Chapter 25: Propose

246 8 0
                                    

QUEEN'S POV:

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay buwan na ng Setyembre. Ngayong araw ang unang araw ng pagdiriwang ng pasko dito sa pilipinas kaya naman excited na excited ang mga kaibigan ko.

At dahil malapit na ang pasko, mayroong pakulo sa eskwelahan na pinangungunahan ng Red Ribbon Committee. Isang organisasyon na naglalayong paibigin ang dalawang tao.

Kapag may estudyanteng nais ihayag ang kanyang nararamdaman para sa isang babae o lalaki, ang nasabing organisasyon ang tumutulong sa kanya at gumagawa ng paraan upang magkatuluyan ang dalawang nag-iibigan.

Masasabing daan ito upang magkatuluyan ang dalawang tao. Ngunit tuwing ber-months lamang ito dapat gawin kaya maraming magkakasintahan ang nagdiriwang ng kanilang anibersayo tuwing ber-months.

Mayroong nagkakatuluyan pero meron ding hindi. Mayroong nagkakatuluyan ngunit pagkalipas ng ilang linggo o buwan ay naghihiwalay din katulad ng nangyari sa-- ah nevermind!

"Queen mukhang may pakulo ah." Maya maya ay sabi ni Dhepriz.

"For lovers only? Weird." Komento naman ni Louiz.

"Panoorin natin dali!" Pang-aaya ni Dhepriz saka sya tumakbo papunta sa kumpulan ng mga estudyante.

Nauna kaming sumunod sa kanya ngunit napansin kong hindi pa rin umaalis sa pwesto nya si Kirsten. Lumapit ako sa kanya at hinila ang kamay. Nagulat naman sya dahil sa ginawa ko ngunit nang mapansin nyang ako ang humila sa kanya ay bigla na lang syang ngumiti.

Hindi pa kami nakakalapit sa kumpulan ng mga tao ay may nakamaskarang lalaki ang humila sa akin. Nabitawan ko tuloy si Kirsten. Nakarating kami sa field kung saan mayroong kumpulan ng mga tao.

Binitawan ako ng taong nakamaskara saka ako iniwan sa bandang gitna. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na halatang naguguluhan sa nangyayari. Naririnig ko naman ang sigawan at tilian ng mga estudyante lalo na nang lumabas ang taong may pakana nito.

"GO NICOLLI! KAYA MO YAN!"

"NICOLLI! WAHHHH! MAGIGING SUCCESSFUL 'TO!"

"SABI NA NGA BA MAY GUSTO SI PRINCE NICOLLI KAY QUEEN EH!"

Ilan lamang yan sa mga sigaw ng mga tao. And you heard it right, it's Nicolli. He smiles widely lalo na nang mapansin ang pagkagulat sa mukha ko.

Tumikhim muna sya bago nagsalita, "Ma-- Queen. I know alam mo kung anong nangyayari. In fact, dapat noon ko pa ito ginawa pero maraming nangyari kaya na-post pone. It doesn't matter anyway. Ang importante ay ang ngayon." Pagsisimula nya. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba lalo na nang marinig ko ang sunod na sinabi nya.

"Queen. I really like you. No scratch that, I LOVE YOU! WILL YOU BE MY GIRL?" Tanong nya na naging dahilan ng tilian at sigawan.

Noon kapag naiisip ko na maaaring mangyari ulit ito, hindi ako kinakabahan o ano. Pero ngayong nandito na ako sa sitwasyon, halo halo na ang nararamdaman ko. May nagsasabi sa loob ko na sumagot ng oo pero meron ding nagsasabing i-reject ko sya.

"YES! YES! YES!"

"ANSWER HIM YES!"

"OO NA! SI PRINCE NICOLLI YAN QUEEN!"

Rinig kong sinisigaw ng karamihan ngunit hindi yun ang napansin ko.

"WHAT'S THE MEANING OF THIS?!" Sigaw ng isang tao na malaki ata ang galit sa akin.

Niyakap ako ni Nicolli nang pinagpapalo ako ni Steffi ng bag nya. Si Nicolli ang sumalo sa lahat ng palo. Nagkagulo naman ang mga estudyante at nagsigawan.

