Chapter 4: Seeing HIM again

451 10 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at kumakain. Sa totoo lang, hindi kami makakain nang maayos dahil pinagtitinginan kami ng lahat. Well, lahat ng mga lalaki at iilan lang sa mga babae.

"Nakakailang pala kapag kumakain ka habang nakatingin ang lahat!" sabi ni Dhepriz habang pinaglalaruan ang pagkain nya.

Agad kong pinalo ang kamay nya at nilakihan sya ng mata. Alam na nya ang ibig sabihin nun kaya naman itinigil nya ang paglalaro nya sa pagkain nya.

"Ubusin mo yan Alexia Dhepriz. Bawal magsayang ng pagkain." sabi ko sa kanya. Turo sakin yan ni Nanay Fe nung nandoon pa ko sa bahay nila.

=====Flashback=====

"Anak kumain ka na. Tignan mo nga pumapayat na ang reyna ko." sabi sakin ni Nanay Fe.

Nandito kami ngayon sa kusina at pinapakain nya ko. Mahigit kalahating taon na ko dito sa Reyes Mansion pero hindi pa rin ako sanay.

Hindi ako sanay na puro gulay ang kinakain ko at hindi ako sanay kumain sa kusina habang nakikita kong kumakain sila ng pamilya nya sa dining room.

"Sorry po Nanay Fe pero hindi po ako sanay kumain ng gulay." sabi ko sa kanya habang nakayuko.

"Alam ko anak, alam ko. Sa tingin mo ba matutuwa ang mommy mo kapag nalaman nyang pumapayat ang reyna nya?" sabi nya na naging dahilan ng paglingon ko sa kanya.

"A-alam nyo po?" tanong ko na sinagot nya ng pagtango.

"Bago ka dumating dito, nabanggit na sakin ng daddy mo, anak. Maging ako ay hindi sang ayon sa ginawa nya. Huwag kang mag alala, gagawa ako ng paraan para makausap mo ang mommy mo at para maalis ka dito." sabi nya sakin. Hindi ko napigilang mapayakap sa kanya.

"Thank you po."

"Nanay Fe, yan ang itawag mo sakin. Habang nandito ka, ako muna ang magiging mama mo." sabi nya po.

Pagkatapos nun ay kumain ako nang kumain hanggang sa mabusog ako. Ilang araw na ba ako nagpapalipas ng gutom?

"Ubusin mo ang nakahaing pagkain anak. Bawal ang magtira!" paalala nya.

"Opo.. Nanay Fe."

=============

Nabalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang marahang pagtapik ni Kirsten sa balikat ko.

"May problema ba, Queen? Kanina ka pa namin kinakausap, hindi ka kumikibo." tanong nya.

Tinignan ko naman silang apat, mukha silang nag aalala.. "Sorry." paghingi ko ng paumanhin saka ako yumuko.

"Its okay Queen! Ano bang inisip mo?" tanong sakin ni Louiz.

"Ahm.. Wala naman.." pagsisinungaling ko. Ayokong mag alala pa sila kapag sinabi kong bumabalik na naman anh isip ko sa nakaraan.

"Sigura--" naputol ang anumang sasabihin ni Kirsten nang marinig namin ang tilian at sigawan ng mga babae.

'Anong problema?'

"Makatili wagas!"
"Ang sakit sa tainga!"
"Grabe! Kapag satin hindi naman ganyan ang sigawan!"
"Karamihan kasi sa mga Black Angels ay mga lalaki! Kaya wag ka nang magtaka!"

Reklamo ng mga kaibigan ko. Ano bang pinagtitilian ng mga babae? Tinignan ko ang entrance ng cafeteria at nakita ko ang limang kalalakihan na naglalakad papasok sa cafeteria.

"In fairness may itsura yung boys!" pagkumento ni Venice.

"Aba oo nga! Ang mama-macho pa!" komento naman ni Louiz.

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now