Chapter 10: The Effect

298 10 2
                                    

HER POV:

Pagewang-gewang akong naglalakad papasok ng mansion namin. Mabuti naman at hindi ko nabangga ang minaneho kong kotse kahit na lasing ako.

"Steffi! My gosh, what happened to you?" Tanong sakin ni mommy nang makita ako.

Ngumiti lang ako sa kanya. Kahit anong mangyari hindi ko magawang bastusin ang tumayong nanay ko. Hindi ko kayang mainis o magalit man sa kanya. I guess that's called utang na loob.

"Steffi ano ba?" Sabi nya pa. "Manang! Manang! Tulungan mo kong dalhin si Steffi sa kwarto nya!" Sigaw nya para tawagin si manang. Siguro naman alam nyo na kung kanina ako nagmana?

"Bakit ka ba naglasing? Ano na namang problema? Inayos na ng daddy mo ang lahat!" Sigaw nya sakin.

"Akala mo lang yun!" Sarap sabihin sa kanya kaso hindi ko tinuloy.

Paakyat na kami sa kwarto ko nang makita ko sya. Masama ang tingin sakin ni daddy dahil umuwi na naman akong lasing. Mukhang kakauwi nya lang din. I wonder kung saan sya galing.

"Steffi mag-usap nga tayo!" Ma-otoridad na wika nya sakin. Parang nawala naman ang pagkalasing ko nang marinig ko ito. Ngayon lang ulit nya ginamit ang tonong yan.

Bumaba ako ng hagdan at sinundan sya sa sala. "What?" Tanong ko sa kanya.

"What happened to you? Bakit umuwi ka na naman nang lasing? Ipapaalala ko lang sayo na isa kang babae! Gawain ba yan ng matinong babae?!" Sigaw nya sakin.

Napayuko naman ako. Simula nang araw na yun, iba na ang pakikitungo nya sakin. Palagi syang galit, hindi na sya ang amang nakilala ko.

Simula nang mangyari yun. Simula nang malaman namin ang sikreto nya. Simula na rin yun ng pagbabago nya.

"I am talking to you, young lady!" Sabi nya. Nilingon ko naman sya.

"Why? Bakit ka ganyan sakin? Bakit mo binawi ang shares mo dun? Bakit hinayaan mong masara ang boutique ko? Hahaha. Nakakatawa! Hindi nga pala sakin yun! Pinamukha mo lang sakin na wala akong pagmamay-ari na kahit ano dun!" Sigaw ko sa kanya habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko.

"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo yan? Hindi ba't ikaw ang gumawa ng gulo? Ikaw ang dahilan kung bakit ako umalis sa kumpanyang iyon! Napilitan akong alisin ang shares ko dahil anak ko ang may gawa ng gulo!" Sigaw nya sakin.

"Ano ba Miguel! Hindi kasalanan yun ni Steffi!" Sigaw ni mommy sa kanya.

"Yan! Dahil sayo Margaux kaya naging ganyan yang anak mo! Dahil sayo kaya naging masama ang ugali nyan. Manang-mana sayo!" Sigaw din sa kanya ni daddy.

Wala akong nagawa kundi umiyak. Simula nang mangyari yun, pati pagsasama ng mga kinilala kong magulang ay nasira. At dahil yun sa pagdating nya.

Dumating naman si Nicolli at naabutan nyang nagkakagulo ang mga magulang nya. "Tama na! Palagi na lang bang ganito? Kapag uuwi ako dito, ganto ang maabutan ko!" Sigaw nya.

Bumuntong-hininga lang sila daddy saka sila umalis sa sala. Naiwan naman kaming dalawa ni Nicolli.

Tinignan nya ko nang masama. "Ano na namang ginawa mo?!" Sigaw nya sakin. Tuluyan na kong napaiyak dahil sa pagsigaw nya. Hindi kami ganito noon!

"Umakyat ka na." Sabi nya at pumunta naman sya sa kusina. Naiwan akong mag-isa dito sa sala.

Unti-unti akong naglakad papunta sa kwarto ko. Nang marating ko iyon ay nilock ko ang pinto at tinapon ang sarili ko sa kama. Iyak ako nang iyak hanggang magsawa ako. Tumigil lamang ako nang may maalala akong isang bagay na matagal nang nakatago.

Bumaba ako sa kama at kinuha ang kahon sa ilalim nito. Binuksan ko ito at nakita ang litrato namin. Kuha ito nang mga bata pa kami. Tinignan ko ito, mukha kaming masaya dito. Yung tipong walang problema.

Ngumisi ako bago ko sya kausapin. Kailangan kong sabihin sa kanya ang sama ng loob ko na matagal ko nang dala-dala.

"Tignan mo na ang ginawa mo sa pamilyang ito?! Dapat hindi ka na lang dumating! Dapat hindi ka dinala ni daddy dito! Dahil sayo nagkasira sira ang pamilya namin! Ikaw ang may kagagawan nito, Macey!" Pagkausap ko sa litrato namin at pinunit iyon.

"Sa oras na makita kita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Kapag nakita ko ulit ang mukha mo, wala kang magagawa kundi lumuhod sa harap ko. Humanda ka sakin!" Sabi ng isang tinig sa isip ko. Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

-------------------

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Sa nangyari sa cafeteria at ang sagutan namin ni daddy. Ewan ko! Parang kinukunsensya ako dahil sa pagsagot ko kay daddy kanina. Noon kasi hindi ko naman nagagawa sa kanya yun eh. First time yung kanina kaya nagi-guilty tuloy ako.

Lumabas ako ng kwarto ko at tinungo ang guest room. Dito natutulog si daddy kaya malamang ay nandito sya ngayon at natutulog na.

Pagpasok ko ay nakita ko syang tulog habang yakap-yakap ang unan na may pangalan nya. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Hindi ko naman masisisi si daddy kung nami-miss nya yun no.

Lumapit ako sa kanya at binulungan sya. "I am sooo sorry daddy. Pangako, hindi na yun mauulit." I whispered to his ear before I kiss him on his forehead.

Tulad ng sinabi ko noon, hindi ko kayang bastusin ang mga tumayong magulang ko. Nakakagulat na nagawa kong sagut-sagutin ang daddy ko.

Lumabas na ko ng kwarto nya at bumalik sa kwarto ko. I looked at my wall clock and it says 3am.

Its already 3am pero ginambala ko ang mga kaibigan ko. Alam kong sobrang aga ng pagtawag ko sa kanila pero wala naman silang angal dahil alam nila kung paano ako magalit.

Tumawag ako para sa isang plano. Akala nyo ba nakalimutan ko na ang atraso sakin ng shop lifter na yun? Hell no! Hindi ko yun makakalimutan hanggat hindi ako nakakapaghiganti sa kanya!

"So what's your plan, Steffi?" Sabay-sabay na tanong nilang apat nang sabihin ko ang dahilan ng pagtawag ko.

I smirk before I tell them my plan. Nakaka-excite! Hahahaha.. Mali ka nang binangga, mali kayo nang binangga!

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now