"STEFFI ANO BA?!" Sigaw ni Nicolli na syang nagpatigil kay Steffi sa pagpalo sa amin ng bag nya.

"WHY?! IKAW, ANONG PROBLEMA MO?! YOU ARE PROPOSING TO THIS BITCH KAHIT AKO ANG GIRLFRIEND MO!" Sigaw nya na rinig ng lahat at dahil dito ay nagbulungan sila.

"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT, STEFFI?! YOU.ARE.NOT.MY.GIRLFRIEND! UNDERSTAND THAT?!" Sigaw ni Nicolli habang nakaakap sa akin ang isang braso nya.

Nagsimula namang umiyak si Steffi na dinamayan ng mga kaibigan nya. "ANO PA BANG KULANG? GINAWA KO NAMAN ANG LAHAT, KAHIT ANG GUSTO MO GINAWA KO! KAHIT LABAG SA KALOOBAN KO GINAWA KO PA RIN KASI MAHAL KITA! TAPOS ITO LANG ANG IGAGANTI MO SA AKIN?!" Tanong nya kay Nicolli.

"DUMATING LANG YAN NAGBAGO KA NA! HAHAHA! AY MALI PALA! SIMULA NANG MAWALA SYA, NAGBAGO KA NA! WALA KANG UTANG NA LOOB! KUNG HINDI DAHIL SA AKIN AT KUNG HINDI MO KO INUTUSAN, HINDI KAYO MAGHIHIWALAY!" Sigaw ni Steffi bago sya tumakbo palayo. Sinundan naman sya ng mga kaibigan nya.

Yung sinabi nya, it rang a bell. Ngayon naiintindihan ko na ang pinupunto nya. Kahit ako naguluhan dahil alam ko sya ang girlfriend pero anong nangyari?

Tinignan ko si Nicolli at umiwas sya ng tingin. Hinawakan ko ang mukha nya upang iharap sa akin. "Totoo ba? Sabihin mo, inutusan mo lang ba si Steffi para gawin yun?" Tanong ko sa kanya.

"NICOLLI!" Sigaw ko sa pangalan nya nang hindi sya sumagot sa tanong ko.

"ANSWER ME!" Sigaw ko pa sa kanya. Unti unti syang tumango bilang pagsagot sa tanong ko.

"All this time, akala ko.. Akala ko.."

"Macey.. I'm sorry.. Pinakiusapan ko si Steffi para magpanggap noon. Hindi ko alam na aakalain nyang mahal ko sya at hindi ko alam na mahal nya ako." Paliwanag nya habang nakahawak sa dalawa kong kamay.

Umiling ako bago ko hinatak ang mga kamay ko at tumakbo paalis. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mapagod ako. Dinala ako ng mga paa ko sa wishing well malapit sa garden.

Umupo ako sa grass at doon ko binuhos lahat ng luha ko. Paano nila nagawa iyon? Paano nila nagawang lokohin ako? All this time, kinamumuhian ko sya dahil sa ginawa nya sa akin noon. Pero ngayon ko lang nalaman na inutusan pala sya para gawin yun.

Ilang taon akong nagalit sa kanya at tinapon ko ang pagkakaibigan namin noon. Mahigit limang taon na ang lumipas pero ngayon ko lang nalaman ang side nya.

"Nag-enjoy ka ba sa napanood mo?"

"Yun naman pala hon eh! Tapos na kayo. Magiging legal na tayo sa mom mo!"

"Kahit anong mangyari, ipagtatanggol kita Macey."

"Parang kapatid na kita kaya mahal na mahal kita, Macey."

Iniling iling ko ang ulo ko upang mawala ang mga tinig na nagmumula roon. Humiga ako sa damo at ipinikit ko ang mata ko. Hindi ko namalayang nakatulog ako ngunit bago ako mapunta sa dreamland, may tinig akong narinig.

"Mahal na mahal kita Macey, pero mas mahal ko si Nicolli kaysa sayo. Kaya pasensyahan na lang, hindi ako magpapatalo sayo."

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now