Chapter 26: Her side

249 7 0
                                    

HER POV:

"Mahal na mahal kita Macey, pero mas mahal ko si Nicolli kaysa sayo. Kaya pasensyahan na lang, hindi ako magpapatalo sayo." Sabi ko sa natutulog na babae dito sa garden.

Muli ko syang pinagmasadan. Hindi mo aakalaing sya ang freak na tinatawag ng karamihan noon. Hindi mo rin aakalaing sya ang matalik kong kaibigan noon na si Macey. Malaki na ang nagbago sa kanya. Ni hindi ko nga sya nakilala kahit na sabihing ako ang mas nakakakilala sa kanya.

Hinaplos ko ang buhok nya tulad ng ginagawa ko noon kapag natutulog sya sa kwarto ko noon. Hindi naman nawala sa pansin ko ang suot nyang kwintas at napangiti ako dahil doon. Hanggang ngayon pala ay nasa kanya pa rin yan.

"Queen! Nasaan ka na ba?" Rinig kong tinig mula sa malapit. I bet isa yun sa mga kaibigan nya.

Muli ko syang tinignan bago ako nagsalita, "I'll always love you, Macey." Pagkasabi ko nun ay nagmadali na akong umalis sa pwesto nya at nagtago ako sa trunk ng isang puno.

Mula rito ay kitang kita ko ang nag-aalalang mukha ng kaibigan nya. I think its Kirsten. Dali-dali itong tumawag sa cellphone nya. Siguro upang ibalita na nakita na nya si Macey.

Nagulat ako nang maramdamang may tao sa likod ko at hinawakan ang balikat ko. Lumingon ako rito at nalaman kong si Jessica pala.

"Tara na Steffi, baka makita ka pa nila rito." Sabi nya sa akin na agad ko namang sinunod. Muli kong tinignan si Macey at nakita kong buhat buhat sya ng isang lalaki.

----------------

Dim lights. Loud music. Girls flirting men. Yan ang bumungad sa amin nang makapasok kami sa The Bar. Regular customers kami dito kaya walang kaproble-problemang nakapasok agad kami dito sa loob.

Umakyat kami sa second floor kung saan matatagpuan ang vip rooms. Pumasok kami sa isang kwarto na sadyang kami lang ang gumagamit. Masasabing malakas kami sa owner nitong bar kaya ganon.

Umupo ako sa kama habang hinahanda ng mga kaibigan ko ang mga alak na in-order namin kanina. Kanya kanya naman silang upo pagkatapos nito.

Nagsalita naman si Sarah habang nagsasalin ng alak sa baso nya. "What's your plan, Steffi? Hahayaan mo na lang ba na maagaw ng bitch na yun si Nicolli sayo?" Sabi nya bago nya ininom ang alak.

Tinignan ko sya nang masama bago ako sumagot. "Don't call her bitch, Sarah. She's still Macey." Sagot ko sa kanya saka ako nagsalin ng alak sa baso ko.

Mukha naman silang nagulat dahil sa sinabi ko. Anong nakakagulat doon? Nga pala, hindi nila alam na si Macey at Queen ay iisa.

"She's Macey? As in Macey?" Tanong ni Ciara at sinagot ko sya ng pagtango.

"Oh my gosh! As in, sya talaga yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Clara.

"Paulit ulit? Oo nga eh!" Sagot ni Jessica.

"Wait, you knew?" Tanong naman ni Sarah at tumango naman si Jessica bilang pagsagot.

"So ibig sabihin, kaming tatlo na lang ang hindi nakakaalam? How could you! Ni hindi nyo man lang sinabi sa amin?" Pagdadrama ni Sarah.

Hindi na lang namin sya pinansin at kanya kanya na lang kaming inom ng alak. Naagaw naman ng pansin ko ang tanong ni Ciara.

"What's your plan now? Ngayon pa na si Macey na ulit ang karibal mo?" Tanong nya. Lumipas ang ilang segundo bago ako nakasagot.

"Lalaban pa rin ako tulad ng dati. Napaalis ko nga sya noon, ngayon pa kaya?" Sagot ko.

Tinignan naman ako ni Jessica nang masama. Halatang nagtitimpi sya. Para saan naman? May mali ba kong sinabi?

"Seriously? Steffi she's your friend! Hahayaan mo na naman ba na tuluyan kayong masira dahil lang sa isang lalaki?" Panenermon nya sa akin.

Hindi naman ako nakapagsalita tulad ng tatlo pa naming kaibigan. Maya maya ay nahanap ko na ang dila ko.

"Matagal nang sira ang pagkakaibigan namin ni Macey, Jessica. At alam mo yan. Kaya ano pang masisira kung wala nang masisira?" Sagot ko sa kanya bago ko tinungga ang isang bote ng alak.

Bumuntong hininga sya at umiling iling bago nagsalita. "Nagbago ka na rin katulad nya." Sabi nya bago nya nilandas ang daan paalis. Nagkatinginan naman ang tatlo saka uminon na rin ng alak.

Kung makakalimot ako kahit saglit lang nang dahil sa alak ay uubusin ko ang lahat ng alak na makikita ko. Pero kahit lasing na ako ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi nya noon. Hanggang ngayon tandang tanda ko pa kung paano sya nakiusap sa akin noon.

=====Flashback=====

"Steffi please. Do me a favor." Sabi ni Nicolli sa akin pagkatapos naming kumain ng hapunan.

"What do you want me to do ba?" Naiinis na tanong ko sa kanya dahil buong araw nya akong kinukulit tungkol dyan sa favpr nya.

Ngiting tagumpay naman sya bago humarap sa akin. "Please pretend that we are having an affair. Para makipaghiwalay sa akin si Macey." Sabi nya.

Hindi agad ako nakapagsalita at halatang nagulat ako dahil sa sinabi nya. Agad akong nabuhayan ng loob dahil sa wakas ay nagising na rin sya sa katotohanan na hindi nya mahal si Macey.

"Why? I thought you love Macey. Was it because of mom?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko naman pinahalatang masaya ako dahil gusto na nyang makipaghiwalay kay Macey.

"Its none of your business. Just pretend that you love me. Ako na ang bahala sa iba." Sabi nya bago sya umalis sa harap ko.

"But I love you Nicolli." Nais ko sanang sabihin ngunit hangin na lang ang tanging nakarinig.

Umakyat ako sa kwarto ko at naabutan kong tulog na si Macey. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok nya. Mukhang nagdadalawang isip na ako kahit na ba gusto ko ang pinapagawa sa akin ni Nicolli.

I love Nicolli. Isang sikreto na hindi ko magawang ibahagi kay Macey. Alam kong masasaktan sya dahil mahal na mahal nya si Nicolli. Pero mahal ko rin ang lalaking mahal nya.

"Steffi listen. Kapag nagawa mo silang paghiwalayin, pwede na kayo ni Nicolli. Isn't exciting?" Sabi ng isang tinig sa utak ko.

"Anong exciting dun? Sasaktan nya lang ang kaibigan nya no!" Pangongontra naman ng konsensya ko.

Huminga ako nang malalim bago humiga sa kama katabi si Macey. Niyakap ko sya nang mahigpit na para bang huling yakap ko na ito sa kanya.

Kinabukasan ay nagawa ko na ang isang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli. Nagawa kong sundin ang gusto ni Nicolli kahit na alam kong lubusan kong nasaktan ang kaibigan ko.

=====End of flashback=====

Pinahid ko ang mga luhang naglandas mula sa mga mata ko. I know this day would come. Alam kong babalik sya na syang kinatatakutan ko.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now