Chapter 21: Awarding Ceremony

214 7 0
                                    

Nang makasakay kami sa kotse ay hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni mommy na katabi kong nakaupo sa bandang likod.

"Why?" Tanong nya sa akin na sinagot ko ng iling.

"Wala po mommy. I'm just sleepy and tired." Sagot ko sa kanya and she chuckled.

Hindi na tinapos ni mommy ang panonood sa iba pang contestants. Inaantok na rin kasi sya tulad ko.

Hinaplos nya ang buhok ko bago nya ako pinaidlip saglit. "Idlip ka muna anak. Gigisingin na lang kita kapag nakauwi na tayo, okay?"

"Opo mommy." Inaantok na boses ang ginamit ko para sumagot sa kanya.

------------

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. "Wake up my queen. Nandito na tayo," sabi ng taong iyon.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong si mommy ang nanggising sa akin. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong kami na lang ni mommy ang natira dito sa loob ng kotse.

Bumaba kaming dalawa ni mommy at pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto sa taas. I guess pagod na ang mommy ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumiretso ako sa comfort room ko at nag-half bath. Nasa kalagitnaan ako ng paglinis ko sa sarili ko nang marinig kong nagsalita si Kirsten at hinahanap ako.

"Kirsten why?" Tanong ko sa kanya nang makalabas ako sa comfort room. Nakita ko syang nakaupo sa kama ko.

"I just wanna talk to you about something." Sagot nya bago sya nahiga sa kama ko.

"Wait me here." Sagot ko sa kanya bago ako pumasok sa walk-in closet ko upang magbihis ng pangtulog.

Nang lumabas ako doon ay lumapit ako sa pwesto nya. "What is it?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuklay ako ng buhok ko.

Kinuha nya naman ang suklay at sinimulan nyang suklayan ang buhok ko. "Its about Nicolli." Sagot nya sa akin.

"Anong meron sa kanya?" Tanong ko habang nakatingin ako sa repleksyon nya sa salamin na nasa harap namin.

Huminga sya nang malalim bago nagsalita, "Don't fall for him." Sagot nya bago nya binitawan ang suklay at naglakad sya papalabas ng kwarto ko.

"What do you mean?" Hindi ko maiwasang magtanong. Hindi kasi malinaw sa akin ang sinabi nya.

"I know he's up to something. I don't want to see you cry again.. For the same reason. So please, don't fall for him.. Again." Sagot nya bago sya tuluyang lumabas sa kwarto ko.

Humarap ako sa salamin at kinausap ang repleksyon ko. "I will not fall for him, Kirsten. How many times do I have to tell you all that I've moved on? Katulad ng sinabi ko noon, hindi na ako babalik sa kanya." Sabi ko bago ako nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata ko.

------------

Isang maingay na paligid muli ang nakita namin ngayong araw. Ito na ang huling araw ng selebrasyon namin ng Buwan ng Wika at ngayon din ang awarding day. Ngayon namin malalaman kung sinu-sino ang mga nanalo.

Excited ang lahat na malaman ang resulta. Maging ang mga kaibigan ko ay excited na rin. Kahit na nagdadalawang-isip kami kung mananalo ba kami dahil sa nangyaring dayaan.

"Good morning students!" Pagbati sa amin ng MC. Bumati rin naman kami sa kanya ng magandang araw.

"Ito na ang pinakahihintay nating lahat. Ang resulta ng inyong pagtitiyaga at pagod sa mga nakaraang araw. Ito ang araw na malalaman natin ang mga nanalo sa lahat ng patimpalak." Pagpapatuloy nya.

"Handa na ba kayo? Oops, uunahan ko na kayo. Hindi ako sa Corina Sanchez, okay?" Nang dahil sa sinabi nya ay nagtawanan ang mga estudyante maliban sa amin ng mga kaibigan ko.

Oo na! Hindi namin nagets.

"So handa na ba kayo students? Handa na ba kayong malaman ang resulta?" Pagtanong nya at nagsigawan naman kami.

"Gusto kong tawagin si Dean Natalie upang i-announce ang mga pangalan ng mga nanalo. Dean?" Sabi nya at inalalayan nya si dean na makaakyat sa stage.

"Bago ko sabihin ang mga nanalo. Gusto ko lang munang sabihin sa lahat ang tungkol sa only rule natin. Bawal ang pandaraya. So, para sa mga nanalo sa balagatasan.." Paninimula ni dean bago nya banggitin ang mga panalo.

