Chapter 17.2: Louiz' past

210 8 0
                                    

LOUIZ' POV:

Simula nang mawala si Micah ay simula na rin ng pagbabago ng buhay ko. Napagdesisyunan ni tita Angela na ampunin ako. Kahit na tutol ako ay wala na akong nagawa. Kahit na legally adopted nya ako ay gamit ko pa rin ang apelyido ko, ang Fajardo.

Pinahinto na rin nya ako sa pagtatrabaho ko sa fast food chain. Nagsimula na rin akong pumasok sa company na humahawak kay Queen at nag-train ako.

Katulad ng ipinangako ko sa kapatid ko, unti unti kong inaabot ang pangarap nya. Kahit na ang ibig sabihin nito ay ang pagkalimot ko sa sarili kong pangarap.

Sa una ay tutol si Queen sa desisyon ko pero wala na syang nagawa dahil nakapirma na ako ng kontrata. Habang tumatagal ay ramdam kong sinusuportahan ako ni Queen maging ng bago kong pamilya.

Ilang beses akong kinulit ni Queen. Ang sabi nya ay pwede ko pa ring tuparin ang pangarap ko habang tinutupad ko ang pangarap ni Micah.

Ngumingiti lamang ako sa kanya sa tuwing sinasabi nya sa akin yan kasabay ng pagsagot ko, "Ang sabi ni Micah ay tutuparin naman nya ang pangarap ko sa langit kaya okay lang sa akin." Napapabuntong hininga na lang sya sa tuwing binabanggit ko iyon.

Habang tumatagal ay napapamahal na rin ako sa ginagawa ko. Palagi kong iniisip na masaya si Micah dahil nakikita nya ang pagtupad ko sa pangarap nya.

=====End of Flashback=====

Nagulat na lang ako nang punasan ni Queen ang pisngi ko gamit ang panyo nya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya sa akin.

"Go on." Wika nya bago sya tumango sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya bago ako nagpasalamat.

Lumabas ako sa gym at dinala ako ng mga paa ko sa garden. Napangiti ako nang makita ko ang mga rosas na nadito. Paboritong bulaklak ito ni Micah. Sigurado akong matutuwa iyon kapag nakita nya ang mga ito.

Noong nabubuhay pa sya ay palagi ko syang inuuwian ng rosas sa tuwing makakakita ako. Palagi ko namang nasisilayan ang maganda nyang ngiti sa tuwing sasalubungin nya ako ng yakap.

"Hindi iniiyakan ang mga rosas." Nagulat ako sa taong nagsalita. Tinignan ko sya at nalaman kong si yabang pala. Agad akong sumimangot sa kanya pagkatapos kong punasan ang mga luha ko gamit ang panyo ni Queen.

Akma akong aalis nang pigilan nya ako. Hinawakan nya ang braso ko para hindi ako umalis. "Why?" I asked him but he did not answer.

"Kung wala kang sasabihin pwede bang bitawan mo na ako?" Sabi ko pa sa kanya at naramdaman ko na lang ang pagbitaw nya sa braso ko.

"Himala hindi ka sumigaw!" Sabi naman nya sakin. Hindi ko na lang sya pinansin pa at nagsimula akong lumakad paalis.

"Natatakot ka bang may manakit na naman sayo?" Rinig kong tanong nya. Humarap ako sa kanya bago ako sumagot.

"Hindi. Wala lang akong energy makipagsigawan sayo." Mukha naman syang nagulat dahil sa sinabi ko.

"Anong problema nito?" Tanong ko sa sarili ko.

Mukhang wala naman syang sasabihin kaya napagdesisyonan ko na lang na umalis doon. Babalik na lang ako sa gym tutal ayos na naman ako.

QUEEN'S POV:

"Okay lang kaya sya?" Tanong ni Venice nang makalayo na sa amin si Louiz. Ngumiti lang ako sa kanya.

Napabuntong hininga naman sya. Alam kong nag-aalala sya kay Louiz kahit na palagi silang nag-aasaran. Ang lungkot na nararamdaman ni Louiz ay itinatago nya lang sa pang-aasar nya sa iba. Wala naman kaming reklamo doon dahil alam namin kung anong pinagdaanan nya.

"Louiz!" Pagtawag ni Venice sa pangalan ng bagong dating. Tinignan ko sya at nakita ko syang nakangiti. Tila bumalik na ang dating Louiz na kilala namin.

Umupo syang muli sa tabi ko at niyakap ako. "Thank you Queen." Sabi nya bago sya bumitaw sa yakap at tinuon ang atensyon nya sa harap.

"You are always welcome, Mikee Louiz." Napalingon sya sa akin at binigyan ako ng matamis nyang ngiti.

---------------

"Ginabi na kayo. Hala sige kumain na tayo ng hapunan." Bungad ni nanay Fe sa amin nang makita kaming pumasok sa kusina.

"Anong nangyari? Magagaling pa rin ba ang mga estudyante sa paaralan mo Angela?" Tanong ni nanay Fe kay mommy.

Annikka Gelaiza or simply Angela Aragon, the owner of Royalty University, is my mom.

"Ganoon pa rin manang Fe. Matatalino at magagaling ang mga mag-aaral sa school. Katulad pa rin ng dati." Sagot ni mommy.

"Kamusta naman kayo mga hija?" Tanong naman nya sa amin.

Mommy look at us waiting for our answer. "Ahm.. Okay lang po nanay Fe. Masaya po kami dahil sa first time po kaming makanood ng ganoon." Pagsagot ko.

Ngumiti naman sya at nagpatuloy sa pagkain. Si mommy naman ay kakaiba ang tingin sa akin, ningitian ko na lamang sya at binigyan ng I'll-explain-later look. Tumango naman sya at nagpatuloy na sa pagkain.

----------------

"Care to explain Queen?" Tanong sa akin ni mommy nang buksan nya ang pinto ng kwarto ko.

I sighed before I answered her. "Louiz remembered what happened before. Lalo na yung nangyari kay Micah. I told her what I did to Skyleigh before. Just like what I did to her twin sister."

Huminga nang malalim si mommy bago sya lumapit sa akin. Kinuha nya ang suklay ko at sinuklayan ang mahaba kong buhok.

"Mahigit apat na taon na mula nang mangyari yun. Hanggang ngayon naiisip nya pa rin si Micah." Sabi ni mommy.

"Opo. Nakakalungkot lang din po na tinupad nya ang pangarap ng kapatid nya kaysa sa pangarap nya." Sabi ko naman.

"Dahil nangako sya anak. Nangako sya sa kakambal nya na tutuparin nya ang pangarao ni Micah, ang maging sikat na artist. Alam mo, sigurado akong masaya si Micah kung nasan man sya ngayon dahil nakikita nyang natupad na ni Louiz ang pangarap nya." Wika ng mommy ko.

"Ngayon na natupad na ni Louiz yun, sana mommy matupad na rin nya at magawa na rin nya ang gusto nya noon pa man." Napatingin naman si mommy sa akin.

"And what is it?" Tanong nya.

"She wants to be a chef mommy just like her mom." Sagot ko.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now