kung ganyan ang reaksyon nyo, pero sana ho ay payagan nyo kaming makamusta ang anak ko." Sagot ni daddy.

"Anak? Hindi mo anak ang anak ko Miguel." Rinig kong sinabi ng isang tinig mula sa tikod namin.

"Angela anak ko si Macey." Sabi ni daddy kay Mrs. Aragon. Yes si Mrs. Aragon, ang mommy ni Macey.

"Hindi namin kayo kailangan ng anak ko kaya pwede na kayong makaalis." Sagot ng mommy ni Macey.

"Pero--" Agad na pinutol ni mommy kung ano man ang sasabihin ni daddy. "Tara na Miguel! Hindi natin kailangang mamilit kung ayaw nila." Sabi ni mommy.

Huminga nang malalim si daddy bago muling tumingin kay Mrs. Aragon. "Babalik na lang kami." Sabi nya rito. Aalis na sana kami ngunit nakarinig kami ng sigaw mula sa kwarto ni Macey.

Agad kaming naalarma dahil alam namin na si Macey mismo ang sumigaw. Pagkabukas ni Mrs. Aragon ng pinto ng kwarto ay nakita namin na nagwawala roon si Macey.

Nang makita nya kami ay agad nya kaming pinukulan ng masamang-tingin at mas lalo syang nagwala. Gusto sana naming lumapit pero pinigilan kami ni Nanay Fe. Sinabi nya na umalis na kami roon dahil hindi nakakabuti kay Macey kung nandoon kami.

Hindi ko maintindihan kung bakit at kung anong nangyayari kay Macey. Kahit na sinabi na ni Nanay Fe na umalis kami ay hindu namin ginawa bagkus ay nanatili kami sa loob at nakatingin sa kanila.

Nakita kong lumabas ng kwarto si Mrs. Aragon upang puntahan ang doktor. Ang mga kaibigan naman ni Macey ay nakapaligid sa kanya at hinarangan kami upang hindi kami makita ng kaibigan nilang nagwawala. Pinapakalma naman sya ni Nanay Fe pati na rin ni Kirsten.

Agad pumasok ang doktor na may kasamang dalawang nurse. Kasunod naman nilang pumasok si Mrs. Aragon. Kinausap ng doktor si Macey habang ang dalawang nurse naman ay nasa dalawang gilid at hinahawakan ang magkabilang braso ni Macey.

"Queen Macey.. You are strong, right? Kayang-kaya mo itong injection." Panimula ng doktor at tumango naman sa kanya si Macey.

"Listen, walang mananakit sayo rito my queen. You are safe here. Hindi ba iyan ang sinabi ko sayo. Habang nandito ka sa ospital ko, walang mananakit sayo." Sabi pa ng doktor.

"Hindi! Mali ka! Nandito sila! Sasaktan nila ako!" Sigaw ni Macey na nagpagulat sa amin ng pamilya ko.

"What is happening to you?" Pipeng tanong ko sa sarili ko.

"Sshhh.. Hindi ka nila sasaktan." Sabi ng doktor ngunit umiling lang sa kanya ang pasyente nya.

"Hindi! Sasaktan ulit nila ako! Gagawin ulit nila iyon!" Sigaw ni Macey at tumingin sya sa kanyang ina. "Mommy! Paalisin mo sila! Sasaktan nila ako! Mommy please." Sabi nya rito.

Tumingin sa amin si Mrs. Aragon at sinenyasan na umalis na kami roon. Naunang naglakad palabas si mommy na sinundan ni Steffi. Nanatili naman si daddy sa pwesto nya at nakatingin lamang sa anak.

"Miguel, please." Pakiusap sa kanya ni mommy. "Hayaan mo munang makapagpahinga si Macey." Sabi nya pa.

"Hindi ako aalis." Sagot ni daddy. Nanatili syang nakatingin kay Macey na masama ang tingin sa kanya.

"Miguel. Umalis na muna kayo, nakikiusap ako." Mrs. Aragon pleaded.

"Hindi ako aalis Angela! Dito lang ako!" Naiinis na sagot ni daddy.

Nagulat naman kami nang magsimulang umiyak si Macey. "Inaaway mo na naman ang mommy ko! Wala ka nang ginawa kundi awayin sya! Simula nang bata pa ako, yan na ang ginagawa mo!" Sigaw nya.

Agad na lumapit si Mrs. Aragon sa anak at pinatahan ito. Humarap naman si Macey kay Kirsten. "Kirsten.. Please paalisin mo na sila. Inaaway ni Mr. Reyes ang mommy ko. Kirsten.." Pakiusap nya sa matalik na kaibigan.

Lumapit si Kirsten sa kanya at pinunasan ang pisngi nya. "Sige kung yan ang gusto mo. Basta magpahinga ka muna ha?" Sabi ni Kirsten kay Macey. Kasabay niyon ay ang pagturok ng doktor ng pampatulog kay Macey.

Nang maiayos na sa pagkakahiga si Macey ay lumabas na kaming lahat sa kwarto nya upang makapagpahinga sya nang maayos.

Humarap si daddy kay Mrs. Aragon at kinausap ito. "Angela anong nangyayari sa anak natin? Bakit ganon ang reaksyon nya nang makita kami? At ang pagtawag nya sa akin.."

"Mr. Reyes.." Pag-ulit ko sa sinabi ni Macey kanina.

"Bakit ako ang tinatanong mo nyan, Miguel? Sa tingin mo, anong ginawa nyo para magalit sya sa inyo? Hindi ba't pinagbintangan nyo sya noon? Hindi ba't pinakulong nyo sya noon? Hindi ba't trinaydor at niloko nyo ang anak ko? Now tell me, anong dahilan kung bakit sya nagkaganon?" Prangkang pagkakasabi ni Mrs. Aragon.

"Umalis na kayo. Mas lalala ang kundisyon ng anak ko kapag nakikita nya kayo." Sabi nya pa bago sya muling pumasok sa kwarto ni Macey. Sumunod naman sa kanya si Nanay Fe. Samantala, naiwan naman sa labas ang mga kaibigan ni Macey.

Humarap sa amin si Kirsten at sinabing mas magandang umalis na kami. Hindi ko sila maintindihan. Hindi ko alam kung bakit pilit nila kaming pinapaalis samantalang gusto naming manatili rito.

Hindi ko napigilang tanungin kung anong dahilan nila at kanina pa nila kami pinapaalis. Nung una ay umiwas sya ng tingin ngunit nang kulitin ko sya ay sinabi nya na rin.

"Ayaw lang talaga ni Queen na makita kayo. Intindihin nyo na lang sana. Mas mabuting wag na muna kayong magpakita sa kanya. At least hanggang sa maka-recover sya." Sagot nya nang  hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Umalis na kayo." Sabi naman ni Louiz. At sabay-sabay silang apat na pumasok sa kwarto ni Macey.

Wala kaming nagawa kundi ang sundin sila. Hinawakan ni Steffi ang braso ko nang mapansin ang maya't-mayang pagtingin ko sa pinto ng kwarto ni Macey. "Tara na, Nicolli." Pag-aya nya sa akin. Huminga ako nang malalim bago sumunod sa kanila.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now