Tuwang-tuwa ang mga nanalo kasama na kami dahil nanalo ang mga representatives namin sa singing contest. Panalo kami sa duo at group category, sa solo lamang para sa singing contest ang hindi namin nakuha.

Pagdating naman sa essay writing ay nanalo ang apat naming representatives. Sa balagtasan naman ay tatlo ang nanalo.

"Para naman sa dance contest. For solo category, Miss Sandra Villafuente from Fashion and Arts department!" Pag-announce sa pangalan ng representative namin.

Nakipag-apir naman si Sandra sa amin bago sya umakyat sa stage at sinabitan naman sya ng medal. Pagbaba nya ay niyakap nya ako nang mahigpit bago sya nagpasalamat sa akin.

"For duo category, the award goes to.. Miss Shane and Miss Jane Cortez from Fashion and Arts department! Congratulations sa department nyo!" Pag-announce naman sa nanalo for duo category.

Katulad ni Sandra ay niyakap rin nila akong dalawa at nagpasalamat sa amin. Natutuwa ako dahil nanalo ang mga representatives namin.

"And last, for group category.. They are from Education department! Congratulations!" Pag-announce ni dean. Nalungkot naman ang kasama namin dahil hindi nakuha ng grupo namin ang award. Ngumiti ako sa kanila para iparating na ayos lang na hindi kami nanalo.

"Congratulations students! You all deserve it." Huling sinabi ni Dean Natalie at tumalikod na sa amin upang makababa na ng stage. Napatigil naman sya at ang lahat ng tao dito sa gym dahil sa isang sigaw.

"DESERVE? SA LAHAT NG DESERVE NA MANALO AY KAMI! BAKIT HINDI KAMI NANALO SA GROUO CATEGORY?! EH MAS MAGALING PA KAMI SA NANALO EH!" Sigaw ng ating Sigaw Princess.

Humarap sa kanya si dean na mukhang nabastos sa sinabi ni Steffi. "Ganyan ba ang tinuro sayo ng mga magulang mo, Ms. Fernandez? Ang mambastos? Hindi ako ang ipinahiya mo Steffi kundi ang sarili mo. Look around, maraming tao ngayon." Panenermon nya kay Steffi.

Dahil sa sinabi ni dean ay nilimot ni Steffi ang paningin nya sa paligid at nakita nya ang mga matang nakatingin sa kanya. Muli syang humarap kay dean at nagsalita na naman.

"I DON'T CARE! TAMA NAMAN AKO EH! KAMI DAPAT ANG NANALO DAHIL MAGALING KAMI KESA SA KANILANG LAHAT!" Sigaw nya at hindi pinansin ang mga tao sa paligid.

Mukhang nainis na si dean kaya hindi nya na napigilang magtaas ng boses. "MS. FERNANDEZ! IN MY OFFICE, NOW!"

Kahit na napagtaasan na sya ng boses ay hind pa rin nagpatinag si Steffi. "NO! WE WILL TALK HERE!" Sigaw nya.

"CALL YOUR PARENTS PARA MALAMAN NILA ANG KALOKOHANG GINAGAWA MO! PARA MALAMAN NA RIN NILA NA HINDI KA DESERVING DAHIL SA PANDARAYANG GINAWA MO! NANGGAYA KAYO NG KANTA KAHIT NA MALINAW NA BAWAL ANG MANGOPYA NG KANTA NG IBA! BAWAL ANG MANDAYA MS. FERNANDEZ AND NOW YOU ARE ASKING ME WHY YOUR GROUP DID NOT WIN?!" Halos lumabas na ang ugat sa leeg ni dean dahil sa matinding galit na nararamdaman nya.

Hindi ko alam kung paano nya nalaman ang ginawa ni Steffi dahil hindi naman namin sinabi kahit na kanino.

Samantala, hindi pa rin nagpatinag si Steffi at nagawa nya pa ring sigawan si dean. Ang lakas ng loob nya sagutin ng ganoon si dean.

"SINONG NAGSABI SAYO? SINONG NAGSUMBONG SAYO? ANG FALLEN ANGELS BA?!" Sigaw nya sabay tingin sa direksyon namin. Aba pati kami dinamay!

Huminga nang malalim si dean para pakalmahin ang sarili nya. "Walang nagsumbong Ms. Fernandez. Nakalimutan mo na ba na maraming cctv cameras ang naka-install sa buong university?" Sabi ni dean kay Steffi.

"Call your parents, NOW!" Sabi pa ni dean bago sya bumaba sa stage. Naiwan namang nakayuko si Steffi at dinamayan sya ng mga kaibigan nya.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now