Epilogue

443 7 5
                                    

Walo o syam na taon ako nang dalhin ni daddy si Macey sa mansyon namin noon. Noong una ay nagalit ako sa kanya dahil nagdala pa sya ng palamunin sa bahay namin.

Tulad ng gusto ng mga magulang ko ay tinuring naming katulong ang batang si Macey. Ganoon ang pakikitungo namin sa kanya ngunit nang madalas namin syang nakakasama ay napamahal na sya kay Steffi. Tinuring nilang magkapatid ang isa't-isa kahit na malayo ang agwat ng estado nila sa buhay.

Noong una ay ayaw ko talaga sa ideyang kapatid ang turing ni Steffi sa katulong namin na si Macey pero nang tumagal ay hinayaan ko na lang sila.

Habang tumatagal ay kakaiba na ang nararamdaman ko kay Macey. Alam kong nahuhulog na ako sa kanya ngunit hindi ko pinigilan ang sarili kong mahalin sya. Isa ako sa pinakamasayang lalaki sa mundo nang sinagot nya ako.

Habang tumatagal ay palalim nang palalim ang nararamdaman ko sa kanya kaya halos magalit ako noon kay mommy nang pinilit nya kong hiwalayan si Macey. Hindi ako pumayag dahil mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya. Pero nang sinabi ni mommy na anak sa labas ni daddy si Macey, doon ako nagdalawang-isip.

Anak ni daddy si Macey sa ibang babae at magkapatid kami sa ama kaya hindi kami pwede. Magkadugo kami kaya kailangan ko syang hiwalayan.

Masakit, oo. Sobrang sakit lalo na nang makita ko syang umiyak sa harap ko. Umiyak sya nang sigawan ko sya na noon ay hindi ko kayang gawin sa kanya. Alam kong nasaktan ko sya sa pamaraan ko ng pakikipaghiwalay sa kanya.

"Goodbye for now, exes." Ito ang huling sinabi ng babaeng mahal ko. Huling sinabi ni Macey bago sya umalis at tuluyang iwan ako.

Oo, nagsisisi ako dahil pinakawalan ko sya kahit na mahal na mahal ko sya. Ngunit masisisi nyo ba ako? Ang alam ko noon ay magkapatid kami sa ama. Inakala kong magkadugo kami at ang naging relasyon namin noon ay hindi maaari at bawal sa lipunan.

Mahigit limang taon mula nang umalis sya. Mahigit limang taon akong naghintay sa kanya, sa pagbabalik nya rito sa bansa. Inaasahan ko na ang galit nya sa akin dahil alam kong sobrang sakit ng ginawa ko sa kanya noon. Alam ko yun.

Trauma. Yan ang dinulot sa kanya ng mga nagawa namin noon. Nang dahil sa trauma ay nahirapan syang bumalik sa dating sya. At ngayon ay bumalik na naman ito, paano nya maibabalik ang sarili nya?

Gusto ko syang tulungan, gustong-gusto ko. Pero paano ko magagawa kung pinagtatabuyan nya ako?

"Nicolli." Rinig kong tawag sa akin ng isang tinig mula sa gilid ko. Its my dad, Miguel Reyes.

Pinunasan ko ang pisngi ko nang maramadamang may mga luhang naglandas doon bago ako humarap kay daddy.

Tinignan nya lamang ako at kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagsisisi. Alam ko ito. Alam kong sinisisi nya ang sarili nya dahil sa nangyari sa amin ng mga anak nya. Sabi nya, kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami magkakagulo.

Hindi katulad nya ay hindi ko sya sinisisi sa lahat ng nangyari. May kanya-kanya kaming desisyon nung mga panahong iyon. Ang hindi lang namin alam ay ganito ang magiging bunga ng mga nagawa naming desisyon.

"I'm fine dad." Sabi ko na lang sa kanya. Sinabi ko ito para hindi na sya mag-alala pa sa akin.

Tumingin ako sa kawalan at nagmuni-muni. Sana dumating ang araw na mapatawad din kami ni Macey at bumalik kami sa dati. Miss na miss ko na sya. Yung mga ngiti nya, bawat tawa nya maging boses nya na kay sarap pakinggan.

"Ipaglaban mo sya." Nagulat nang marinig si Steffi. Agad akong napatingin sa kanya.

Paano ko sya maipaglalaban kung may kahati na ako sa kanya?

"Ang sabi ko, ipaglaban mo sya. Ipaglaban mo ang kapatid ko." Sabi nya habang nakangiti. Ngiti ng dating Steffi.

"I will." Sabi ko sa kanya.

"Ipaglalaban kita Macey, kahit na may karibal na ako sayo." Wika ko.

--Nicolli Reyes

=====End of book 1=====

He, who broke ME (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora