Chapter 20: Singing Contest

227 8 0
                                    

HIS POV:

Agad sumilay ang ngiti sa labi ko nang tanggapin ni Macey ang ice cream na ibinigay ko. Alam kong hindi sya okay dahil sa panggagaya nila Steffi sa kanta nila. At alam ko ring ice cream ang sagot para mawala ang lungkot nya.

Nawala ang ngiti ko nang magtanong si Dylan. "Anong meron sa inyo ni Queen, boss?"

Hindi ako makasagot sa tanong nya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Bakit mukha syang ilang sayo? Sabihin mo boss, anong ginawa mo sa idol ko?" Tanong nya pa. Tinawanan naman sya ng magkapatid na Mendez. Napangisi lang naman si Tristan.

"Hindi ka naman mukhang over protective kay Queen no?" Tanong pa sa kanya ni Zimmer.

Mukha namang nalungkot si Dylan. Sinamaan ko ng tingin si Zimmer dahil baka sumama ang loob ni Dylan sa sinabi sa kanya.

"Over protective nga ako sa kanya katulad ng ibang Black Angels. Ayaw lang namin na masaktan na naman sya dahil sa lalaki. Kaya kung may pagtingin ka boss kay Queen, ayusin mo lang. Maraming nagmamahal sa kanya kaya marami rin ang magagalit sayo kapag pinaiyak mo ang reyna namin." Sabi sakin ni Dylan na para bang pinagbabantaan ako. Aaminin ko kinabahan ako dahil sa sinabi nya.

"Hindi ko sya sasaktan. Hindi na." Sagot ko sa kanya at nauna na akong maglakad sa kanila.

--------------

Its already 9am at ngayong araw ang laban namin. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang singing contest at nandito kami ngayon sa back stage para maghanda.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Dylan kahapon. Pinagbantaan nya ako. Handa naman ako eh. Sisiguraduhin kong hindi na masasaktan pa si Macey. Hinding-hindi na.

Tinawag ko si Dylan at niyaya syang lumabas saglit. Kakausapin ko sya tungkol kay Macey. Nang makalabas kami ay hinarap ko sya at sinabi ang plano ko.

"I will court Ma-- Queen. I'll court her tomorrow." Pagsisimula ko.

"Why are telling me this?" Tanong nya naman.

"I just wanted you to know. You are her fan, right?" Sabi ko naman.

Tumango naman sya bago nagsalita. "Okay. Basta yung sinabi ko sayo, keep that in mind." Sabi nya bago sya tumalikod sa akin at bumalik sa back stage.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit. Umiling na lang ako saka naglakad na pabalik sa back stage dahil magsisimula na ang singing contest.

QUEEN'S POV:

Malakas na sigawan ang maririnig sa paligid. Lalo itong lumakas nang lumabas ang MC at sinabing magsisimula na ang singing contest.

Nandito kami sa dati naming pwesto at kasama namin ang iba naming ka-department. Katulad sa mga nakaraang araw ay ganon pa rin ang excitement ng mga kaibigan ko.

"Wooohh! Magsimula na tayo!"

"Excited na kami!"

"Wag nang patagalin pa!"

Sigawan nina Venice, Louiz at Dhepriz. Napa-iling na lang si Kirsten samantalang ngumiti naman ako dahil sa kakulitan nila. Ano pa bang bago?

"Good morning Royalties! Para sa unang magpe-perform, lets welcome a representative from Fashion and Arts department!" Sabi ng MC kaya lalong nag-ingay ang mga kasama ko. Galing ata sa department namin yan eh!

-----------------

12 noon na rin kaya nag-lunch break muna kami. Mamayang 1pm naman ang kasunod. Natapos na ang lahat ng soloists at ang duo representatives na ang susunod. Siguro mamayang 5pm or 6pm ang start para sa grupo.

Nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain. Kasama naman namin ang ilan sa aming kaklase kaya maingay dito sa table namin.

"Sa akin ang legs!" Rinig kong sigaw ni Dhepriz kay Sandra.

"Ako nauna dito eh. Yung breast part na lang sayo!" Sigaw naman sa kanya ni Sandra.

Pinag-aagawan nila ang fried chicken. Favorite part kasi ni Dhepriz sa chicken ay ang legs kaya nakikipag-agawan talaga sya. Silang dalawa ni Sandra ang nahuling dumating dahil nag-comfort room muna sila bago pumunta dito sa cafeteria. At dahil nahuli sila, isang legs at isang breast part na lang ang natira sa bucket.

Humarap ako sa kanila bago nagsalita, "Baby, ito na lang yung akin ang kunin mo. Akin na yung breast part." Sabi ko kay Dhepriz para manahimik na sya at kumain.

Tinanggap nya naman ang part ko at ibinigay sa akin ang breast part. Nasa kalagitnaan na kami sa pagkain nang may marinig kaming sumigaw. Nakita naman naming si Steffi iyon at mukhang natapunan sya ng juice.

"Ang tanga mo naman! Ang laki laki ng daan binangga mo pa ako!" Sigaw nya. Hindi na namin sya pinansin pa at nagpatuloy kami sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan na namin lumabas sa cafeteria at bumalik na sa gym. Nakasalubong naman namin ang Five Seasons. Ngumiti sa akin si Dylan tulad ng palagi nyang ginagawa kapag nakikita ako. Ningitian ko rin sya at hinaplos ang buhok nya.

"Good luck!" Sabi ko sa kanila bago ako naglakad palabas.

-------------------

"Good evening students! Kaya pa ba? Hindi pa ba kayo pagod?" Pagkausap sa amin ng MC.

Medyo madilim na ngunit patuloy pa rin ang program. 7pm na at ilang grupo na lang ang natitira para mag-perform.

"Lets welcome, Five Seasons!" Pag-announce ng MC at naghiyawan ang lahat. Mukhang hindi pa ubos ang energy ng mga estudyante samantalang ako ay inaantok na.

"This song is for you." Sabi ni Nicolli habang nakatingin sa direksyon ko. Ewan ko ba, pero nakaramdam ako ng kaba. Binaliwala ko na lamang ito at nakinig na lang sa kanila.

(A.N: play the video- Sakto ka na by Hashtags)

Habang umaawit sya ay sa akin lang sya nakatingin. Hindi nahahalata ng iba dahil medyo madilim sa pwesto namin pero ang mga kaibigan ko, alam kong nahahalata nila.

Hinawakan ni Kirsten ang braso ko upang isabay ako sa pagtayo nya. Nang tumayo ako ay muli kong tinignan si Nicolli. Nalungkot ang mukha nya ngunit umaliwalas ito nang ngumiti ako sa kanya.

Nagpatuloy syang umawit kasabay ang mga kaibigan nya. Nang matapos silang kumanta ay agad syang bumaba sa stage at tinakbo ang direksyon ko.

Nagsimula naman kaming maglakad nila Kirsten. Hindi pa man kami gaanong nakakalayo sa mga kaklase namin nang marinig ko ang boses ni Nicolli.

"Macey.." Pagtawag nya sa pangalan ko at ningitian ko lang sya.

"Good job! Ang galing nyo." Sabi ko naman sa kanya na naging dahilan ng pagngiti nya.

Muling hinawakan ni Kirsten ang braso ko bago ako yayaing umuwi na. "Tara na Queen. Sumabay na tayong umuwi kay tita."

"Bye." Pagpapaalam ko bago ko sya tinalikuran.

###

He, who broke ME (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt