Chapter 16: Buwan ng Wika

219 6 0
                                    

"BA BA BA!"
"EDUC EDUC EDUC!"
"HRM HRM HRM!"
"CRIMINOLOGY FOR THE WIN!"
"TOURISM WOHHH!"
"FASHION AND ARTS IS THE BEST!"

Ilan lamang iyon sa mga sigawang narinig namin nang pumasok kami sa loob ng gym. Sobrang daming estudyante ang narito at sinusuportahan ang kanilang representatives.

"Fallen Angels! Dito oh." Sigaw ng isang babae sa amin at pinapalapit kami sa pwesto nila.

Lumapit naman kami at umupo sa limang vacant seats. Nilibot ko ang paningin ko at dito pala ang pwesto ng department namin. Ang ilang ka-department namin ay may hawak na cartolina. Ang ilan naman ay may hawak na bote na ginagamit nila na pampaingay.

Ganito pala kapag sinusuportahan mo ang mga estudyante. Hindi kasi namin naranasan ang ganito na kami mismo ang fans. Nakakatuwa naman :)

"Grabe ang tagal magsimula!"

"Oo nga! Kanina pa tayo dito eh."

"Filipino time!"

Mga reklamo ng mga kasa ma namin dito. Tinignan ko ang suot kong wrist watch at inalam kung anong oras na. Mahigit kalahating oras ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagsisimula ang program.

Halos isang oras rin ang hinintay ng lahat bago nagsimula ang program namin. "Good day students of Royalty University! Sorry for making you guys wait. Pero ang importante ay magsisimula na tayo. Excited na ba kayo?"

Nang dahil sa sinabi nya ay naghiyawan ang lahat ng estudyante. Hindi halatang excited sila. "Hoooo! Magsimula na tayo!"

"Oo nga kanina pa kami dito!"

"Excited na kami!"

Napailing na lang kami ni Kirsten nang marinig namin ang pagsigaw nina Venice, Dhepriz at Louiz. Napatawa lang naman ang ilan sa mga kasama namin.

"I guess excited na kayong lahat. At dahil dyan, sisimulan na natin ang program! But before that, let's all rise for our opening prayer." Sabi ng MC sa harap bago kami tumayo at nagdasal para sa ikakaayos ng buong programa.

"To begin with, let us all welcome the one who created this wonderful university. She's the one whose behind the success of our school, Mrs. Angela Aragon! Please give her applause." Pagpapakilala nya sa may-ari ng school namin bago nya ibinigay dito ang hawak na mic.

Ngumiti sya nang matamis bago nagsalita. "Welcome students sa ating taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Excited na ba kayo?" Naghiyawan naman ang mga mag-aaral dahil sa sinabi nya.

"Balita ko ay maganda ang pagdiriwang natin ngayong taon dahil sa mga bagong estudyante na excited na para sa laban nila..

Masaya ako dahil naipapakita natin ang halaga ng wikang pilipino sa pamamagitan ng pagdiriwang na katulad nito. Kahit na nga ba ang karamihan sa inyo ay puro wikang ingles ang gamit. Ang ilan naman ay tag-lish..

Sa pagdiriwang natin ng Biwan ng Wika ay sana naipaparating namin sa inyo ang simpleng mensahe. Ang paggamit nating lahat ng Filipino. Ang sarili nating wika. Umaasa ako na darating din ang araw na puro Filipino na ang gamit nyong lenggwahe tuwing kayo ay nakikipag-usap mapa-personal man o sa pamamagitan man ng teknolohiya..

Maraming salamat at magandang araw!" Pagkatapos nyang magsalita sa harap ay bumaba na sya sa stage at lumapit sa ibang propesor.

Samantala, muli namang nagsalita ang MC, "Isa iyong napakagandang mensahe mula sa may-ari mg ating paaralan. Muli natin syang palakpakan." At tulad ng sinabi nya ay pumalakpak kaming lahat.

Sang-ayon ako sa sinabi nya. Tila nakalimutan na ng karamihan na mayroon tayong sariling wika na maaaring gamitin. Masyado nating ginagamit ang wikang ingles sa pakikipagtalastasan lalo na ang mga kabataan ngayon.

Hindi rin naman narin sila masisisi dahil mula pagkabata ay ingles na ang gamit nila dahil ito ang itinurong lenggwahe sa kanila. Mas nauna silang magsalita ng ingles kaysa sa pilipino.

Para kasi sa karamihan ay maganda ito at sa tingin nila ay nakaaangat sila kapag magaling silang mag-ingles. Nakalimutan na nila ang pagsalita sa wika natin.

Para sa akin ay mas magandang matutunan muna nating magsalita ng sarili nating wika kaysa sa banyagang lenggwahe. Maaari naman tayong mag-ingles ngunit dapat sanay pa rin tayo sa wika natin.

"Nais ko sanang ipaalam sa lahat na hindi makakarating ngayong araw ang ating dean dahil sa personal na rason. Muli, handa na ba kayo royalties?" Pagtanong ng MC sa lahat. Royalties ang tawag sa lahat ng estudyante ng Royalty University.

"Kanina pa! Ang kulit mo naman eh!" Sigaw ni Dhepriz. Nagtawanan naman ang mga nakarinig. Nag-pout lang sya.

"Sisimulan na natin ang programa in 3 2 1.." Pagkasabi nya nun ay may tumugtog nang musika hudyat na nagsisimula na ang programa namin.

Nagtilian naman ang lahat ng mga babae nang makitang lumabas at sumasayaw ang Five Seasons. Hindi ko alam kung anong kanta ang tumutugtog pero masasabi kong nagpadagdag iyon sa tilian ng mga babae dito.

"In fairness, magaling sumayaw si yabang." Rinig kong sinabi ni Louiz.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Magaling talaga sya. Ako ang nagturo sa kanya." Sabi ko sa kanya na naging dahilan ng paglingon nya sa akin.

Mukhang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. "Talaga, Queen?" Tanong nya pa at tumango ako bilang sagot.

"Magkasama kaming nag-aaral kung paano sumayaw kaya lang may mga panahon na tumitigil sya. Noon hindi ko alam kung bakit pero simula nang malaman ko ang rason nya, tinuro ko sa kanya yung mga natutunan ko noong wala sya." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Lumungkot naman ang mukha nya.

"Katulad nang ginawa mo sa kapatid ko nung nagsisimula pa lang sya." Nang sinabi nya yun ay nagsimulang tumulo ang mga luha nya. Agad ko itong pinahid at ngumiti ako sa kanya.

"Kung nasan man sya ngayon, alam kong proud na proud sya sayo dahil itinuloy mo ang pangarap nya." Sabi ko sa kanya bago nya ko niyakap.

"Alam kong masaya sya dahil tinupad mo ang pangarap ng kapatid mo. Kahit na ang kapalit ay pagkalimot mo sa sarili mong pangarap." Sabi ng isang tinig sa isip ko bago ako ngumiti.

Bumitaw naman sya sa yakap at humarap sakin nang nakangiti. "Miss na miss ko sya, Queen. Miss na miss ko na ang kambal ko." Sabi nya pa.

"I know. At alam ko ring miss na miss ka na rin nya at mahal na mahal ka nya Louiz kaya huwag ka nang malungkot, okay?" Wika ko sa kanya. Niyakap naman sya ni Venice na katabi nya lang rin.

Mula nang mawala ang kakambal nya, si Venice na ang naging kapatid nya. Magka-ugali kasi sila ng kapatid ni Louiz, pala-kontra.

Humarap naman kami at nanood na lamang ng balagtasan.

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon