Chapter 19: Tala

207 9 0
                                    

QUEEN'S POV:

Its already 7pm ngunit hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang dance contest. Mabuti naman at hindi pa pagod ang aming mga manonood dahil kanina pa kaming umaga nagsimula.

Nasa group category na kami at kasalukuyang nagpe-perform ang ika-walong representative. Isang grupo na lamang ay kami na ang susunod.

Lahat naman ng nakapag-perform na ay nasa labas at nanonood katulad ng mga kasama nila sa kanya-kanya nilang departamento.

Ang grupo namin ang naiwan dito sa back stage pati na ang grupo ni Steffi. Sila ang pang-syam na magpe-perform.

Ang akala ko ay hindi aandar ang kapilyuhan ni Louiz ngayong araw ngunit nagkamali ako dahil nang-aasar na sya ngayon. Inaasar nya ang grupo ni Steffi, hindi naman sya pinapansin ng mga ito maliban na lamang kay Steffi.

"ANO BA?! KANINA KA PA AH! INAANO KA BA?!" Sigaw ni Steffi kay Louiz.

O diba? Si Steffi lang ang pumansin sa kapilyuhan ng kaibigan ko. Hindi naman tumigil sa pang-aasar si Louiz kaya inis na inis sa kanya si Steffi.

"Anong tawag dyan sa damit nyo? Two piece? Mga ateng, dance contest ang sinalihan nyo at hindi beauty contest!" Patuloy na pang-aasar ni Louiz.

Ang damit kasi nila Steffi ay mukhang two piece dahil sa ikli ng mga ito. Halos makitaan na sila sa suot nilang damit na pang-ibaba. Maikling short at sandong hanggang tyan ang suot nila. Pinartneran nila ito ng sandals na may taling mahaba. Ipinupulupot ang tali paakyat sa binti nila.

"KESA NAMAN SA INYO! MUKHA NGA KAYONG MARIA CLARA SA SOBRANG HABA NG DAMIT NYO!" Pagganti ni Steffi sa pang-aasar sa kanya. Hindi naman na sumagot si Louiz bagkus ay biniletan nya lamang si Steffi.

"TSS! PARANG--" Napatigil si Steffi sa sasabihin nya nang tawagin ng MC ang pangalan ng grupo nila.

Tumingin nang masama sa amin si Steffi bago sya sumunod sa mga kaibigan nya. Biniletan lang ulit sya ni Louiz.

Humarap sa amin si Louiz bago sya nagsalita. "Ang sarap nyang asarin! Hahaha." Sabi nya. Umiling lang kami dahil sa kapilyuhan nya.

"Panoorin natin sila!" Pang-aaya nya at nauna nang sumilip sa stage. Sumunod naman kami sa kanya ngunit napatigil kami nang marinig namin ang kantang itinutugtog ngayon.

Nagkatingin kaming lima saka nagmadaling panoorin sila Steffi. Nagulat kami dahil maging ang steps ay gayang-gaya nila. Nahagip ng mata ko si Steffi na nakatingin at ngumisi sa akin.

Rinig naman namin mula dito ang sigawan ng mga kaklase namin lalo na ang mga nakapanood ng practice namin. "GAYA-GAYA! GINAYA NILA ANG KANTA NILA QUEEN!" Sigaw nila ngunit hindi sila pinansin nila Queen.

Umalis kami doon at bumalik sa dati naming pwesto. Nagkatinginan kaming lima. "What's our plan? Ano ang gagawin natin?" Tanong ni Kirsten.

Tumingin ako sa kanya bago sumagot. "Remember what we did before during our first performance?" Tanong ko sa kanya.

"You mean noong duo pa lang tayo?" Tanong naman nya at tumango ako. Sinabi nya naman sa tatlo kung anong plano. Lumabas naman ako upang pumunta sa DJ at binulungan sya.

"Akala mo matatalo mo ko, Steffi? Hindi nadadaan sa pandaraya ang tagumpay!" Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ako pabalik kala Kirsten.

Pagkadating ko roon ay nakangiti silang apat sa akin. "Okay na?" Pagtatanong ko at tumango sila.

"Kaya natin ito!" Sabi ko sa kanila bago kami nagyakapan at sumisigaw naman sila ng 'fighting!'.

"Fighting? Nakakatawa kayo!" Sabi ni Steffi dahilan ng pagbitaw namin sa yakap. Halatang nang-iinis sya pero hindi kami magpapatalo sa kanya.

"Mas nakakatawa ka. Halatang hindi mo kami matalo talo kaya nanggaya ka na lang ng kanta." Pang-aasar ko rin sa kanya bago kami umakyat sa stage dahil tinawag na kami ng MC.

Iniwan namin sya dun na naiinis. Ayoko nang dinadaya ako pagdating sa mga laban na katulad nito. Hinawakan naman ni Kirsten ang kamay ko para pakalmahin ako. Huminga ako nang malalim bago ako ngumiti sa kanya.

"Palakpakan nating lahat ang Fallen Angels!" Huling sinabi ng MC bago kami pumwesto. Nagulat naman ang lahat nang walang musika ang tumutugtog. Ito ang sinabi ko sa DJ kanina, hindi nya papatutugtugin ang kantang ginaya ni Steffi.

Inabutan kami ng mic at nagsimula kaming kumanta nang walang musika habang may ilang pagsayaw kaming ginagawa. Pintig ng mga puso namin ang naging musika namin. Sa umpisa ay walang kibo ang mga manonood. Halatang hindi sila makapaniwala sa napapanood nila. Ngunit habang tumatagal ay nagsigawan na rin sila na ang ibig sabihin ay nag-eenjoy sila sa performance namin.

Pinatugtog naman ng DJ ang instrumental part ng kantang 'tala'. Naghiyawan ang lahat dahil nagsimula na ang matinding pagsayaw namin. Lalo na ang mga kasama namin sa department namin.

"GO FALLEN ANGELS!"

"WOOOH ANG GALING NYO TALAGA!"

"FALLEN ANGELS! FALLEN ANGELS!"

Pagkatapos ng instrumental part ay hininto na ng DJ ang pagtugtog sa kanta katulad ng sinabi ko sa kanya. Ipinagpatuloy naman namin ang pagkanta at pagsayaw hanggang sa natapos na ang on-the-spot performance namin.

Muling nagsigawan ang lahat dahil sa naging performance namin. Magpapahuli ba ang mga ka-department namin? Syempre hindi. Tumayo silang lahat at isinigaw ang pangalan ng grupo namin habang winawagaygay nila ang cartolina na para sa amin. Ang ilan naman sa kanila ay pinapaingay ang hawak nilang mga bote.

Pumalakpak naman ang MC bago sya nagsalita. "That was a wonderful performance from Fallen Angels! Wala akong masabi sa galing nyo! Isa talaga kayong best girl group."

"Thank you po." Saba sabay naming pagpapasalamat sa papuri nya.

"Gusto ko lang itanong Fallen Angels, anong nangyari sa kanta nyo? Ano yun, planado ba yun o biglaan lang? Kasi lahat kami dito ay nagtaka kung bakit walang tugtog." Pagtatanong ng MC.

"Biglaan sya dahil nagkaproblema kami. Actually on the spot ang ginawa namin dahil ayaw naming manggaya tulad ng iba." Pagsagot ni Kirsten.

Nakita ko namang nanggigigil si Steffi. Siguro kung hindi sya hawak ng mga kaibigan nya ay baka sinugod na nya kami. Ngumisi lang ako sa kanya nang magtagpo ang mga mata namin.

"Wow! On the spot? Pwede nyo bang sabihin kung anong naging problema at hindi nyo nagawa ang nirehearse nyo?" Tanong pa ng MC.

"NANGGAYA NG KANTA ANG NAUNANG GRUPO KANINA!"

"KAYA NGA! HINDI LANG KANTA YUNG GINAYA NILA PATI NA RIN YUNG CHOREOGRAPHY GINAYA!"

"INGGITERA KASI KAYA NANDAYA!"

Bago pa man ako makasagot ay naunahan na ako nina Sandra sa pagsagot. Mukha namang nagulat ang lahat dahil sa isinigaw nilang tatlo. Bago pa magkaproblema ay nagsalita na ako.

"Lets put it this way. Hindi magtatagumpay ang sinuman dahil lang sa pandaraya. Yun lang. Gusto naming magpasalamat sa DJ natin dahil nagawa nya yung napagkasunduan natin. Marami ding salamat sa lahat ng pumalakpak at naghiyawan kanina." Sabi ko na lang bago kami bumaba sa stage at bumalik sa likod.

Sinalubong naman kami ng Five Seasons. Agad nangunot ang noo ko dahil nandito sila sa back stage.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanila ngunit hindi sila sumagot. Niyakap naman ako bigla ni Nicolli na itinulak ko rin palayo sa akin.

"Anong ginagawa nyo dito?" Muli kong tanong sa kanila.

"We are checking if you're okay." Sagot ni Nicolli.

"Okay lang kami. No need to worry." Mahinang sambit ko.

"I know you're not." Sabi nya sabay bigay sa akin ng ice cream. Pagkatapos ay lumabas na sya kasama ang mga kaibigan nya.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now